Liam's P. O. V
Dumaan ang Linggo na wala akong ginawa, kaya naman heto nanaman ang Lunes at kailangan maaga akong pumasok dahil Flag Ceremony namin ng 6:30.
Habang pumapara ako ng masasakyan, may biglang huminto sa harapan ko na kotse, ibinaba nito ang bintana at nakita ko mula sa loob si Colton.
"Sakay na, sabay na tayong pumasok,"alok niya sa akin pero di ko siya pinansin, sakto namang may tumigil na taxi kaya dali-dali akong sumakay doon.
Pagkarating ko sa school, kahit malayo ang building namin, tinakbo ko ito para hindi ako maabutan ni Colton, pero ganun nalang ang gulat ko ng makita ko siyang naghihintay sa labas ng room namin.
"Liam, anong oras mo ako itutor mamaya?"tanong niya sa akin, pero di ko parin siya pinansin, dinaanan ko lang siya na parang wala ang presensiya niya sa labas.
"Huyyyy, anong problema? di ka umattend ng Flag Ceremony."tanong ni Karl sa akin pagkatapos ng Flag Ceremony.
"Wala, masama lang pakiramdam ko kaya di ako umattend ng Flag Ceremony."sagot ko, tsaka inilabas na ang libro ko sa Science.
"Ayy, siya nga pala may nagpapabigay nito sayo."wika ni Karl sabay abot sa akin nung papel, di ko ito binasa inilagay ko nalang agad ito sa bag ko.
"Oyy, bakit ang tahimik mo ngayon?"tanong ni Dave sa akin.
"Palagi naman akong tahimik eh."sagot ko, pero hindi parin nila ako tinigilan.
"Iba ang pagiging tahimik mo ngayon."sabi ni Karl.
Pero di ko sila sinagot, sa buong klase namin nang umaga hindi ako nakapag concentrate dahil lumilipad ang isip ko.
'Peste naman kasi eh!'
Andito kami ngayon sa canteen para mag lunch, kanina pa masaya sila Dave at Karl dalawa pero ako wala akong ganang kumain.
"Huyy, kanina ka pa nakatulala diyan,"wika ni Karl sa akin.
"Wala akong ganang kumain,"sagot ko sa kanila.
"Daig mo pa ang broken-hearted."wika ni Dave.
"Basta, wala lang akong gana,"sagot ko sa kanila.
"Pwedeng makijoin?"biglang tanong ng isang pamilyar na tinig sa likuran ko, pagharap ko dito nakita ko si Colton na nakangiti.
"Oo naman."sagot ni Dave at Karl.
"Ayy oo pala, may ibibigay pa pala ako sa library kita nalang tayo mamaya sa Mapeh."paalam ko tsaka ako umalis, gaya nga ng sabi ko sa library ako pumunta.
Karl's P. O. V
Bakit ganon nalang kaya ang kilos ni Liam ngayon, nakakapanibago, pero di dapat ako magkamali, parang nasa story na sinulat ko ito ah.
Kinuha ko ang notebook kung saan ko isinulat ang kwento nila Colton at Liam, pero ganon nalang ang gulat ko ng mapagtanto kong yung nasa story ko ay nangyayari nga talaga sa kanilang dalawa.
'This can't be, sa una di ako naniniwala pero ngayon naniniwala na ako'
"Hoy, ano kasing ginawa mo sa kanya?"tanong ni Ezekeil kay Colton.
"Ewan ko, ganyan naman na siya bigla kanina."sagot naman ni Colton.
"Hi! guys, pwede maki join?"biglang tanong nung babae sa amin, ngayon ko lang to nakita ah.
"Okay."sagot naman ni Dave, kaya umupo na yung babae sa tabi ni Colton.
"Colton, di mo ba ako ipapakilala sa kanila?"tanong nung babae kay Colton.
"Guys, meet Angel Bestfr--"
"Girlfriend, ano ka ba Colton, hindi mo ako Bestfriend, Girlfriend mo ako."putol ni Angel sa sasabihin ni Colton.
"Wew, di ka man lang nagsabi na may girlfriend ka na, paano na si--"di na naituloy ni Ezekeil ang sasabihin niya dahil pinanlakihan siya ng mata ni Colton.
"Sino?"tanong ni Angel.
"Ah, wala, wala,"agad na sagot ni Ezekeil.
"Maiwan na kita dito Angel, may pupuntahan pa ako."agad na paalam ni Colton tsaka siya agad na umalis.
Liam's P. O. V
Kanina pa ako tahimik na nakaupo dito sa Science Park.
'Yes, Sa science park ako pumunta dahil nga gusto ko'
"Andito ka lang pala."wika ng isang tinig mula sa likuran ko, hinarap ko ito at nakita ko si Colton.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya.
"Siyempre sinundan kita,"sagot niya.
"Uhmm, excuse me, papasok na ako."akmang aalis na ako pero agad niya akong hinila at nagulat ako sunod niyang ginawa.
Niyakap niya ako.
"Please wag ka ng umalis, wag mo na akong iwasan."sabi niya sa akin habang nakayakap pa rin siya.
"Bakit mo ako iniiwasan?"tanong niya ulit sa akin.
'Ano ba?sasabihin ko na ba? Wait wag na muna'
"Sagutin mo naman ako oh, bakit ka umiiwas sa akin?"tanong niya ulit.
"Ano Liam bakit mo ako iniiwasan?"
"Dahil nagseselos ako sa inyo ni Angel."sagot ko tsaka ako tumakbo paalis.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Tutor
Jugendliteratur"I Love You Without Any Regrets" Liam Cruz isang magaling na tutor sa kanilang paaralan, hanggang sa nagkakilala sila ni Colton Lim, na babago sakanyang buhay, matagal ng gusto ni Colton si Liam, pero hindi niya ito magawang aminin dahil ubod ng pa...