Alejandro's Point of view
"ano to?"
"saang banda ito?"
"nagtagumpay ba akong makatakas sa panahon ko?"
ang dami kong katanungan na gusto kong mabigyan ng mga kasagutan.
sa aking paglalakad ay napadpad ako sa isang sira sirang bahay. may isang babaeng nagwawalis sa labas. at parang pamilyar ang lugar. tama, ito ang mansyon ko. ibig bang sabihin ay di ako nakatakas sa panahon ko ? lumapit ang babae sa akin at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.
"Don Alejandro?? ikaw ba talaga yan?"
"oo hija! ako ito, at sino ka ?"
"p-pero papaanong .. buhay ka ?"
"b-bakit?"
"ang alam dito sa ating lugar ay pmanaw ka na Don Alejandro, kasabay ng pagsabog nitong mansyon isang taon na ang nakalipas."
"isang taon?, ibig sabihin, isang taon na akong .. buhay at nawawala?"
"opo Don Alejandro, pinagluksa ka pa nga po ng buong baryo e. at iniling ka po namin sa sementeryo"
"hindi.. buhay na buhay ako hija. papanhik muna ako sa aking mansyon."
"naku Don Alejandro, ang bahay ay kailanman di na inayos pagkalipas ng isang taon. matapos ho kasi na mailibing kayo ay kinakatakutan na po ang inyong mansyon at tingin po nila, ang lugar na to ay isinumpa. dahil ang sabi nila, ang unang taong nanirahan dyan sa mansyon ay isang binata na hindi nniniwala sa Dios at ibinenta ang kaluluwa sa Demonyo." ani ng dalaga.
ibig sabihin, ibinenta ni Frederico ang sarili nya sa Demonyo kung kaya dininig nila ang sumpa nito. at maging ako ay nakatali na sa sumpa. pero, isang taon na ang lumipas, at 24 anyos na ako ngayon. ang ibig sabihin ay natakasan ko ang panahon. ang ibig sabihin ay natakasan ko ang sumpa. ibig sabihin ba nito ay tapos na ang sumpa ? nasaan na kaya si Frederico?
tanong ko sa sarili ko.
isang malakas na hangin ang dumapo sa aking mukha pagkapasok ko sa loob ng mansyon.
habang hawak hawak ko ang orasan, di ko mapigilang maluha.
"sana ay tapos na ang sumpa"
"hindi.. hindi mangyayari ang nais mo Alejandro, ako ay ikaw, at ikaw ay ako, kung mamamatay ako, kailangang mamatay ka rin tulad ko"
"F-frederico?"
"isa kang hangal kung inaakala mo na makakatakas ka sa panahon, hawak ko ang sumpa Alejandro, at oras na para pagbayaran mo ang isang taong pagkalabis mo sa iyong nakatakdang katapusan"
nakikipag usap lang si Aleandro sa hangin, at hinahanap kung saan nagmumula ang tinig na likha ni Frederico.
"isa ka lang ilusyon. kaya kitang talunin" wika ni Alejandro.
"wala kang alam kung ano ang kaya kong gawin, dito na magwawakas ang buhay mo" pgbabanta ni Frederico kay Alejandro.
"s-sandali lang."
at nanahimik ang malakas na hangin.
"nakaligtas ako sa aking kamatayan Frederico. Hindi ako namatay nung ako ay tumuntong sa 23 anyos. isa itong milagro. i-ipaliwanag mo to, kung totoo talaga ang sumpa."
ang kaninang dalaga ay nagpalit ng anyo at naging isang malaking salamin.
"ako ang iyong kapalaran Alejandro, hindi maganda ang naidulot ng iyong pagtakas sa panahon dalawang araw bago ng iyong itinakdang kamatayan. ang lahat ay huminto, nagulo ang takbo ng panahon sa pagtakas mo, at kung sa tingin mo ay nakaligtas ka ay nagkakamali ka, halika, pumasok ka sa salaming ito, at dadalhin kita sa iyong huling hantungan"
nabigla ako sa aking narinig at nalaman. ang kanina'y akala ko nakatakas ako sa aking kamatayan ay isa lang palang imahinasyon. di ako makagalaw, di ako makakibo. wala akong masabi.
"paano ako makakatakas sa sumpang ito?" sambit ko sa salamin.
"hindi mo na matatakasan ang naganap na Aleandro. isa ka nalang kaluluwa. halika, dadalhin kita sa sementeryo kung saan ka nakahimlay".
isang pagsabog.
parang sumabog ang ulo ko, nung marinig ko ang sinabi ng salamin sa akin. pero paano ? paano ako namatay ? alam kong nakatakas ako sa panahong yon. may dalawang araw pa ako bago tumuntong bilang 23. imposible.
"imposible to." ani ko.
"kung gayun, paano mo maipapaliwanag ang iyong pulso ay hindi na aktibo. ang iyong puso ngayon ay hindi na tumitibok, at ang iyong pigura"
"ang aking pulso ? t-teka oo nga, kanina ko pa napapansin na parang walang tumitibok sa dibdib ko, at pigura?"
lumapit ako sa salamin.
at nabitawan ko ang hawak kong pendulum sa aking nakita.
isa na akong malamig na bangkay.
nangingitim na kuko, putlang kulay, puting mata, tuyot na mga labi, agnas na buhok, nakasuot ako ng isang barong tagalog at may dugo sa aking ulo.
namatay ako ??
pero paano ?
"nilinlang ako ni Frederico. ipakita mo sya sa akin, hindi ako dapat mamatay." wika ko sa salamin.
ng biglang may lumabas na kamay sa salamin, "hawakan mong aking mga kamay Alejandro."
"ipapakita ko sayo ang mundong iniwan mo"
at paghawak ko sa kamay ay umapoy ang lahat. kasama ako.
"nasaan ako ? " tanong ko sa babae.
"Ako nga pala si Virginia, at ako ang gumawa ng relong ito" at ipinakita sa akin ang pendulum.
"Ikaw ang gumawa ng pendulum?" isang tango ang tinuran nya sa akin.
"kung ganon, kaya mong wakasan ang sumpa, dahil ikaw ang gumawa nito, ikaw lang din ang makakasira nito" ani ko kay Virginia.
"kaya kong wakasan ang maitim na sumpang bumalot sa aking likha ngunit hindi ko na ito masasabi sa iyo dahil hindi na mababago ang tapos na. patay ka na Alejandro, isang taon na ang nakalipas. nais ko mang sabihin sa iyo, ay huli na bago mo ako natuklasan. aasahan kong tutulungan mo ang susunod na taong pagmumulan ulit ng sumpa. pagkalipas ng 100 taon, muli kayong babalik sa katauhan ng isang bagong binata. ang misyon mo ay putulin ang sumpa. at huwag hayaang manaig ang plano ni Frederico." pagpapaliwanag ni Virginia.
"kung ganun, ay tatanggapin ko ang aking kamatayan ngayon, pero hindi masamang tulungan ang taong susunod na pwedeng magtapos ng sumpa. ang binatang pwedeng ibahin ang wakas ng istory, ang taong magbabago ng takbo ng panahon".
isang ngiti ang aking pinakawalan bago kami tuluyang naglaho ni Virginia.
"lalabanan kita Frederico, sa abot ng aking makakaya".
BINABASA MO ANG
Twist in Time (BoyxBoy)
RomanceSila na ata ang best love story na mayroon sa wattpad universe, pero paano nalang kung subukan sila ng tadhana, panahon at oras. manaig kaya ang pagmamahalan ng ting mga bidang sina Blue at Prince Ash? mahirap kalabanin ang oras at panahon, mapagtag...