CHAPTER 31

8 2 0
                                    

[Angel's POV]

Lakad takbo na ang ginawa ko para makarating sa science garden. Dahil oras pa ng klase, alam kong kahit gustuhin ko ay di ako makakaalis. Doon lang ang alam kong walang tao. Hindi ko alam bakit umasa pa ako na baka seryoso nga siya sa akin kahit nung unang beses palang na magtapat ako, binigo na niya ako.

"Tangina! Ang sakit sakit naman, Lord."

Wika ko pagka-upo ko sa damuhan sa Science Garden. Yakap ko ang tuhod ko habang patuloy na umiiyak. Hindi ko alam paano ilalabas ang lahat ng sakit. Sobrang sakit!

"Bakit ko pa ba siya minahal, Lord? Ayoko na nito. Please naman o. Ayoko na ng sakit, Lord."

Iyak lang ako ng iyak kahit na nananakit na ang mata at ulo ko. Hindi ko na alam ano ang gagawin ko para mapahinto ang sakit na nararamdaman ko.

"Deserve ko ba 'to? Tangina! Ang sakit saket."

"No. You don't deserve that."

Isang tinig mula sa likod ang narinig ko kaya naman hininaan ko ang paghikbi ko. Kahit hindi ko siya lingunin, sigurado na ako kung sino siya.

"I heard what happened, he doesn't deserve you."

Wika ni Junix matapos ay niyakap niya ako.

"J-junix, ang sakit."

"I know. Pero nandito lang ako. Kung pwede ko lang akuhin ang lahat ng nararamdaman mo, ginawa ko na."

Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya. Alam kong mali na parang nagiging rebound si Junix pero wala akong masandalan. Wala akong ibang malalapitan. Sobrang sakit na ang nararamdaman ko na hindi ko na kayang pigilan pa.

"Tahan na, Angel."

Nanatili lang akong ganun sa halos isang oras bago ko napatahan ang sarili ko.

"I won't demand you to feel okay but please just let me protect you from him. I promise na hindi ko na hahayaang saktan ka ni Lance."

"T-thank you, Junix."

Wika ko. Sana nga si Junix nalang ang minahal ko para hindi na ako nasasaktan ng sobra ngayon. Akala ko wala ng mas sasakit sa mga dati niyang sinabi, pero heto at nasaktan na naman niya ako.

"Ihahatid na muna kita sa bahay namin para makapagpahinga ka."

"A-ayus lang ako, Junix. Daanan muna natin si Jerome."

Tumayo na ako pero pagkatayo ko palang, nahilo na ako kaya naman agad akong napakapit kay Junix.

"Hey, are you okay?"

Tanong niya pero bigla nalang kumirot ang ulo ko sa sakit kaya naman nawalan na ako ng malay.

[Lance' POV]

"Gago ka, Lance!"

Sigaw ni Krissha bago umalis para sundan si Angel. Samantalang si Annika naman ay nanatiling nakatayo sa harapan ko.

"What?"

Yen asked her.

"What?! Ikaw pa ba yan, Yen? Para kang naadik kay Lance at pinagbibintangan mo ang isang taong wala namang nilalandi!"

"Annika! I can't believe kinakampihan mo sila!"

"At ikaw, Lance!"

Ngayon naman ay tinignan niya ako ng mata sa mata.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now