Colton's P. O. V
It's been 3 years mula noong una ko siyang nakita, Grade 7 palang ako nun nung huli ko siyang.
~~Flash Back ~~
3 years ago
"Tol, tara pasyal muna tayo,"aya ni Vince sa amin.
"Sige."sagot ko, tsaka kami pumunta sa isang mall.
"Cr lang ako,"paalam ko sa kanila.
"Sige, kita nalang tayo sa doon sa coffee shop na dati nating pinupuntahan."sagot ni Vince sa akin, habang naglalakad ako papunta sa may Cr, may nakabangga ako dahilan upang mahulog yung hawak niyang frappe.
"Sorry po."paghingi niya ng paumanhin sa akin.
"Ako nga dapat ang mag sorry sayo eh, dahil sa akin natapon pa yang frappe mo."wika ko sa kanya, pero pag angat ko ng tingin natulala ako dahil tumambad sa akin ang lalaking maputi, na kasing tangkad ko lang at nakangiti ito sa akin.
"Eh dahil din sa akin natapunan yang polo mo."wika niya sa akin sabay turo sa polo ko, tiningnan ko naman ito, tama nga siya natapunan niya yung polo ko.
"Uyy, tara na,"tawag sa kanya ng kasama niya.
"Sige, alis na ako ah, sorry ulit."wika niya tsaka siya tuluyang umalis.
"Oh, bakit ang tagal mo, nag masturbate ka no?"wika ni Ezekeil sa akin, kaya binatukan ko siya.
"Loko, hindi, kaya ako natagalan dahil nakita ko na yung taong gusto ko."sagot ko sa kanila.
"Eh sino naman?"tanong ni Vince sa akin.
"Secret."sagot ko sa kanya.
"Pag nagkita kayo ulit, mag first move ka na sa kanya ,baka may makauna sayo."wika ni Ezekeil sa akin.
'Pag nakita kita ulit, di na kita hahayaang mawala sa paningin ko'
Habang naglalakad kami papunta sa tambayan namin, may nakabangga sa akin at natapon yung iniinom niya sa damit ko kaya nabasa ako.
"Hoy! ikaw bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, kilala mo ba kung sino ang binangga mo?"sigaw ko sa kanya.
"S-sorry C-colton!" natataranta siyang humingi ng paumanhin sa akin pero agad kong hinawakan ang kwelyo niya.
"Anong sorry? tingnan mo nga yung damit ko! nabasa nang dahil sayo!"sagot ko tsaka tatama na sana ang kamao ko sa kanya nang biglang may sumigaw.
Tiningnan ko kung sino yung sumigaw at laking gulat ko na nakita ko siya ulit.
"At sino ka naman para pigilan ako? "tanong ko sa kanya habang nakangiti ako.
"Wala kang pake,"sagot ko niya sa akin.
'Hmm, mukhang matapang tong gusto ko.'
"Baka naman kasi boyfriend mo yan kaya mo ipinagtatanggol."wika ko para inisin pa siya.
"Ulitin mo ang sinabi mo!"
"Ang sabi ko baka naman kasi boyfriend--"hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil nagulat ako sa ginawa niya. Sinapak niya ako.
"Hoy, Colton payag kang sapakin ka nalang niya?"tanong ni Ezekeil sa akin.
"Tanga, siya yung sinasabi ko sa inyo noon."sagot ko sa kanila.
"Ano? Siya?"gulat na tanong nila Vince at Ezekeil.
"Oo siya."sagot ko naman, tsaka ko sila iniwan.
~~End of Flash Back ~~
Nakangiti pa rin ako habang naglalakad pabalik sa canteen, pagkarating ko sa canteen nakita ko sila na nakaupo pa rin sa table namin pero wala na si Angel.
"Oh? Bakit ka nakangiti?"tanong ni Ezekeil sa akin.
"Kasi naman si Liam,"panimula ko.
"Ano inamin mo na? na may gusto ka sa kanya?"tanong ni Vince pero umiling lang ako.
"Ano din?"
"Nagseselos daw siya sa amin ni Angel."sagot ko, kaya pati sila napangiti rin.
"Edi baka may gusto na siya sayo,"wika ni Dave sa akin.
"Baka nga."sagot ko naman.
"Eh ano na ang next mong gagawin?"tanong nila sa akin.
"Just wait and see."sagot ko sa kanila.
'Sisiguraduhin kong makukuha kita, hindi ako papayag na maagaw ka ng iba sa akin, ikaw at ikaw lang ang mahal ko, kahit ano ang ipagawa mo gagawin ko para lang mapasaakin ka gagawin ko'
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Tutor
Teen Fiction"I Love You Without Any Regrets" Liam Cruz isang magaling na tutor sa kanilang paaralan, hanggang sa nagkakilala sila ni Colton Lim, na babago sakanyang buhay, matagal ng gusto ni Colton si Liam, pero hindi niya ito magawang aminin dahil ubod ng pa...