CHAPTER 13

16 2 0
                                    

[Lance' POV]

Hindi ko alam kung saan nagmumula ang mga salitang lumalabas sa akin. I just want to express that strong emotion inside me. I don't even know why I am acting strange. Hinatid ko si Angel sa bahay nila and went in our home afterwards.

"Sir, hinahanap po kayo ng ate niyo. Nasa likod po siya."

Tinanguan ko lang ang kasambahay namin at dumeretso na sa likod ng bahay. Naabutan ko ang ate ko doon na nagbabasa ng libro.

"You're late."

"What is it?"

Gaya nga ng sinabi ko, di talaga kami close ng ate ko. Triny ko siyang pakisamahan pero kahit nasa iisang bahay kami, bibihira niya lang akong kausapin.

"Kinausap ako ng kuya ni Yen."

Hindi man lang niya ako pinaupo. Dere-deretso siya sa pagsasalita.

"Hindi raw kumakain si Yen at laging matamlay. He's asking help from me."

Dun palang, alam ko na ang gusto niyang mangyari.

"I'll talk to Yen tomorrow then."

Nang hindi na siya magsalita pa ay tinalikuran ko na siya at pumunta na sa kwarto ko. Habang naliligo, hindi ko na naman mapigilang mapangiti. Nakakatuwa talaga ang araw na 'to. Hindi siguro inasahan ng mga magulang ng batang 'yon na makikipaglaro ako sa mga anak nila. If it wasn't for Angel.

"Damn. Erase erase erase."

Masyado ng madalas ginugulo ng babaeng 'yun ang isip ko. It's time to get my revenge. Nakatulog ako ng maayos ng gabing 'yon kaya nang mag-umaga ay ganado akong pumasok.

"Good morning."

Tinignan ko ang usual na pwesto niya pero wala pa siya. Mukhang napaaga ako.

"What's with the good mood bro?"

Nilapitan ko si Zach na noon ay abala sa pagbabasa ng libro.

"Seeing you read a book. Again."

Nakangising sabi ko sa kanya.

"Mr. Genius, wag ka na magbasa. Dahil kahit anong pagbabasa mo, walang librong makakapagturo sayo kung paano umamin sa taong gusto mo."

Napatigil siya sa pagbabasa at tinignan ako ng masama.

"Shut up, Lance."

Eksakto namang pumasok ang magaling kong ate kasabay ni Yen. Dahil sa napag-usapan namin kagabi ay binati ko si Yen at nilapitan pagkaupo niya.

"Hey. Kamusta?"

Pero ni hindi man lang niya ako tinignan.

"Yen."

Sinubukan ko pang iharap siya sa akin. Hinawakan ko siya sa baba.

"Yen, talk to me please. Please talk to me."

Yun na ang pinakasinsero kong pananalita. Mas sinsero pa kaysa kahapon na kausap ko si Angel. Nang maalala ko si Angel, ay napatingin ako sa likuran kung nasan ang pwesto niya pero wala pa rin siya. Pero hindi ko inasahang nasa pinto na pala siya at deretsong nakatingin sa amin ni Yen.

[Angel's POV]

"Yen, talk to me please. Please talk to me."

Hindi ko alam na sa lahat ng babae ay ganun pala talaga siya. Kagabi, hindi ako nakatulog kakaisip kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung kailan natanggap ko ng may gusto ako sa kanya, at kung kailan umaasa na ko sa mga kilos na ginagawa niya, ito pa ang dadatnan ko pagkapasok.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now