II. Cursed of the Pendulum

24 0 0
                                    



makalipas ang 100 taon, ang sumpa ay nagbalik,kasabay ng pagbabalik ni Frederico Allueje, sa pagkatao ni Alejandro Saavedra. isang estudyanteng nag aral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. at kasabay din nito ang pendulum na  natagpuan ni Alejando sa kanyang tukador. ang mga panaginip, bangungot at alaala ni Alejandro na tila ba'y hindi sya pinapatahimik gabi gabi, ang litrato nya, ang kanyang bahay at bulwagan, at ang kanyang imahe na ipininta ng isang sikat na pintor ng kanyang kapanahunan ay magkasing tulad ng imahe ni Frederico Allueje. Ang bahay na tinitirikan ni Alejadro ay ang mansyon ni Frederico. Marahil sya ang napili ni Frederico dahil sila ay magkamukha, mula ulo hanggang paa.

Si Frederico at Alejandro ay mayroong matatangos na ilong, mahahabang mga pilikmata, hindi ganun kapulang labi ngunit nakakapang akit hagkan. may tagkad na anim na talampakan. malalapad na balikat, at may nunal sa kaliwang dibdib. itim na buhok at katamtamang kulay o mestizo. isa sa katangian nya ay mabilis mahumaling sa kanyang kakisigan.

Bawal syang umibig. hindi sya pwedeng magmahal dahil mamamatay lang din ito pagdating nya ng ika 23 anyos gawa ng sumpa na ginawa ni Frederico. Nagkakataong ang lahat ng sinasapian nya ay kapanganakan ang araw din ng kanilang kamatayan. ngayon ay nasa ika 22 anyos na si Alejandro. at malapit na ang kanyang kamatayan. 


Alejandro's Point of view


"Nararamdaman kong nalalapit na ang araw ng aking kamatayan, at ang pendulum na to ay muling dadalhin ng panahon sa ibang mundo. pero bago ako mawala, nais kong makita ang hinaharap."

tumingin si Alejandro sa kawalan, suminghap ng malalim, at napaisip. sa kanyang pag iisip ay napadako sya sa kanyang salamin, sa gitna ng kanilang korehidor. isang malaking salamin, tila may bumubulong dito na kausapin ang sarili at yun ang kanyang ginawa.

"nais kong malaman ang aking kapalaran sa hinaharap"

"hindi kita papahintulutan" isang may awtoridad na boses ang kanyang narinig mula sa salamin. 

"s-sino ka?" nangangambang tanong ni Alejandro.

"Ako ikaw, ipagpaumanhin mo, ako si Frederico, ako ang may ari ng katawan mo"

"Frederico? hindi kita kilala, hindi.. hindi ito maaari, nagugluhan lang ako" pilit na pinapaniwala ni Alejandro na isa lamang kathang isip ang kanyang naririnig at nakakausap.

"nagkakamali ka ijo!, ako ay totoo. at nabubuhay ako sa pagkatao mo. ako ang may ari ng hawak mo."

at biglang napatingin si Alejandro sa kanyang kamay kung saan tangan nya ang pendulum. 

"h-hindi ko maintindihan". ani ni Alejandro.

"ako ang laman ng iyong panaginip at bangungot, Alejandro. ako din ang may ari ng bahay at lupa mo ngayon." sagot ni Frederio.

"Kung gayon, ikaw ang may kagagawan, kung bakit ako hirap makatulog gabi gabi! ikaw din ba ang may kasalanan, kung bakit nag iisa nalang ako sa buhay ngayon. lahat sila, akala ay nahihibang na ako, hindi ko nadin  natapos ang aking pagmemedisina dahil sa takot. takot na malapit na akong mamatay, gaya ng sinasabi mo sa akin sa aking panaginip."

"tama ka Alejandro. lahat ng yun ay sadya kong gawin. isa akong babala. at ako ang isang kaparte ng katauhan mo. sa akin ka nagmula, talino mo, porma mo, buhay mo. Alejadro, ako ang kawangis mo. at ito ay isang sumpa."

"ss-sumpa? alam ko ang tungkol dito. nagsaliksik ako Frederico. p-pero, paano kung hindi ko pa nais lumisan sa mndo ko? may paraan ba para matigil ang sumpa?"

"wala." 

"p-pero, Frederico. ayoko pang lumisan."

"wala ka ng magagawa Alejandro, ito ay nakatakda nang mangyare. uulit at uulit lang din ito pagkatapos ng 100 taon. muli tayong mabubuhay sa katauhan ng ibang tao. at pagsapit ng 23 anyos ay tatapusin ndin ntin ang buhay nya."

"wala bang lunas dito Frederico?"

"maaari mong patagalin ang iyong kamatayan sa loob ng 24 oras sa araw ng ating kapanganakan, ngunit gaya ng sinabi ko, ang nakatakda ay nakatakda na. at mamamatay ka sa loob ng isang araw." 

"kapanganakan? malapit na akong magdiwang ng aking kaarawan, at 23 anyos na ako sa makalawa. ibig bang sabihin, yun ang araw ng kamatayan ko?"

"oo Alejandro. at wala ka ng magagawa tungkol dito."

"m-mamamatay na ako? at wala man lang akong napagtagumpayang misyon."

"ganun na nga. Ang misyon, ay kapag nagawa mong ibahin ang takbo ng istorya, ngunit bigo kang gawin ito, dahil nabuhay ka sa takot, at nagpadala ka sa iyong mga napapanagipan."  

"Hindi, mayroon pang paraan.!" ngumisi si Alejandro sa harapan ng salamin.

"ano ang pinaplano mo Alejandro?" nangangambang tanong ni Frederico.

"hindi ako magpapadala sa takot, dahil lang nabubuhay ka sa katawan ko!"

at sabay binuksan ang pendulum at inikot ito pakanan,

"magkita nalang tayo sa susunod na siglo!"

"Wag!! Alejandro!"


at kasabay ng pagkawala ni Alejandro ay sya namang pagkabasag ng salamin, at sumabog ang buong mansyon ni Alejandro. 

Twist in Time  (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon