Warning: Matured Content
Liam's P. O. V
Kinabukasan nagising ako ng 10 nang umaga, bumangon ako kaagad tsaka inayos ko ang hinigaan ko, maliligo pa sana ako pero biglang may kumatok, kaya binuksan ko muna yung pintuan para papasukin yung kumakatok.
Pagkabukas ko ng pintuan tumambad sa harapan ko si Colton na nakabihis na tsaka may dalawang bag siyang bitbit.
"Colton, bakit may dala kang bag?"tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba muna ako papasukin?"
Pinapasok ko si Colton, umupo kami sa sofa tsaka ko siya tinanong ulit.
"Bakit may dala kang bag?"tanong ko ulit sa kanya.
"Di ba, sabi mo kagabi pupunta tayong San Antonio ngayon."sagot niya.
'Wait may sinabi ba ako? '
Pinitik niya ang noo ko dahilan upang may maalala ako.
Pagkahatid ni Colton sa akin kagabi dito sa condo ko sinabi ko sa kanyang pupunta na kami bukas sa San Antonio.
"Colton, punta na tayo bukas sa San Antonio."wika ko sa kanya.
"Sige, anong oras?"
"Mmm.. mga 10 dapat andito ka na."sagot ko.
"Sige."sabi niya saka ako hinalikan sa labi.
"Halla, nakalimutan ko, hintay ka na muna dito maligo lang ako."wika ko kay Colton tsaka dere- deretso akong pumunta sa banyo upang maligo.
Pagkatapos kong maligo at magpalit, hinanda ko na yung mga damit ko na good for 1 week at tsaka yung mga i rereview ko, pagkatapos kong inihanda lahat ng gamit ko, lumabas na kami ni Colton.
"Colton, daan muna tayo sa Convenience Store, bili lang ako nang makakain natin tsaka pasalubong."wika ko kay Colton.
"Ilang oras ang biyahe sa patungong San Antonio?"tanong ni Colton sa akin.
"Mga 5-6 hours, so baka 3 or 4 ng hapon nasa San Antonio na tayo."sagot ko, tumango lang si Colton, pumasok na kami sa kotse niya saka nagsimula na siyang magmaneho.
Pagdating namin sa Convenience Store si Colton ang nagtutulak ng cart samantalang ako naman ang pumipili nang bibilhin, humiwalay muna si Colton saakin dahil may bibilhin daw siya, pagkatapos naming bumili, tuloy ulit ang biyahe namin, pagsapit ng tanghali, nag drive thru kami sa isang restaurant.
Umidlip muna ako pagkatapos naming kumain ni Colton, naalimpungatan ako nang maramdaman kong deretso na ang sinag ng araw sa akin, gumising ako at natanaw ko kaagad ang mga bahay sa paligid.
"Saan banda ang bahay niyo?"tanong ni Colton sa akin.
'Nasa San Antonio na kami? '
"Diyan oh."sagot ko sabay turo sa bahay namin sa kanan.
"Bahay niyo yan?"tanong niya sa akin.
"Bakit? Gulat na gulat ka?"
"Ang yaman mo pala eh."sagot niya sa akin.
"Nakakagulat ba?"
"Oo, ang yaman mo, bakit ka naka condo, nagtatrabaho sa cafeteria saka nag tututor?"
"Gusto ko kasing mag sariling sikap, gusto kong ang gagamitin kong pera ay galing sa sariling sikap ko."sagot ko.
"Ahh, okay."
"Tara na nga, pasok na tayo."wika ko saka ko siya hinila papasok sa bahay namin.
"Good Afternoon sir Liam!"wika ni Angelyn sa akin.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Tutor
Novela Juvenil"I Love You Without Any Regrets" Liam Cruz isang magaling na tutor sa kanilang paaralan, hanggang sa nagkakilala sila ni Colton Lim, na babago sakanyang buhay, matagal ng gusto ni Colton si Liam, pero hindi niya ito magawang aminin dahil ubod ng pa...