Special Chapter

31 4 0
                                    

Warning : Matured Content

Liam's P. O. V

"Ano babangon ka diyan o hindi?"tanong ni Colton, kanina pa kasi ako nakahiga at tinatamad akong bumangon.

"Mamaya nalang."sagot ko saka niyakap ko yung unan ko.

"Babangon ka o papasukan kita?"tanong niya sa akin, kaya agad akong bumangon mula sa pagkakahiga.

"Hahaha! takot ka pala eh."tawa niya.

"Sige lang pagtawanan mo pa ako."nakasimangot kong wika.

"Anong date na pala ngayon?"tanong ko sa kanya.

"Mmm, July, 18,2018."sagot niya.

'Uyy, 1st anniversary na namin sa saturday ah'

Pagkatapos naming kumain humiga ulit ako dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko.

"Bumangon ka diyan at inumin mo ito."wika ni Colton sa akin sabay abot ng gamot at tubig sa akin, ininom ko naman yun agad saka bumalik sa pagkakahiga di ko man lang namalayan na nakatulog na ako.

Nagising nalang ako nang marinig kong may nagtatawanan, agad akong bumangon para i check kung sino yung mga nagtatawanan, nakita ko si Dave kasama si Kathleen tapos si Ezekeil kasama si Angel.

"Oh, gising na pala yung baby mo."wika ni Ezekeil kay Colton.

"Wag niyo munang kausapin yan, baka hindi nanaman maganda ang mood niyan mamaya, daig pa nga ang buntis pag bigla-bigla niya akong inaaway."sagot ni Colton saka tumawa, binato ko naman ito ng unan, kaya nagtawanan silang lahat.

"Tangina mo talaga Colton, matulog ka sa sofa mamayang gabi."wika ko saka ako tumayo.

"Baka naman kase inaaraw-araw niyo na, Colton hinay-hinay lang kasi, dapat once a month niyo lang yan ginagawa."wika ni Ezekeil.

"Fuck you!"mura ko kay Ezekeil" Teka anong oras na ba?"tanong ko sa kanila.

"Mmm..9:00 na ng gabi."sagot ni Colton.

"Ha?"

"9:00 na ng gabi."

'Wew ang haba naman ng tulog ko'

"Tol, mauna na kami, bukas ah ala una ng hapon ang biyahe."wika ni Ezekeil saka sila lumabas ni Angel, ganon din si Dave kasama si Kathleen.

"Anong biyahe?"tanong ko.

"Basta mag ready ka nalang ng mga damit mo good for 1 month."sagot niya sa akin.

Kumain ako tsaka agad akong humiga gaya nga ng sabi ko sa sofa natulog si Colton, kaya di ko siya katabi, pasado alas dose na ng hating gabi pero di pa rin ako dinadalaw ng antok, kaya naman tinawag ko si Colton.

"Colton..."tawag ko sa kanya.

"Mmmm?"

"Dito ka na sa tabi ko matulog."

"Bakit?"

"Basta."

"Bakit muna?"

"Gusto kong yakapin mo ako para--"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang pumunta sa tabi ko si Colton saka ako niyakap, kaya naman nakatulog ako kaagad.

Kinabukasan nagising ako ng mga alas nuwebe ng umaga dahil naamoy ko yung niluluto ni Colton.

"Oh gising ka na pala, kain na tayo at mamayang ala una na ang biyahe natin."wika ni Colton sa akin.

"Teka naguguluhan ako, anong biyahe?"

"Basta malalaman mo rin."

"Yan nanaman ang linya mo eh."sagot ko.

I'm Inlove With My Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon