Liam's P. O. V
Kinabukasan nagising akong magkayakap kami ni Colton, bumangon ako pero hinila ako ni Colton upang bumalik sa kinahihigaan ko.
"Mamaya na tayo bumangon."wika niya sa akin sa tonong inaantok pa.
"Colton naman, bumangon na tayo."wika ko saka pilit kong inaalis yung kamay niyang nakayakap sa akin, hindi naman ako nahirapan na tanggalin dahil siya na ang kusang nagtanggal ng nga kamay niya.
"Bakit ayaw mo na ba akong makatabi?"tanong niya sa akin tsaka sumimangot siya.
"Hindi naman, kailangan lang nating bumangon na."sagot ko pero nakasimangot pa rin siya.
'Hayy, ang hirap naman pakisamahan itong boyfriend ko na si Colton '
Dahil wala ng ibang paraan hinalikan ko nalang siya sa labi niya, ihihiwalay ko na sana yung labi ko pero bigla niyang hinawakan yung ulo ko saka mas inilapit sa kanya, mga 10 seconds yung halikan namin kaya pagkahiwalay ng mga labi namin parehas kaming naghabol ng hininga.
"Ano nagtatampo ka pa?"tanong ko sa kanya.
"Umm... Oo, 15 seconds ang gusto ko para hindi na ako magtampo."sagot niya sa akin.
"Tang ina mo! bumangon ka na diyan maligo lang ako tapos maligo ka na."wika ko saka ako pumasok sa banyo upang maligo.
Pagkatapos naming maligo ni Colton nakapalit na kami, naka pantalon ako ng kulay gray tapos shirt na kulay red tapos siya naman nakapantalon na kulay black tapos shirt na kulay white.
"Saan ba tayo pupunta bakit bihis na bihis tayo?"tanong niya sa akin, pagkababa namin.
"Ayaw mo bang makasama ako buong araw?"
"Siyempre gusto ko."sagot niya saka agad hinawakan ang kamay ko tapos hinila niya ako palabas ng bahay.
"Wag ka nga masyadong excited."wika ko sa kanya, pagkalabas namin ng bahay nakita namin agad sila papa, mama, kuya Leo, ate Daisy, tapos sila Samantha at Cj na hinihintay kami sa labas ng van.
"Hayy, bakit ang tagal niyo siguro may ginawa nanaman kayo?"wika ni ate Daisy sa amin.
"Kung ano-ano iniisip mo ate."wika ko saka hinila na si Colton para makapasok na kami sa loob ng van.
Una kaming pumunta sa simbahan upang magsimba, pagkatapos ng simba, kumain na muna kami sa isang restaurant, tapos pumunta na kami sa Antonio's Falls.
"Gawin niyo na ang gusto niyong gawin pero yung hindi pwede wag gawin dito,"sabay sulyap ni papa sa amin ni Colton."Enjoy kayong lahat hanggang 6 lang ng gabi tayo dito."patuloy ni papa saka naglakad na ng diretso kasama si mama, tapos sila ate Daisy kasama si kuya Leo saka yung mga anak nila agad ng pumunta sa waterfalls, kaya kami ang naiwan ni Colton dito.
"Liam...."wika ni Colton.
"Bakit?"tanong ko sa kanya.
"Kailan kaya tayo ikakasal?"tanong niya sa akin, literal na nagulat ako sa tanong niya.
"Malabo ata ang gusto mo."sagot ko, magsasalita pa sana siya kaya lang,biglang nagring yung phone ko.
Hexa-squad
Dave Eschucharo want's you to join the video chat.
Sinagot ko ito tapos nakita ko si Dave na nakakalat sa kama niya yung mga notebooks at books niya, tapos si Vince naman kasama si Karl, tapos si Ezekeil as usual nakasimangot siya.
"Uyyy, magkasama pala kayong dalawa."wika ni Karl.
"Oo, kahapon pa."sagot ni Colton.
Nanlaki yung mga mata nila tapos nagtanong si Dave sa akin"may nangyari na?"tanong niya.
"Wala pa."sagot ko pero pakiramdam ko biglang namula yung buong mukha ko.
"Nagsisinungaling ka, namumula ka oh."wika ni Dave.
"Ezekeil bakit ka nakasimangot diyan?"tanong ko kay Ezekeil.
"Eh, pano naman kase, nagpapainggit kayo eh."nakasimangot na sagot niya.
