XV: Truth

10 1 0
                                    

Prince's Point of view

"Dude!!!??" Jude.

alam ko kung ano ang iniisip ng mga 'to sa akin ngayon. lalo na't huling huli kami ni Blue kanina na nakahiga sa kama at magkapatong.

I guess, I don't need to hide it.

"mga pare, pakinggan muna natin si Prince at baka may dahilan sya." Anthony.

ngumiti ako dito.

at isang butong hininga ang pinakawalan ko bago ako magpaliwanag sa kanila.

"I'm starting to like that guy." nakayuko kong pag amin sa kanila.

walang nag react sa kanila. well, I guess di nila ito matatanggap. kahit ako naman e. di ko agad natanggap. pero wala e. di ko pala kaya.

"Sinubukan kong labanan kasi alam kong mali ito pero.. nahulog ako e." ako.

"dude!! your gay??" Luke.

"kung yun ang iisipin nyo sakin. wala na akong magagawa. tutal naman nahuli nyo na kami ni Blue. di ko kayo mapipilit na tanggapin ako. pero isa lang ang sigurado ako. yun ay ang pagmamahal ko sa kanya na lumalalim araw araw." ako.

"alam mo dude!!" si Jude, "tanggap naman kita e. kahit sino o ano ka pa?!. ang nakakatampo lang ay naglihim ka samin. bakit?? sa tingin mo ba hindi ka namin maiintindihan??" Jude.

"ano pa't naging tropa mo kami, kung di ka din mag oopen sa amin." Luke.

"at alam mo, sa panahon ngayon, hindi na bago yan. yun lang, humanda kayo sa haharapin nyong mga pagsubok. kasi mahirap ang ganyang relasyon." Peter.

"alam ko naman e. at handa ako dun. pangangatawanan ko to. nagmahal lang naman ako. hindi ko pa nararamdaman yung ganitong love sa mga past girlfriends ko mga pare. tawanan nyo na ako ngayon, pero ang sarap sa pakiramdam pag totoong pagmamahal na yung natagpuan mo." pagpapaliwanag ko.

umupo din sa kaliwa ko si Anthony at inakbayan ako.

"Prince, hindi masama ang magmahal. nagkataon lang na sa kapwa mo lalaki. pero hindi kita masisisi. kasi alam kong mabuting tao si Blue. and besides, kung alam naman naming dito ka sasaya at liligaya e susuportahan ka namin, at hindi ka ipagtatabuyan. andito lang kami kung kailangan mo ng makakausap." Anthony.

"salamat. salamat talaga mga pare. sa totoo lang, sa ngayon, hindi ko pa kayang ilantad ang relasyong meron kami ni Blue. di pa ako handa sa panghuhusga ng mga tao. lalo na sa university. baka mapahamak si Blue. kung ako lang e, matitiis ko, pero malamang sa malamang, pag iinitan si Blue." ako.

"nandito kami para pumrotekta sa relasyon nyo." Jude.

"at sorry pala pre kung gusto namin kayong mabisto ah. nacurious lang naman kami kung sino ang tinatago mo dito sa unit mo e." Jude.

"eto ba ang dahilan kung bakit ka nagpakalasing kagabi??" Luke

"oo. hanggang kagabi kasi ay nagtatalo padin ang utak st puso ko e. at gulong gulo na ako. nasagi nga sa isip ko na baka ginagayuma ako ni Blue e. pero ngayong umaga lang, nakapag desisyon na ako, ayoko syang mawala sa paningin ko, gusto ko nakikita ko sya minu minuto. ayoko syang nakikitang umiiyak o nalulungkot kasi dinudurog ang puso ko. sa simpleng ngiti nya, napapasaya nya ako. sa mga efforts nya dito sa unit namin, tumataba ang puso ko. hindi ko al am kung kailan to nag umpisa pero, natatakot ako mga pare. natatakot ako na mawala si Blue sa akin." mahabang pagpapaliwanag ko.

"I have Alex remember?? ganyang ganyan din kami sa isa't isa. siguro, love na nga talaga yang nararamdaman nyo ngayon. at di ka namin pagbabawalan dian." Anthony.

Twist in Time  (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon