XVIII: First 💋

14 0 0
                                    


Prince's Point of view











"ang kulit mo talaga Prince!!! paano nalang kung wala kami don ?? e di bistado na kayo. diba sabi ko mag ingat kayo ni Blue?? e ano yun?" si Alex.

"ang hirap naman kasi ng mga rules mo e  di ba pwedeng tanggalin na yang mga yan? parang nakakaliit ng mundo e." reklamo ko kay Alex.

"ginagawa natin to para sa reputasyon mo. and besides, hindi lang ikaw ang malilintikan pag lumabas ang bagay na to sa campus, pati si Blue ay mapag iinitan ng mga fans at admirers mo. gusto mo din ba yun?" Alex.

napaisip ako. oo nga! sa sitwasyon namin ni Blue, sya ang madedehado dito apg nagkataon. pero ang hirap ng ganitong set up. haaayy

"alam kong nahihirapan ka pre! pero tiis muna sa ngayon. pag nsa unit naman na kayo, malaya nyo ng magagawa ang gusto nyong gawin e. pero dito sa campus, considered yourselves na strangers. okay?!" Anthony.

napatango nalang ako.
ang dami kong gustong sabihin kay Blue pero di pwede e. mabibisto kami. Don't think guys na kami na ah. di pa ako nag uumpisang manligaw. It's just that, sigurado na ako na si Blue ang gusto kong maging karelasyon.

Akalain nyo yun, ang dami kong naging exes, lahat babae. pero isa palng ang nagtagal sa akin. the rest, trip ko lang maikama. pero noon yun, nung assh*le pa ako. pero this time, who would have thought na sa isang gay pala ako babagsak at mapo-fall? iba pala talaga maglaro ang tadhana. ang saya ko lang, kasi iba ang nararamdaman ko kay Blue.
ibang iba sa mga naging karelasyon ko na. ganito pala ang feeling pag true love na no?! parang napapraning ka na pag di mo sya nakikita o nakakausap sa isang araw.

ano bang ginawa sa akin ng taong yun at nabihag nya ako? wala e. talo ako e. di ko kayang labanan ang nararamdaman ko sa kanya e. Mula nung una naming pagkikita, I knew in myself na magiging special ang taong 'to sa mga mata ko. etong matang 'to na sya ang piniling tignan at titigan sa libo libong mga estudyanteng nandito sa campus.

sya ang nag iisang taong lumiwanag sa kumpol ng mga taong magkakatabi.

habang ang lahat ay maingay na sinisigaw ang pangalan ko, may isang taong tahimik na nakamasid sa akin mula sa malayo, at patagong humahanga sa akin, at imbes na pagtuonan ko ng pansin ang mga babaeng magaganda na nasa unahang hilera ng pila na malapit sa akin, ay mas pinili ko ang taong nasa dulo ng pila, at hindi kumikibo.

iba ang nagawa mo sa akin, Blue.
ngayon ko lang 'to naramdaman. at alam kong ikaw ang bubuo sa akin.



Mahal na ba kita??




























~~ fast forward

Sa wakas at uwian na.
nandito kami ng buong barkada sa likod ng tambayan naming gusali sa loob padin ng campus pero tago ito. at dito nakapark ang car namin ni Blue. dito namin napagkasunduang magkita tuwinng uwian namin para di kami makita ng mga estudyante sa campus.

"Ayan na si Blue!!" Alex.

"Sige dude!!! convoy kami sa kotse nyo ah para di kayo obvious paglabas." Jude

"Sige! salamat mga tol!" Ako.
at nahagip na ng mata ko ang taong gustong gusto na nilang matanaw at makita.

at nasa harapan ko na sya ngayon.  grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. nakakahiya, baka naririnig nya ang ingay na nalilikha ng puso ko.

"tara na po!" Ako.
"S-sige." Sya. sabay ngiti. naku Blue, wag kang gumanyan, di ko kakayanin. malapit na akong bumigay.

papasok na si Blue sa tabi ng driver's seat ng biglang nawala ako sa sarili at hinila ko ang kamay nya papunta sa akin, at hinawakan ko ang mukha nya at sabay lapat ng labi ko sa labi nya.


O.O 











tahimik.!! isang nakakabinging katahimikan. tanging ang ingay lng ng mga punong nahampasan ng malakas na hangin at mga ibong malapit lang sa amin ang naririnig ko.

p-parang tumigil ang oras.
prang tumigil ang mundo.

eto ang first kiss namin ni Blue.!!!








dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, only ti found out that his were close, and ang cute nya sa paningin ko.
nilayo ko na ang labi ko sa labi nya. grabe, nakaka addict ang labi nya, sa sobrang lambot, pwede ko nang kainin hahaha. lasang cotton candy pa. haaayy!! cloud 9!

bumalik nalang nag ulirat namin ng pareho na kaming nakadilat at napatingin sa paligid namin. lahat ng tropa ay nakanganga, maging si Alex ay nakangiting nakahawak sa braso ni Anthony.

walang may planong magsalita. 

alam ko, this time, awkward silence na ang tawag dito. pero di ko napigilan ang sarili ko e.

"Dude??" Jude

"Haneeeeppp!!! grabe ka bro! ang bilis ng da moves mo!!" Luke

"Blue!!!! namumula ka!!" Alex.

napatakip nalang ng mukha si Blue, atlalo akong nacute-an sa kanya.

"tara na blue!" ako.
at pinagbuksan ko na sya ng pinto at pumasok na sya sa loob.


Sana maulit mamaya hahaha.




Third person:

Lingid sa kaalaman nila, na may isang taong nakamasid sa kanila sa malayo at nagawang kunan ng litrato ang aktong paghahalikan nila Blue at Prince sa likod ng lumang gusali.

sino kaya ang bagong karakter na papasok sa mundo nila Blue at Prince?





Anonymous: "nakakaawa kayo. di pa man nag uumpisa ang love story nyo, ay masisira ko na!! humanda kayo sa mga pasabog ko."



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twist in Time  (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon