VIII: First date?

12 1 0
                                    

[ Pasensya na po kung medyo mabilis ang mga pangyayare. pinili ko pong agahan ang kanilang relationship dahil may twist po ang story, kaya nga po "twist in time" basta believe me, magugustuhan nyo po ang mga susunod pang mga kabanata. ]


Thank you po ulit guys mwuaaa ♥

__________________________________________________________



Blue's Point of view

"uhm.. pwede bang makigamit ng c.r mo ?" ako.

"well, you know, I don't have a choice Mister." sya.

"ah. sige maliligo na ako." ako.

dali dali kong kinuha ang bago kong susuoting damit. I always wear terno pajamas pag matutulog na ako. Agad kong kinuha ang twalya  kong color Blue, and ang pajamas kong Blue na terno. pumasok na ako agad sa loob ng c.r.

pagpasok ko, namangha ako, mukhang makakasundo ko ang lalaking ito, ang neat nya at well organized ang lahat ng gamit nya sa loob ng c.r. mga mamahalin ang mga gamit nya dito. mga sabon na never heard, shampoo at facial wash, scrubs, foams and mga shower gels. kumpleto ang mga gamit nya. iba't ibang shave, mga cleaning kits, towels, hand sanitizers etc. basta ang cool. very manly ang disenyo ng unit  nya, all you can see is gray, white, black and some blue shades. teka? mahilig din ba sya sa color blue o nagkataon lang. 

tatlo ang sabon nyang ginagamit dito malapit sa bath tub nya. hmmmm, ang babango ng mga sabon na 'to. isang black na square, isang white na malaki at isang parang beige ang color. pati pala sa  sabon ay may color coding lol. dinedma ko nalang.basta kahit anong bumubula ay okay nang gamitin. ang importante ay malinisan ko ang katawan ko.

medyo inenjoy ko ang paliligo, dahil ginagamit ko ngayon ang kanyang bath tub, opportunista ba akong matatawag? sulitin ko na since naglahad sya ng tulong s akin, ang sama ko naman kung di ko tatanggapin. ang besides, no choice na ako dahil wala pa akong kilala dito sa Manila.

habang nakahiga ako sa tub, nililibot ng mata ko ang buong c.r ni Ashton. napapangiti ako na ewan. di ko maintindihan., siguro, kung alam lang ng mga fans club ni Ashton na isang bakla ang kasama nito sa condo unit ay malamang dalawang bagay lang yan. una, ang pagkaguluhan ako/kami at magkalat ng mga maling pahayag tungkol sa pagtuloy ko dito sa unit nya. and pangalawa, magkakaroon ako ng maraming kaaway including Princess, na ayoko namang mangyare. bakit? wala naman akong ginagawang masama ah. 

nag humming nalang ako habang nagbabanlaw na, at loves song ang na humming ko. Secret love song ang title. ewan ko ba? hindi ko love si Ashton dahil wala akong alam sa mga ganyang bagay, pero parang swak at bagay na bagay sa amin ang song haha orfeelinggero lang ako ?

napagpasyahan ko nading tapusin ang paliligo sa sarili ko. ang cute pa kasi may kusang nag sspray sa kisame, perfume ata yun or air freshener. ang bango grabe, amoy lavander. favorite scent ko yun e. nagbihis na ako agad at lumabas na ng c.r. doon ko nakita si Ashton na nakaupo sa couch nya at inihanda na ang higaan ko, kumot ko, dalawang unan na color black at kape?? mag uumaga na tapo kape? weird. napatingin nadin sa akin si Ashton, at ewan ko, ako lang ba or natulala sya ng ilang segundo sa kinatatayuan ko. napatingin tuloy ako sa likod ko, baka kasi may kung anong insekto o gagamba ang naglalakad sa pader. I should be aware. pero wala naman. tinuloy ko nalang punasan ang basa kong buhok.

"okay na ako. salamat ah. ikaw na!" ako.

"b-bakit  ang t-tagal mo maligo" sya na di makatingin sa akin. teka nga, anong nagyayare sa dimuhong to.? ako ba talaga ang kausap nito?

Twist in Time  (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon