15

55 4 0
                                    

Karl's P. O. V

Dalawa lang kami ni Vince sa sasakyan niya, nagmamaneho siya pabalik sa school namin habang nasa biyahe tahimik lamang kaming dalawa.

"Umm, Karl ilang years na pala kayo magkakilala nila Liam at Dave?"pambabasag na tanong ni Vince sa katahimikan na bumabalot sa pagitan namin.

"Actually 4 years na."sagot ko.

"Ahh! I see,"wika niya saka bumaling ulit sa daan.

"Vince bakit sa inyong magkakaibigan ikaw ang pinakatahimik?"tanong ko rin sa kanya.

"Talagang tahimik lang ako, pero minsan madaldal din ako gaya ni Ezekeil."sagot niya.

"Haha, buti nalang di ka tulad ni Ezekeil na sobrang daldal, madaldal na ba yun dati pa?"

"Oo, parang pinanganak na ngang madaldal eh,"sagot ni Vince.

"Kayo pala, ilang years na kayo magkakakilala?"

"4 years na rin gaya ng inyo."sagot ni Vince.

"Ok,"sagot ko tsaka di na ulit umimik.

'Every tinatanong ko si Vince kinakabahan ako'

Mga ilang minuto lang dumating na kami sa parking lot ng school, pinark ni Vince yung sasakyan niya sa tabi ng sasakyan ni Colton, pagkababa nila Liam at Colton dere-deretso lang silang naglakad papasok sa campus, hindi rin sila nagkakaimikan pati kami hindi rin nila kami iniimik.

'LQ ba? Parang hindi LQ eh, magkaholding hands naman pa rin sila'

"Aral mabuti, sabay tayong uuwi mamaya."wika ni Colton kay Liam tsaka siya tumalikod at umalis, di niya talaga hinintay yung mga kaibigan niya.

"Aral rin ng mabuti, sige na iniwan na kami eh."wika ni Vince sa akin tsaka siya umalis.

' Actually nagulat ako sa sinabi niya sa akin, wag assuming Karl, hindi ka kasali sa story ni Colton at Liam'

Pagkatapos ng klase namin dumeretso kami sa parking lot para ihatid ang kaibigan namin sa kanyang boyfriend.

"Oh, ayan na pala ang boyfriend mo."wika ni Ezekeil.

Hindi siya pinansin ni Colton sa halip ay pumasok na sa sasakyan si Colton at Liam tsaka sila umalis.

"San ka pala sasakay?"tanong ni Dave sa akin.

Bago ako makasagot sa tanong ni Dave biglang sumagot si Vince na ikinagulat ko yung sagot niya.

"Ihahatid ko siya."simpleng sagot ni Vince.

Hindi agad ako nakapagsalita, prinoproseso pa kasi ng utak ko yung sinabi niya.

Ngumiti ng nakakaloko si Dave"So sige den, iwan na kita susunduin ko pa si Kathleen"paalam ni Dave saka siya umalis.

"Ihahatid kita Karl."

"Umm, okay."sagot ko.

"Ingat ka sa kanya Karl."wika ni Ezekeil sa akin, meron pa pala siya diyan kala ko wala na siya.

"Ulol!"mura ni Vince kay Ezekeil, pumasok na kaming dalawa ni Vince sa sasakyan niya saka siya nagmaneho.

Liam's P. O. V

"Liam, gising na."panggigising ni Colton sa akin.

"Bakit tayo andito?"tanong ko kay Colton.

"Gusto ko lang pagmasdan ang buong Accusilian."sagot niya tsaka siya umupo sa sementong upuan, ganon din ako umupo rin ako.

"Liam alam mo bang pag dinala mo dito yung mahal mo eh sasagutin ka?"tanong ni Colton sa akin.

'Hindi ko alam yun ah'

"Hindi eh."sagot ko habang nakatanaw pa rin ako sa buong Accusilian.

"Liam, 1-week na walang pasok next week, punta tayong San Antonio bukas, para dun tayo mag review."wika ni Colton sa akin.

"Mmmm... Sige."sagot ko, bigla kaming tumahimik na dalawa hanggang sa bigla nalang akong hinalikan ni Colton sa labi.

"Liam, yes or no lang ang sagot."panimula niya." Will you be my Boyfriend?"tanong niya sa akin.

'Sasagutin ko na ba siya, o wag na muna? Bahala na'

"Liam, will you be my Boyfriend?"ulit na tanong niya sa akin.

"Colton alam kong noon mo pa gustong marinig ang sagot ko diyan,"panimula ko saka ko siya hinarap." Pero ngayon, masasagot ko na ang tanong mo."patuloy ko pa."Oo, Colton, boyfriend mo na ako, hindi mo na kailangan pang maghintay nang ilang araw o buwan o taon dahil ngayon sinasagot na kita."

"I love you Colton Lim." Wika ko tsaka ko siya hinalikan ko siya sa labi.

"I love you too Liam Cruz."

'Totoo nga ang sinasabi nilang pag dinala mo dito ang mahal mo, sasagutin ka niya, dinala ako dito ni Colton upang sagutin ko siya, sinagot ko siya hindi dahil sa paniniwala nang mga tao tungkol dito sa Oliver's Mountain, sinagot ko siya dahil alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya at hindi na iyon mababago pa."

I'm Inlove With My Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon