XI: Campus Orientation

10 1 0
                                    


[ Enjoy reading guys. nasa mood akong gumawa ng 3 parts ngayong gabi bilang pambawi sa aking late update kahapon. ]

~~~~ ❤️❤️❤️

Blue's Point of view

"ah ano. o-okay lang naman ako dito sa couch mo Prince! Invading of privacy na kasi pag dun pa ako natulog sa kama mo e." kinakabahan na pagpapaliwanag ko.

ano ba naman 'to. gustong gusto kong humiga na sa kama pero, mali e. kasi hindi ko kama yun iba ang nagmamay ari ng kamang iyon at hindi ako mapapanatag kung pati ako ay makikihati dun. lahat na nga ay pinaghahatian namin dito sa unit nya e, pati ba naman sa kama nya.

"no worries Blue. I insist. and isa pa, wala namang kaso sa akin yun e, parehas naman tayong lalaki e. haha" sya.

think Blue!!! isip ka ng maidadahilan mo.

"at tsaka ano. malikot akong matulog" ako.

"at lalong hindi ka pwede dito sa couch. at least sa kama ko, malawak at maluwag." sya.

patay. nalintikan na.

"may idadahilan ka pa ba?" sya.

pano ba to?. mukhang buo na ang desisyon nya.

I guess, wala na akong chance na makatakas sa gusto nya. don't get me wrong guys, gusto ko din naman talaga kasi iba talaga pag sa kama ka natutulog. tama naman sya e. ano bang ikinababahala ko ? wala namang masama e. since inoffer nya ang unit na to sakin, e lulubos lubosin ko na. ako pa ba ang aarte ??.

"s-sige." nakatingin ako sa kanya. ewan ko ah. pero bigla syang umiwas ng tingin sa akin.

"good. sige, mag linis na tayo ng katawan natin and let's go to our bed." sya.

kinikilabutan ako sa sinabi nya. ang tunog kasi ay para kaming nagsasamang dalawa. parang mag asawa lang. alam ko sa mga oras na to ay pulang pula na ang mukha ko.

"sige. mauna ka ng maligo. aayusin ko pa mga gamit ko para sa orientation bukas sa university.." ako.

"sige." at naglakad na sya papuntang c.r nya. at bago sya makapasok ay may hinabol syang pahayag sa akin.

"ayy oo nga pala, let's wear Blue tonight okay??" sya.

O.O

O.O

"o s-sige ba!" wala sa sariling tugon ko.

at pumasok na sya sa c.r para maligo at maglinis ng katawan.

~~~~
Fast forward

"uhmm. P-Prince??" ako.

"oh?!" sya.

"sino yung girl kanina?? schoolmate ba natin sya?" ako.

"ah oo. si Ingrid yun. classmate ko. dati kong manliligaw yun e hahaha." sya.

kasalukuyan kaming nakahiga ngayon dito sa kama nya at sobrang lambot ng higaan nya. ang lakas din ng aircon nya dito sa loob. tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw namin dito sa side ko.

"ah." ako.

"oo nga pala. bukas pala Blue, sabay na tayong pumunta sa school ah. maaga tayong aalis." sya.

"ay hindi na Prince. magcocomute nalang ako bukas." ako.

"bakit?" at tumingin sya sakin.

tumingin din ako sa kanya.
"baka may makakita sa atin na magkasama, diba hindi pwedeng malaman ng sino man na magkasama tayo dito sa condo mo."

Twist in Time  (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon