24

33 4 0
                                    

Liam's P. O. V

Unti nalang ang pumapasok na mga estudyante ngayon dahil bukas graduation na namin, puro paghahanda nalang ginagawa namin ngayon, pagkatapos ng practice namin ay pinuntahan ko lahat ang mga lugar na saksi sa pagmamahalan namin ni Colton, una kong pinuntahan ang mall kung saan kami unang nagkita, kung saan nagkabanggaan kaming dalawa, pangalawa kong pinuntahan ang lugar kung saan ko siya sinuntok , at ang huli naman ay sa tambayan nila kung saan ako nakipagbreak sa kanya at kung saan naghanda siya ng sorpresa para sa akin.

"Liam...."tinig ng isang babae mula sa likuran ko, pagharap ko nakita ko si Angel.

"Pwede ba tayong mag-usap?"tanong niya sa akin.

"Bakit?"tanong ko sa kanya habang nakaupo kami.

"Liam, sorry sa nagawa ko."paghingi niya ng tawad.

"Bakit?"naguguluhan kong tanong.

"Yung nabasa mong messages namin ni Colton, ako ang may kagagawan nun, yung niyakap ako ni Colton sinabi ko yun dahil nangako akong hindi ko na kayo guguluhin, pero kasinungalingan lang iyon dahil alam kong dadating ka kaya ko sinabi yun sa kanya."paliwanag niya sa akin.

"Liam, please patawarin mo ako."

"Angel, kung ano man ang nagawa mo noon, past na yun, at dahil umamin ka din pinapatawad na kita."wika ko sa kanya.

"Thank you Liam, may favor pala ako sa iyo."wika niya sa akin.

"Ano?"

"Alagaan mo si Colton, wag na wag mo siyang sasaktan, please Liam wag mo na siyang saktan ulit, talagang ikaw ang mahal niya , at ibalik mo sana ang dating Colton, kasi mula noong nakipag break ka sa kanya, nag-iba na siya."

"Sige Angel."sagot ko.

"Thank you Liam!"wika niya saka niya ako niyakap.

Pagkauwi ko sa condo ko tinanggal ko lahat ng mga gamit ko sa bag ko, pumukaw ng pansin ko ang isang garapon na puno ng paper stars, alam kong ito yung garapon na ibinigay ni ma'am Cora sa akin na galing kay Colton, inilabas ko lahat ng sobre at mga paper stars sa cabinet ko at inilagay ito sa bed ko, pagkabukas ko ng isang sobre may paper stars ito.

Sinearch ko kaagad sa google kung may meaning ba ang mag stars na ito at hindi pala paper stars ang tawag dito kundi lucky stars at may meaning ang mga ito.

Yung ibinigay ni Colton saakin na isang star noong nagmamaneho siya ang meaning ay "The only love"

Yung ibinigay naman ni Colton saakin noong first monthsary namin na dalawang stars ang meaning naman niya ay"The happy and compatible couple"

Sunod ko namang binuksan ang isang sobre na nay 9 stars at ang meaning ay"Love for a lifetime "

Tapos isinunod ko naman yung ibinigay niyang 55 stars noong birthday ko at ang meaning ay" Love you without any regret "

Sunod sunod kong binuksan ang mga sobre at may meaning ang mga ito pala.

99 stars" Boarderless Love"

101 stars"You are the one and only in my life"

129 stars"The forever and ever love"

365 stars"The whole year of blessing"

548 stars"Wishing you love me endlessly "

999 stars" Everlasting love"

At ang huli kong binuksan ay ang isang garaponng paper stars na una niyang ibinigay sa akin, na may 10,000 stars na ang meaning ay "Love you 10,000 years "

Sa kabuuan 10,308 lucky stars ang kanyang ginawa, iniligay ko lahat ito sa garapon na nasa study table ko, ng biglang may kumatok.

"Oh, Karl bakit?"tanong ko sa kanya.

"May sasabihin ako sa iyo,"sagot niya pagkapasok niya sa room ko.

"Ano yun?"tanong ko sa kanya, iniabot niya lang sa akin ang isang notebook na may laman na story pero walang title.

"Lahat ng andiyan ay nangyari sa inyo ni Colton."wika ni Karl sa akin, binasa ko ito hanggang sa huli at totoo nga, hindi kami magkakatuluyan ni Colton.

"Liam, ipinabasa ko iyan para malaman mong lahat ng nangyari sa inyo ni Colton ay nakasulat diyan."wika ni Karl sa akin.

"Kailan mo pa ito isinulat?"tanong ko sa kanya.

"Noong, grade 9 palang tayo."sagot niya, magsasalita pa sana ako pero biglang nag ring ang phone ko.

"Bakit Ezekeil?"tanong ko.

"Liam, hindi mo ba pipigilan si Colton?"

"Bakit?"

"Pupunta na siya ng Manila at doon na niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya, Liam, hindi na siya aatend sa graduation natin bukas."sagot ni Ezekeil.

"Liam, 7:00 ang alis niya at may ten minutes ka pa upang pigilan siya."wika ni Ezekeil agad ko ng ibinaba ang tawag.

"Karl, dala mo ba ang kotse mo?"tanong ko sa kanya.

"Hindi pero nasa labas si Dave."sagot niya, hinila ko siya palabas saka nakita ko ang kotse ni Dave agad kaming pumasok ni Karl doon.

"Dave, sa bus station, before 7 dapat andon na tayo."utos ko kay Dave.

"Baka hindi tayo aabot."sagot ni Dave.

"Basta magdrive ka nalang."wika ko sa kanya.

"Liam, bakit tayo pupunta sa bus station?"tanong ni Karl.

"iibahin ko ang kwentong isinulat mo."sagot ko.

"Anong kwento?"tanong ni Dave.

"Basta mag drive ka nalang"wika ko sa kanya, kamalas-malasan nga naman natraffic pa kami.

"Dave, hihintayin ko kayo doon"wika ko sa kanila, saka binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Dave.

"Anong gagawin mo?"tanong nila sa akin.

"Hindi tayo aabot doon within 3 minutes, kaya tatakbuhin ko nalang."sagot ko saka nagsimula na akong tumakbo, wala na akong pakeelam kung pagtitinginan ako ng mga tao basta ang mahalaga maabutan ko si Colton, pagkarating ko sa bus station chineck ko kaagad ang relo ko at 7:05 na, agad akong nagtanong sa kondoktor.

"Manong asan po yung bus na ang alis ay alas siete?"tanong ko sa kundoktor.

"Ay, sir kakaalis lang po."sagot nung konduktor.

Napatulala nalang ako sa harap ng kundoktor dahil sa narinig ko.

'Dito na ba talaga magtatapos ang kwento naming dalawa? , wala na ba talagang happy ending? '

"Liam......"

I'm Inlove With My Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon