3

101 4 0
                                    

Liam's P. O. V

Naalimpungatan ako ng maamoy ko yung itlog na priniprito, gumising ako at agad na bumangon.

"Gising ka na pala, eto oh kain na."wika ni Colton, umupo ako tsaka nagsimulang kumain, pagkatapos naming kumain ako na muna ang unang naligo bago siya nang tapos na siya maligo hindi ko maiwasang mamangha ang sa ganda ng hubong ng katawan niya.

"Nakatingin ka nanaman sa pandesal ko, halika hawakan mo."wika niya at akmang hahablutin ang kamay ko pero agad ko iyong iniwas.

"Bibilisan mong magpalit o tatadyakan ko ulit yan?"sabi ko sa kanya kaya't dali-dali siyang nagpalit. Habang naghihintay kami ng masasakyan sa labas ng condo ko kinausap ko si Colton tungkol sa ibinigay kong math problems kagabi na kailangan niyang maperfect.

"Colton, alam mo nuh? bilib din ako sayo dahil naghirap ka talaga,"panimula ko sa kanya.

"Siyempre sabi ko naman sayo kahit ano ang ipagawa mo, gagawin ko para lang maging tutor kita."sagot niya."Teka lang, yung sinolve ko naiwan ko sa Condo mo, balik tayo para kunin natin."wika ni Colton, babalik na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Colton, ganito, pabayaan mo na yung sinolve mo dahil oo."wika ko at base sa reaksyon niya nalilito siya.

"Anong oo?"tanong niya sa akin.

"Oo, payag na akong maging tutor mo."sagot ko, ngumiti siya at nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap. Nang mapagtanto niya ang ginawa niya agad siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"So kailan tayo magsisimula?"tanong ko sa kanya para mawala ang awkward na bumabalot sa pagitan namin.

"Text nalang kita."sagot niya tsaka siya tumakbo patungo sa classroom nila.

'Ano bang meron? Bakit sobrang saya niya na pumayag ako? '

Patungo na rin sana ako sa classroom namin, pero nakita ko si Calvin na naglalakad patungo sa kanilang classroom nila.

"Calvin!"tawag ko sa kanya,dahilan upang siya ay lumingon sa akin, ngumiti siya at lumapit siya.

"Ano tol, kumusta?"tanong ko sa kanya.

"Heto ok naman, sinagot na din ako sa wakas."sagot niya.

'Wew'

"Woah! kailan pa?"tanong ko sa kanya.

"Last Month,"sagot niya. "Sige na din tol, nagmamadali kasi ako, yung classmate ko nagpapatulong sa amin para isurprise yung boyfriend niya,"paalam ni Calvin sa akin.

"Bakit ano bang meron?"tanong ko.

"First Monthsary nila, kaya nagpapatulong sa amin sa gagawin niyang surprise."

"Sige din tol."wika ko, pagkaalis ni Calvin, pumasok na ako sa classroom namin, at as usual andiyan nanaman ang mga kaibigan ko na tanong ng tanong.

"Pumayag ka na daw sabi ni Colton, totoo ba?"tanong ni Dave sa akin, tumango lang ako bilang sagot.

"Ang galing mo talaga manghula Karl, pahula nga rin ako,"biro ni Dave kay Karl.

"Hahaha,"Tumawa si Karl. "Sabi ko kasi papayag din," wika ni Karl sa amin.

"Oo na magaling ka ng manghula Karl."sagot ko.

Dave's P. O. V

Pagkatapos ng klase namin sa umaga naghiwa-hiwalay kaming tatlo, si Liam nasa Science Park para itutor si Colton, si Karl naman nasa Library mag advanced reading daw siya , ako naman ewan ko kung saan ako tutungo, dinala ako ng mga paa ko sa mini park, umupo ako sa sementong upuan tsaka nag-scroll-scroll na muna at nang mainip, tumayo ako tsaka ako umalis pero may nabangga ako dahilan para magsihulugan yung mga dala-dala niya, agad ko siyang tinulungan para damputin yung mga gamit niya.

I'm Inlove With My Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon