Blue's Point of View.
Okay naman ang takbo ng araw ko, bilang unang araw ng klase dito sa school. masasabi kong exciting ang mga bagay na naghihintay sa amin dito. maganda nag sched namin, bilang block section, magkakasama kami sa lahat ng subjects namin. and isa pang maganda sa sched namin, every subject namin ay may 20-30 minutes na break. kapag tapos na ang isang subject, may break, tapos next subject ulit tapos break ulit kaya ang iba, kumakain muna sa labas ng campus, tumatambay sa tindahan ng fishballs, etc. ang iba, nagpapalamig sa library, ang iba naman nakatambay lang sa hallway ng floor, gaya ng ginagawa namin ngayon ni Princess. nandito kami sa 4th floor hallway, nakaupo sya sa pader, kung saan tanaw mo ang school ground, at ako naman, nakasandal ang mga siko ko sa pader at nakapatong. pareho kaming nagbabasa ng libro tungkol sa science.
nasa kalagitnaan kami ng pagbabasa ng biglang magtilian ang mga tao sa tabi namin, maging sa baba ay biglang nagkagulo. nagkukumpulan sila, at alam ko na kung bakit sila nag iingay.
mula sa pwesto ko, ay tanaw ko ang tropa ni Prince at pati sya, tila nagkukwentuhan ang magtotropa, at masayang naglalakad, di nila pinapansin ang mga babaeng nakasunod sa likura nila.lihim naman akong napangiti. haaay.. paano kaya kami tatanggapin ng lahat ng tao dito? na ang hinahangaan nilang lalaki ay may something sa isang kapwa nya lalaki, at paano kung malaman ng lahat na magkasama kami sa iisang condo unit ? masisira ang reputasyon nya. hindi na bale ako, sanay na ako sa pangungutya ng mga tao, pero si Prince, hindi nya deserve yung judgement ng tao sa kanya.
at bigla akong napatingi sa katabi kong babae ngayon na grabe din ang tili nung natanaw nya si Prince. paano ko aaminin kay Princess na ang taong gusto nya at ang kaibigan nya ay may namumuong pagtitinginan.
ang hirap naman ng sitwasyon mo Blue!! haaay.. kailangan kong mag focus muna sa studies ko.
"tara Blue!! sundan natin sila Prince!!" Princess.
"huh?? naku ikaw nalang muna Princess, nagbabasa pa kasi ako e." please Princess, iwanan mo nalang ako dito. wag mo na akong isama doon at mahirap na.
"hmmm. I mean, samahan mo akong bumaba. di mo na ako need samahan para magkita kami ni Prince, lilipat ka lang naman ng pwesto e. may garden sa baba remember? doon ka nalang muna. doon nalang kita puntahan" Princess.
"a-aah. uuhh. o s-sige." wala na akong nagawa. mukhang mapilit talaga si Princess.
at yun ang ginawa namin. bumaba kaming dalawa sa ground floor, at hinila nya ako, papuntang garden. habang sya naman ay palingat lingat at hinahanap kung nasaan si Prince.
"maiwan muna kita dito Blue ah. I'll be back soon hehe. see ya!" pagpapaalam ni Princess.
"sige. see you Princess!" ako.
at tuluyan ng nawala sa paningin ko si Princess., at naupo nalang ako sa damo dito sa garden. sa aking pagbabasa, biglang tumunog ang cellphone ko. si Prince, tumatawag. agad kong sinagot ang call nya.
"H-hello? ako.
"san ka ba? kita naman tayo.!" Prince.
"huy. ano ka ba? diba bawal yan. nasa rules yan diba??" ako.
"alam mo, hindi naman natin kailanga g mag usap e. gusto lang kitang makita." sya.
"ganun ba? haha. nandito ako ngayon sa garden e. nagbabasa lang ng libro." ako.
