CHAPTER 5

43 22 0
                                    

[Angel's POV]

Nang maglunch break ay niyaya pa kami nina Jerome na sumabay sa kanila pero dahil gusto naming kumain sa Science garden ay tumanggi kami sa kanila. Naglakad kami papunta dun ni Krissha habang nagkekwento siya syempre. Di naman maaalis sa babaeng 'to ang magkwento kahit napakawalang kwentang mga bagay naman.

"Woiii ikaw Angel ha. Nakasama mo pala sina Lance?"

"So?"

"Anong So? Duhh. Bakit di ka nagkwento sa kin aba. Kaya pala ang drama mo ay dere-deretso ka lang sa kwarto at di na kumain ano?"

"Kung ikekwento ko sayo, ay pareho tayong hindi na makakatulog sa dami ng mga tanong mo."

"Waaaahh. Ang presko nga dito Angel."

Doon ko lang napansin na nasa Science Garden na kami. Isang malawak at maaliwalas na garden nga ito kung saan may makikita kang ilang Science lessons tulad ng mga displays na mannequin na Skeleton System, Digestive System, at ang pinakamaganda roon ay ang Circulatory System. Maganda ang pagkakagawa ng display na 'yon at talagang kahanga-hangang pagmasdan dahil lahat ng parts ay nakalista roon. Kung titignan ay para lamang iyong art display dahil gawa ang mismong system sa mga dahon. Napakaganda.

"Ang ganda pala talaga dito. Buti at di tinatambayan ano?"

Tanong ni Krissha na siya ring ipinagtaka ko. May mga bench naman kasing nakalaan para pagtambayan sana ng mga estudyante o gawing pwesto sa pag-aaral o pagbabasa.

"Di talaga 'to tinatambayan dahil di kami nagagawi dito."

Wika ng isang tinig sa likod namin na pamilyar naman talaga sa akin.

"Teka. Lance, bakit ka nandito?"

Pag-uusisa ni Krissha habang pinagmasdan ko lang siya.

"Pinapatawag kayo ni Ms. Rachelle."

"Halaaaa. Ang Principal?"

"Yeah."

"Bakit raw?"

Nanatili akong tahimik habang silang dalawa ni Krissha ang nagpapalitan ng sagutan.

"Ewan. Aba malay ko SCHOLARS."

Bigla ay diin ni Lance sa huling salita. Totoong scholar lang kami dito. Pero ikinakainis kong sa pagdidiin niya ng salitang yun ay tila ba nanliit ako. Marahil ay hindi lang ako, kundi maging si Krissha dahil natahimik siya.

"Kakain muna kami. Dederetso nalang kami doon."

Pagsagot ko sa kanya bago siya tuluyang tumalikod.

"Nakakainsulto naman yung Lance na yun. Akala ko pa naman bumabait na dahil nakadikit pa sayo kanina habang nakikinig."

"Ang demonyo, demonyo na talaga."

Naiinis akong kumain dahil umaasa nga ako na kahit paano ay magiging mabait na siya sa amin. Pero mukhang nagkamali ako. Hindi talaga siya magiging mabuti sa amin lalo na sakin. Matapos kumain ay dumeretso kami sa Principal's office. Kumatok muna kami bago pumasok nang tuluyan.

"Good afternoon ma'am."

Sabay naming bati ni Krissha. Kilala na kami ni Ma'am Rachelle dahil siya ang paulit ulit na nakikita namin noon nang mag-apply kami ng scholar dito sa school na pinapasukan namin. Batid niya rin ang dahilan ng pagpasok namin sa Academy na ito kaya naman tinulungan niya kaming matanggap ang scholarship application namin sa board ng L.E.A.

"Have a sit. Well, I told you already na free ang tuition fee niyo. Pero aware naman kayo na ang books niyo ay hindi free diba?"

Nabanggit nga niya iyon sa amin noong magenroll kami dito kasama na rin ang mga rules ng paaralan.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now