7

60 4 0
                                    

Liam's P.O.V

"Kanina ka pa nakangiti."wika ni Karl habang naglalakad kami papunta sa parkingan ng mga sasakyan.

"Sinong hindi ngingiti kung nalaman mo na yung pangalan ng babaeng gusto mo."sagot ni Dave.

"Hayst, inlove nga naman."wika ko tsaka sumakay sa kotse ni Dave.

"Ay, saglit, Dave idaan mo nga ako sa mall mag grocery lang ako."wika ko kay Dave.

"Bakit?"

"Ubos na stocks ko sa condo eh,"sagot ko kaya idinaan niya ako sa isang grocery store.

"Mauna na kayo, mag taxi nalang ako mamaya."wika ko sa kanila.

"Hindi na, samahan ka na namin."wika nila sa akin.

"Kayo ang bahala."sagot ko sa kanila. Nang makapasok na kami sa Mall si Dave pumunta mo sa Department Store hahanap daw siya ng pwede niyang suotin kapag mag date sila ni Kathleen si Karl naman pumunta sa arcade gusto niya daw maglaro.

"Oh hello there!"wika ng isang pamilyar na boses paglingon ko nakita ko si Colton na may hawak na basket.

"Bwiset."bulong ko tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

"Luh! Ang sungit."sabi ni Colton pero hindi ko siya pinansin nagtuloy lang ako sa pamimili nang bigla niyang hawakan yung kamay ko.

"Ano ba?"galit kong tanong sa kanya kaya agad niyang nabitiwan ang kamay ko.

"Luh?"

"Kung ayaw mong masungitan lumayo ka sa'kin."wika ko sa kanya, pero ang letche hindi na niya ako linubayan.

"Colton!"wika ng isang babae habang nasa may mga sabon kami, nilingon ko ito at nakita ko ang isang babae na matangkad, maputi at makinis tsaka yung mata niya maamo. Lumapit siya kay Colton."Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nagpupunta?"tanong nung babae kay Colton.

"Wala, tara na."sabi ni Colton sa babae pero nakita kong nilingon ako nung babae.

"Kilala mo yun?"bulong nung babae kay Colton.

"Hindi."sagot ni Colton pagkalampas nila sa akin, may kung ano akong nararamdaman na sakit sa puso ko pero hindi ko yun ininda at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong nawalan ng gana na bumili kaya naman dumeretso na ako sa counter para magbayad.

Tinawagan ko nalang si Dave at Karl para makauwi na kami. Habang nasa biyahe napansin ni Dave ang pagiging matamlay ko.

"Oh bakit ka matamlay?"tanong Dave sa akin habang nagmamaneho.

"Wala."sagot ko sa kanya pero hindi siya kumbinsido.

"May tanong ako."wika ko kaya nakinig silang dalawa agad.

"Kapag ba hinawakan ka ng isang tao at nakaramdam ka ng parang kuryente, inlove ka sa kanya?"tanong ko at tumango silang dalawa."Eh kung sinabi niyang hindi ka niya kilala at nasaktan ka, inlove din ba ang tawag dun?"tanong ko at tumango ulit sila.

"Wag mong sabihing---"

"No, no way."agad kong sagot at sakto namang nasa tapat na kami ng condo ko kaya agad akong bumaba habang hawak-hawak ko ang mga pinamili ko.

I'm Inlove With My Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon