Liam's P. O. V
Nagising akong may ngiti sa mga labi ko, bumangon ako agad para makaligo na, pagkatapos kong maligo, magpalit at kumain, lumabas na ako para pumasok.
Paglabas ko nakita ko si Colton na nakasandal sa isang kotse na puti nang matanaw niya ako nagpakita ako ng ngiti sa kanya at sinuklian niya rin naman ako ng isang ngiti.
"Sasakyan mo yan?"tanong ko sa kanya.
"Gift ni Daddy sa akin noong Grade 8 palang ako, tinatamad naman akong magdrive kaya naka stock lang sa garahe namin, pero ngayon hindi na ako tatamarin na magdrive dahil meron ka na."sagot niya sa akin.
"Sus, hinihintay mo ba ako?"
"Siyempre, alangan pabayaan kong mag isang pumasok ang Future Boyfriend ko."sagot niya.
"Baliw, tara na nga, baka malate pa tayo,"wika ko sa kanya, pagkarating namin sa parking lot ng school, natanaw ko kaagad sila Vince, Ezekeil, Karl at Dave na naghihintay, pagka park palang ni Colton sa sasakyan niya agad siyang lumabas tsaka pinagbuksan ako ng pintuan.
"Kaya ko naman eh,"wika ko sa kanya pero hindi siya sumagot, habang naglalakad kami papalapit sa mga kaibigan namin bigla nalang niya hinawakan ang kamay ko.
"Huyy, bitawan mo nga yung kamay ko."
"Ayaw ko, baka kasi may maka-agaw sa'yo."
'Aaminin kong gustong-gusto kong hawakan niya ang kamay ko kaya pinabayaan ko nalang '
"Umagang - umaga, nilalanggam kami dito."parinig ni Ezekeil.
"Bakit? Inggit ka?"tanong ni Colton
"Hindi naman."sagot niya tsaka siya lumapit sa amin, nagulat ako nang bigla niyang tinanggal ang pagkakahawak ni Colton sa kamay ko at si Ezekeil ang humawak sa kamay ko.
"Pwedeng hawakan ko muna ang kamay ng Future Boyfriend mo?" sabi ni Ezekeil pero agad tinanggal ni Colton ang pagkakahawak ni Ezekeil sa kamay ko.
"Hindi pwede, ako lang dapat ang pwedeng humawak sa kanya."sagot ni Colton tsaka hinila niya ako.
Habang naglalakad kami papunta sa room namin, hindi maiwasan ng mga schoolmates namin na mapatingin sa kamay naming magka holding-hands, meron pa yung bigla-bigla nalang titili.
"Colton, pinagtitinginan tayo."
"Eh, ano naman pakeelam nila, kung gusto kong hawakan ang kamay ng future boyfriend ko."sagot niya.
Pagkarating sa room namin, as usual andiyan nanaman ang mga babaeng patay na patay kay Colton, pero gulat silang nakatingin sa kamay naming magkahawak.
"Girls totoo ba to? Nakikita niyo ba ang nakikita ko?"tanong ni Zhara sa mga classmate naming babae.
"Oh my ghod!"tili ni Joy.
"Liam kayo na?"tanong ni Zhara na nakangiti at hinihintay ang sagot ko.
"Hi--"
"Malapit na."biglang sagot ni Colton, kaya napatili ulit ang mga babae.
"Liam, sagutin mo na kasi."
"Bahala kayo diyan."wika ko sa kanila."Ikaw, pumasok ka na baka malate ka pa."baling ko kay Colton tsaka pumasok na.
"Liam, bakit kasi di mo sagutin si Colton?"tanong ni Karl sa akin.
"Nanliligaw palang siya."kaswal na sagot ko.
"Tignan mo, baka maunahan ka, alam mo namang meron si Angel na parang higad."wika ni Karl pero hindi ko nalang siya pinansin.
Mabilis lang natapos ang klase namin, lunch break na sa canteen sana kami kakain pero nag text si Colton sa akin na sa Pall Mall na daw kami kakain. Pagdating namin sa Pall Mall, nag message agad ako kay Colton.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Tutor
Teen Fiction"I Love You Without Any Regrets" Liam Cruz isang magaling na tutor sa kanilang paaralan, hanggang sa nagkakilala sila ni Colton Lim, na babago sakanyang buhay, matagal ng gusto ni Colton si Liam, pero hindi niya ito magawang aminin dahil ubod ng pa...