VII: Destiny

14 1 0
                                    

[ ngayon palang po ay nagpapasalamat na po ako sa inyong lahat na patuloy na bumabasa at sumusubaybay sa aking kwento. sana po ay mag enjoy kayo, lalo na't mag uumpisa na po tayong pakiligin ng ating mga bida ♥♥]


~~~~~


Blue's Point of view

umiiyak akong naglalakad ngayon dito sa kalye Barasoain. wala pa man din akong kilala dito sa Manila. except kay Princess, hindi ko naman sya makokontak dahil hindi ko nakuha ang cp number nya. ang malas ko naman.  ang malas malas ko. bakit kasi ngayon pa nasunog ang tinutuluyan kong apartment. ayan na nga ba ang kinakatukan ko sa mga apartments at dorms e, walang nagbabantay kaya labas masok lang ang mga tao. kahit hindi taga don, mga nagsisipunta at nakikitambay. sabi ng mga pulis, nag umpisa daw ang sunod sa katabi ko pa mismong apartment, at short circuit ang pinagmulan. mga charger nila na hindi inaalis at tinatanggal sa extension pagkatapos magcharge. dun daw nag umpisa ang sunog. grabe ang kaba ko kanina, totoo pala talaga yung adrenaline rush na tinatawag no? kapag nasa isang sakuna ka at peligro, may mga bagay kang magagawa na akala mo hindi mo kaya, pero magagawa mo din kalaunan. mabut nalang at nadala ko at naisalba ko ang mga gamit ko. sabagay, onti palang naman ang mga gamit ko. ang plano ko kasi ay mag part time job habang nag aaral para onti onti kong punan ang mga kailangan kong gamit. may ilang damit din naman ako dito pero sa pasukan, bibili na ako para may mga pagpipilian na ako para suotin.

kasalukuyan akong nakaupo dito sa labas ng 7-11. bumili kasi ako ng vicks, pampakalma ko kasi yun eversince e. nanginginig padin ang mga kamay ko. ano nang gagawin ko ngayon? san ako tutuloy? san ako matutulog? naiiyak akong pinapahid ang vicks sa ilong ko. hindi nadin sapat ang perang dala ko dito para ipangbayad sa ibang apartment, lalo na may policy sila na 2 mos. advance, 1 month deposit. teka, may pera pa akong makukuha kay Aling Naty. tama yun ang aasikasuhin ko bukas. kaso, naisip ko, nasunugan sya ng bahay at malamang sa malamang wala na syang negosyo ngayon dahil sa nangyare. pero, need ko din ng pera. ano ng gagawin ko.

dala ang lahat ng gamit ko, nakalapat ang noo ko sa magkatabing tuhod ko, at kita ko ang oras sa relong suot ko ngayon. alas tres na pala ng madaling araw, nakakahiya kung abutin ako ng umaga dito. di ko padin lubos matanggap ang mga nangyare. nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng biglang may nagsalita sa harap ko, pamilyar ang boses nya, at mula sa pwesto ko, kita ng mga mata ko ang paa nya, at naka tsinelas lang din ito gaya ko.

"no customers yet?" sya.

napaisip naman ako sa narinig ko. di ko pa tinataas ang ulo ko. malay ko ba kung ako ang kinakausap ng pesteng yun. baka mapahiya ako kung sasagot agad ako, tapos may kausap lang pala sa phone. kaya di ko nalang sya pinansin.

"tss. ang pagiging isnabero ay inaayon sa mukha" sya. at nilagpasan na nya ako, at sa tingin ko ay pumasok na sya sa 7-11.

ako ba talaga ang kinakausap nya? bakit kaya ? at bakit sya nandito? malapit lang ba ang tinitirhan nya dito? wala namang mga bahay dito ah! puro building nga ang nakatayo dito e. bakit kaya sya napadpad dito. naku, ayoko ng makihalubilo sa kanya, masyado na akong lutang ngayong madaling araw, pagod na ang utak ko kakaisip ng solusyon sa problema ko ngayon. makaalis na nga lang. hindi bale, lilipat nalang ako ng pwesto na pwede ko munang tulugan ngayong oras na 'to. bahala na.

binuhat ko na ang mg gamit ko, at kung hindi ka ba naman pinaglalaruan ng kapalaran, nasira na ng tuluyan ang bag ko, at kumalat lahat ng damit ko sa sahig. napatingin nalang ako sa langit, at napapikit. may dahilan po kayo kaya nyo 'to ginagawa. at yumuko na ako para damputin ang mga damit na nakakalat sa lupa. nakita ko na lang ang mga luha ko na pumatak sa semento. ano ba naman 'to Blue. ang bigat naman ng pasan pasan mo. sabi ko sa sarili ko.

Twist in Time  (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon