CHAPTER 26

18 4 0
                                    

[Lance' POV]

Nang matapos ang vacant ay sabay-sabay na kaming umalis ng canteen ngunit ganun nalang ang inis ko nang bigla kaming lapitan ni Junix. Hindi pala kami, kundi si Angel lang.

"Sasamahan mo ako sa clinic diba?"

Nakangiting sabi pa niya sa harapan ni Angel. Minsan na nga lang ngumiti ang lalaking 'to ay mukhang inis pa ang dulot sa akin ng mga ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa kanya ngayon. Noon namang 1st year ay wala akong pake sa kanya. Sikat din siya sa academy pero di hamak na mas sikat ako. Maraming nagkakagusto sa kanya pero mas maraming nagkakagusto sa akin. Hindi ko nga lang maitatangging marami din ang may pagkadisgusto sa akin dahil kabi-kabilaan ang nasasaktan kong babae na hindi ko naman sinasadya kung tutuusin.

"Oo nga pala. Guys, sasamahan ko muna si Junix sa clinic."

"Hindi ba niya kayang mag-isa?"

Singit ko nang magpaalam siya. Pero ganoon nalang din ang gulat ko nang tignan nila akong lahat.

"I mean.."

Nangangapa ako at nag-iisip kung anong dapat sabihin nang muling magsalita si Junix at hinawakan ang kamay ni Angel.

"She's none of your business. Let's go."

Hinatak niya si Angel palayo sa amin at kahit gustuhin ko pang magsalita, ay ganoon nalang ang pagtitig sa akin nina Jerome at Miguel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko lalo pa nga ang tungkol sa pamilya ko.

* Flashback *

Nang makauwi kami ni Dad ay 11pm na pero nag-usap pa kami sa opisina niya sa bahay.

"Lance."

Nanatili akong nakatitig sa kanya at ganoon nalang ang gulat ko nang tawagin niya ako sa peke kong pangalan. Ito ang unang pagkakataon na gawin niya iyon.

"Alam ko kung gaano kang nahihirapan. Bata ka palang, minulat na kita sa mundong hindi mo naman dapat kinagisnan. Pitong taong gulang ka palang, isinama na kita sa ibang lugar para lang sa ensayo. Dahil obligado kang maging parte ng grupo. Kung itinatanong mo, bakit ikaw at hindi ang ate mo, ito ay dahil lang sa katotohanang mas malakas ka higit sa kanya, mas may tiwala ako sayo higit sa kanya. Nananatili siyang walang alam sa tunay na pagkatao ng ating pamilya at maswerte kang may nalalaman ka."

Kung ganoon, ano ang dahilan bakit masungit sa akin si ate? Kung wala siyang alam tungkol sa pamilya namin, bakit siya galit sa akin?

"Si Belle ay isinilang ng mama mo. Pitong taong gulang siya ay sinanay din namin siya sa ensayo tulad nalang nang minsang idinala namin siya sa kagubatan at iniwan namin siya doon. Inakala niyang mamamasyal lang kami pero sa loob ng kagubatan na 'yon ay may naghihintay sa kanyang mga mababangis na hayop at iilang tagapagbantay kung sakali mang hindi niya kayaning lumaban. Ngunit hindi niya kinaya ang ensayo sa pakikipaglaban sa mga hayop. Sa huli, ay nagkaroon siya ng pilat dahil tinamaan siya ng mabangis na hayop sa kagubatan. Malaki ang idinulot na kaba ng pangyayaring 'yon sa mama mo. At 'yun ang tunay na dahilan kung bakit galit sa akin ang mama mo."

Nanatili lang akong nakaupo at nakikinig sa bawat kwento ni Dad.

"Wala akong kabit, anak. Wala akong anak sa ibang babae."

Kung ganon, maging iyon ay hindi isang katotohanan. Paano nilang nagawang ipamukha sa amin ng kapatid ko na kaya hindi sila maayos ay dahil nagkaroon siya ng anak sa ibang babae?

"Ang totoo anak ay may kakambal ka. S-subalit.."

Nakita ko kung paanong napayuko si Dad at tumulo ang luha sa mga mata niya.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now