"Liam, wag mong ibahin yung topic."singit ni Dave.
"Wala pa."sagot ko saka agad kong pinatay yung call, pero nag message sila sa gc.
Dave : guilty much?
Vince: hahaha, guilty si Liam
Karl: wag kayo diyan baka magalit yan
Ezekeil : wag kayong maingay mga taken, maawa kayo sa single
Natawa tuloy ako kay Ezekeil, kawawa naman wala pang jowa, nakalimutan kong nasa tabi ko pa pala si Colton.
"Bakit mo itinanggi?"tanong niya sa akin habang naglalakad kami.
"Bakit, proud ka pang may nangyari sa atin?"
"Oo"sagot niya kaya agad ko siyang binatukan.
"Arayy, ang sakit naman eh."reklamo niya sa akin.
"Last sex na yung kagabi, wala ng mangyayari pa sa atin."sabi ko saka ko siya inunahan sa paglalakad.
Nakaupo lang kami ni Colton dito sa cottage namin, habang lahat sila enjoy na lumalangoy.
"Tito halika na po."tawag ni Cj sa akin.
"Hindi na, hindi ako mahilig mag swimming."sagot ko pero nagulat nalang ako ng bigla akong buhatin ni Colton.
"Colton ibaba mo ako!"wika ko sa kanya, habang naglalakad siya papunta sa may falls habang buhat-buhat ako.
"Wag kang makulit kung ayaw mong itapon kita."wika niya kaya napahawak ako ng mahigpit sa leeg niya.
Pagkarating namin sa may waterfalls, putang inang Colton itinapon ako sa tubig saka siya humagalpak sa tawa.
"Punyeta ka talaga Colton!"sigaw ko sa kanya, saglit akong natigilan ng bigla niyang hubarin yung damit niya kaya nai flex yung abs niya, lahat ng mga babaeng lumalangoy napatitig sila kay Colton.
'Hoy anong itinitingin tingin niyo diyan, boyfriend ko yan '
"Huy nakatitig ka nanaman sa akin."wika niya sa akin dahilan upang bumalik ako sa katinuan.
"Tse, nagtatampo ako sayo."sagot ko saka ako lumangoy palayo sa kanya, pero ng sinulyapan ko siya wala na siya.
' San kaya pumunta yun? '
Naramdaman ko nalang na may biglang yumakap saakin mula sa ibaba, tapos hinawakan niya ang ulo ko upang bumaba rin ako, nakita ko si Colton, aahon na sana ako pero hinalikan na niya ako sa labi.
Madali lang naman lumipas ang 1 week and 2 days, kaya pagsapit ng August 2 umuwi na kami ni Colton sa Accusilian, tapos kinabukasan hanggang biyernes exam lang ang ginawa namin kaya pagkatapos ng exam, nakapagpahinga na rin kami sa wakas.
Nakasakay ako ngayon dito sa kotse ni Colton, ihahatid raw niya ako sa condo ko, umidlip muna ako saglit pero pag gising ko nasa bahay na kami na malaki.
"Colton asan tayo?"tanong ko kay Colton.
"Andito tayo sa bahay."sagot niya sa akin.
"Anong gagawin natin dito?"
"Ipapakilala ko ang boyfriend ko sa buong pamilya ko."sagot niya magtatanong pa sana ako pero inunahan na ako.
"Wag ng masyadong matanong, bilisan mo na diyan naghihintay na sila."wika ni Colton sa akin saka siya lumabas, lumabas na rin ako sa kotse niya tapos pumasok na kami sa bahay nila.
"Good afternoon, sir Colton, hinihintay na po kayo sa dining room."wika nung isang maid na may katandaan na.
"Ok po manang Leonida."sabi ni colton saka hinila na ako ni Colton papunta sa may dining room nila.
Pagdating namin sa dining room, bigla silang tumahimik, totoo nga ang sinabi niya buong pamilya, andon ang mga kapatid niya mama at papa niyang si Dean Lim.
"Everyone, meet Liam Cruz my boyfriend."anunsiyo ni Colton sa buong pamilya niya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Tutor
Teen Fiction"I Love You Without Any Regrets" Liam Cruz isang magaling na tutor sa kanilang paaralan, hanggang sa nagkakilala sila ni Colton Lim, na babago sakanyang buhay, matagal ng gusto ni Colton si Liam, pero hindi niya ito magawang aminin dahil ubod ng pa...