CHAPTER 3

57 28 0
                                    

[Angel's POV]

Nagising ako mula sa pagkakahimbing at saktong chinecheck naman ako ng nurse.

"Hi. Ako si Nurse Luis. Actually, kanina ko pa chinecheck vital signs mo dahil nakatulog ka nang tinamaan ng bola which is inappropriate. Kamusta? May masakit paba sayo?"

Kinapa ko ang sarili kung may nararamdaman pa bang sakit bago ako sumagot.

"Wala na po nurse. Salamat po."

"Naku. Hindi lang ako ang dapat mong pasalamatan. Kanina pa nga pabalik balik dito sa clinic 'yong cute na estudyanteng nagdala sayo rito e. Alalang-alala. Osiya, magpahinga kana muna dyan. Malapit na din matapos ang klase."

Cute? Cute ba si Krissha? hehe. Mahaba haba rin pala ang tulog ko dahil malapit ng mag-5pm nang magising ako. Inayos ko na ang sarili ko pati na rin ang mga gamit ko at hinintay nalang si Krissha dito.

Alam na alam ko nung dumating na siya dahil sa lakas ng pagkakatili niya matapos akong itanong sa nurse.

"OMG angel. Mabuti okay kana. I was so worried."

"Kamusta ang klase? First day na first day ay absent ako."

"No worries sis. Naipagpaalam ko naman sa mga teachers natin. Ano? Okay kana ba? Talaga?"

"Oo. Tara na. Uwi na tayo."

Naglakad na kami palabas sa clinic at dumeretso agad pauwi.

"Sure ka girl? Okay kana?"

Muli ay nag-usisa si Krissha nang makarating na kami sa bahay.

"Oo naman. Magpapalit nako para sa trabaho."

"Papasok ka ba today? Grabe nahilo ka nga kanina e."

"Oo naman. Sayang din kikitain."

"Pero wag kana muna magtrabaho kaya sis? Baka biglang sumakit ulit yan."

"Krissh, ni wala nga akong bukol o. Ayus lang ako."

Iniwan ko na siya sa sala at nagtuloy na sa kwarto kahit pa napakarami niyang nais sabihin. Sa dami ata ng gusto niyang sabihin ay di sapat ang isang araw na magkasama kami. Yun si Krissha, di napapayapa pag tahimik ang awra.

Naligo nalang ako at nagbihis na ng tshirt at pantalon. Nagpapart time job ako sa isang restaurant simula pa noong nasa third year high school palang ako. Ayokong iasa lahat sa mga magulang ni Krissha ang mga gastusin kaya naman mas pinili kong magtrabaho para kumita ng sarili kong pera.

"Aalis na ako."

"Sure ka okay kalang?"

"Oo nga. Magpahinga kana. Ilock mo ang pinto. 1am nandito nako."

"Ewan ko ba kung di ka lalong pumayat niyan dahil sa puyat. Ingat ka."

Naglakad lang ako palabas ng village dahil wala namang masasakyan dito. May kotse sina Krissha na minsan lang din namin gamitin pero ayokong hiramin para sa sariling kapakanan. Kaya mas pinipili ko na magcommute nalang papunta sa trabaho.

"Hi Sir."

"O Angel. Magpalit kana at may paghahandaan tayong isang table sa VIP na magsusurprise daw."

"Sige sir."

Pag may VIP, dun ako inaassign ni Sir. Nakilala ko siya nung nasa elementary palang ako at siya ay high school naman. Cute na cute siya sa akin nung bata pa ako kaya madali kaming nagkasundo. Kaya naman kahit menor de edad, ay tinanggap niya ako sa trabaho. Inaassign niya ako sa VIP para di rin masyadong mapagod. 6 or 7 hours lang din ang oras ng trabaho ko, di gaya ng mga normal workers niya na 8-9 hours.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now