"sige. bye!" sya.
at bigla nalang nyang binaba ang line. anong nangyare dun?
may nasabi ba akong mali? teka. bakit ba napaparanoid ako ngayon ?? para akong kinakabahan. hindi ko maipaliwanag.tinuon ko nalang ang mata ko sa pagbabasa ng libro. ililipat ko na sana ang pahina ng librong binabasa ko, ng makita kong may pares ng sapatos ang nakatayo sa harapan ko, at kilala ko kung kaninong sapatos yun.
dahan dahan kong inangat ang ulo ko para lang makita sya.
ang ganda ng view. ang aliwalas ng dating nya. against the lights ang nangyare, kasi nasa likod nya ang araw. at yung buhok nyang nasisinagan ng araw ang nagpapatakip ng silaw galing sa araw. at ang puno sa likod nya. at biglang humangin sa pwesto namin. bumilis din tibok ng puso ko.
isa lang ang mga ito sa kayang gawin sa kain nig lalaking to."P-prince?!"
"Hi!! miss na kita agad." sya.
umupo sya sa harapan ko. at ngayon ay pantay na kami ng posisyon.
"anong binabasa mo?" sya.
"Twilight. hehe." ako.
"tsk tsk. !! dapat ako lang ang magpapakilig sayo. " sya.
"eh. wala naman akong ibang pwedeng basahin e. and isa pa, mahilig ako sa fictional stories" ako.
"gusto mo bang gumawa tayo ng sarili nating love story?? yung tatalo sa love story nyang binabasa mo?" sya.
nagtawanan kaming dalawa habang magkatinginan ang mga mata namin.
"di pwede e. mamaya nalang, pagka uwi natin." ako.
"aasahan ko yan ah. ano bang gagaw--!". di na natapos ni Prince ang sinasabi nya ng biglang may nagsalita sa likod nya.
"Prince!!"
shet!!!.
"Blue??? magkakilala kayo?" Princess.
nagkatinginan kaming dalawa ni Prince. anong maipapalusot ko dito? isip ka ng paraan Blue!!
kaya dali dali akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa damuhan. ganun din si Prince.
"aahh.. P-Princess kasi ano e. ahh.." ako.
"ano ??" Princess.
"k-kasi.. ano .. s-si..." nauutal kong salita.
napatigil ako sa pagsasalita, ng biglang pumasok sa eksena si Alex at Anthony.
"Ano Prince?? nakuha mo na ba name ng mga freshmen??" Alex.
alam kong kunware lang yon. siguro, tinutulungan kami ng mag syota na makaalis at makalusot sa insidenteng kinakaharap namin ngayon ni Prince.
nakita kong kumindat si Anthony kay Prince, at senyales yun na sumakay nalang si Prince.
nakita ko naman na ngumiti si Alex sakin, at sinasabing sila na ang bahala.
"ah oo. nakuha ko na. ang hirap kasing manghula kung freshmen sila o hindi na e." natatawang palusot ni Prince.
"ano nga pala yung sinasabi mo Princess??" Si Alex.
"a-ahh. wala po. akala ko kasi magkakilala sila ng kaibigan ko." Princess.
"May task kasi sa amin ang prof namin na kumuha ng 200 freshmen students dito sa campus ngaying araw, at malapit na ang pasahan nito kaya tinutulungan namin si Prince makakuha ng names ng freshmen. Anthony.
"ah ganun ba?? e bakit ako hindi kinausap ni Prince? Freshmen din ako ah." Princess.
magsasalita na sana si Prince ng biglang sumabat si Alex.
"ikaw nga ang unang pangalan na nilagay nya sa notes nya e." Alex.
at biglang kinilig si Princess, kaya naman napa kamot nalang kaming lahat ng ulo namin.
woooh!! muntik na kami dun ah.
salamat sa inyo Alex and Anthony. savior talaga namin kayong dalawa kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Twist in Time (BoyxBoy)
RomanceSila na ata ang best love story na mayroon sa wattpad universe, pero paano nalang kung subukan sila ng tadhana, panahon at oras. manaig kaya ang pagmamahalan ng ting mga bidang sina Blue at Prince Ash? mahirap kalabanin ang oras at panahon, mapagtag...