18

38 4 0
                                    

Liam's P. O. V

Halatang nabigla yung mommy at mga kapatid niya sa inanunsiyo niya.

"Kayo na?"di makapaniwalang tanong ni Dean.

"Opo Dean."sagot ko.

"Wag ng Dean, Tito Carlo nalang."wika ni Dean sa akin na ang itatawag ko nalang daw ay tito Carlo.

"Opo, Tito Carlo."sabi ko.

"Upo muna kayo".wika ng nanay ni Colton sa amin.

Pagkaupo namin sumabak na kami sa q and a portion.

"So kailan pa?"tanong ni tita sa akin.

"Last week pa po ma'am."sagot ko.

"Nako, Tita Cristine nalang."wika sa akin ni tita.

"Alam na ba to ng mga magulang mo?"sunod na tanong ni tita Cristine.

"Sila po ang unang nakaalam."sagot ko.

"Ahh, so may nangyari na ba?"

"Mommy naman, dinala ko po si Liam dito upang ipakilala sa inyo hindi upang tanungin."wika ni Colton sa mommy niya.

"Nagtatanong lang naman eh, mamaya na lang tayo mag-usap, kain na muna tayo."sabi ni tita Cristine

After naming kumain, dumeretso kaming lahat sa living room, except sa kapatid niyang babae na 8 years old palang, samantalang kuya niya pala yung lalaki, 22 years old na pala yung kuya niya, yung kapatid niyang babae na si Princess kamukha at kasing ganda niya si tita Cristine, tsaka yung kuya niyang si Kurt saka si Colton kamukha nila si tito Carlo, pagkatapos naming mag-usap inihatid na ako ni Colton sa condo ko.

Mabilis lang naman lumipas ang araw, sa lumipas na 2 weeks wala kaming ibang ginawa kundi nag check lang at preparation sa Intramurals, dahil wala naman akong gustong salihan na sports nagparegister na ako sa science club, may outdoor activities kasi silang gaganapin, laking gulat ko nalang ng biglang ang mga kaibigan namin ni Colton, si Dave kasama si Kathleen, si Vince kasama si Karl, si Ezekeil as usual walang kasama, tapos ako naman kasama ko si Colton, ng dumating na ang first day ng Intramurals 6 ng umaga kami umalis sa school saka 8 naman kami dumating sa destination namin, sinort muna kami nung nga teachers na naka assigned sa pagsosort sa amin.

Kami ni Colton ang magkasama sa isang kwarto, samantalang si Vince at Karl ang magkasama rin sa isang kwarto, saka si Dave naman at Ezekeil sa isang kwarto, nahiwalay si Kathleen dahil bawal magsama ang lalaki at babae sa isang kwarto.

Pagkatapos naming mag-ayos ng mga gamit namin dumeretso kami agad sa beach, may announcement daw kasi.

"Welcome Luke Stanford Academy Students, this whole week will be you're Intramurals, for this school year may inihanda kaming mga activities para sa inyo sana mag enjoy kayong lahat."wika ni Ma'am Jovy.

Gaya nga ng sabi ni ma'am Jovy may activities silang inihanda, pero bago namin sinimulan ang activities nagbunutan muna kami kung anong color ang team namin, magkateam kami ni Colton dahil parehas na kulay Blue ang nabunot namin, si Vince naman nagkahiwalay sila ni Karl dahil nabunot ni Vince ang kulay Red samantalang si Karl naman sa team Yellow, pero si Dave at Kathleen magka team sila dahil parehas na kulay Pink ang nabunot nila, tapos si Ezekeil naman nabunot ang kulay Blue kaya magkateam kaming tatlo.

Nag-enjoy kami sa mga activities hanggang sa mag gabi na, pagsapit ng gabi, bigla nalang nawala si Colton saka yung nga kaibigan namin, may lumapit sa akin na lalaking estudyante na Grade 7 palang ata at piniringan ako.

"Kuya, wag kang matakot."wika nung lalaking estudyante.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko.

"Sunod nalang po kayo."sagot niya kaya wala akong ibang ginawa kundi sumunod nalang, huminto kami sa may buhangin, dahil naramdaman kong buhangin yung naapakan ko, tinanggal niya yung piring sa mata ko saka tumambad sa akin ang mga pictures na nakabitin.

Isa-isa ko itong tiningnan habang naglalakad ako sa buhangin na may mga rose petals, biglang may kumanta.

(Now Playing: Born for you by David Pomeranz)

"Too many billion people running around the planet
What is the chance in heaven that you'd find your way to me"

Ang ganda ng boses ni Colton, kumakanta siya habang papalapit ng papalapit sa akin, ngayon ko lang din napagtanto na kasama niya pala lahat ng estudyante saka teachers na hawak-hawak ang kani-kaniyang cellphone habang nakaflash light yung mga phone nila saka iwinawagayway ito.

"That I was born for you
It was written in the stars
Yes, I was born for you
And the choice was never ours
It's as if the powers of the universe
Conspired to make you mine until the day I die"patuloy ni Colton sa kanta, pagkalapit niya saakin iniabot niya yung isang bouquet of rose flowers sa akin, saka may sobre ito, kinuha ito ni Colton saka siya na ang nagbasa.

"Liam Cruz ang boyfriend kong maatitude saka masungit, may kasalanan ka pa sa akin sinuntok mo ako nun, niloko lang naman kita noon eh, mula noong araw na iyon pinilit kitang maging tutor ko, ni hindi mo pa binasa yung mga letters ko sayo, hanggang dito nalang, Happy First Monthsary Liam."pagbasa niya sa letter niya saka ibinigay saakin ang 2 paper stars.

"Oh ba't ka umiiyak?"tanong niya sa akin.

"Parang ikinakasal kasi tayo eh."sagot ko, pero niyakap niya ako saka niya ako hinalikan sa labi.

"I love you Colton."wika ko sa kanya.

"I love you too Liam."wika niya sa akin saka kami naghalikan ulit.

"Yes, I was born for you
And the choice was never ours
It's as if the powers of the universe
Conspired to make you mine until the day I die, I bless the day that I was born for you"yung mga estudyante at teachers na yung kumanta.

Pagkatapos ng 1 week na Intramurals bumalik na kami sa normal, sumapit na rin ang September 4, hindi namin namalayan dahil sa bilis ng oras, habang nagmamaneho si Colton, nakita ko yung isang notification, tiningnan ko ito at nagulat ako sa nakita ko.

'Birthday na pala ni Colton bukas'

"Oh bakit halatang gulat yang mukha mo?"tanong ni Colton sa akin pagka park niya ng sasakyan niya.

"Birthday mo na pala bukas."

"Oo."

"Anong gusto mong regalo?"tanong ko sa kanya.

"Fresh na Liam sa kama."sagot niya sa akin, kaya binatukan ko siya.

"Bakit ang hilig mong mangbatok?"tanong niya sa akin.

"Puro kalokohan kasi ang isinasagot mo."sagot ko naman.

"Basta yun ang gusto kong gift."wika niya sa akin.

"Bahala ka diyan, hindi ako uuwi mamayang gabi sa condo natin, matutulog ako dun ako sa dati kong condo."wika ko saka ko siya iniwan.

Magkasama na kami sa isang condo, mula noong natapos ang Intramurals nagsama na kami sa isang condo, pero parang mali ang desisyon ko na pumayag, napaka possessive kasi ni Colton.

I'm Inlove With My Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon