CHAPTER 10

20 9 0
                                    

[Angel's POV]

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sikat ng araw. Nang tignan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ay agad akong napatayo.

"Holy shit! 10am na. Ganun ako katagal nakatulog?!"

Hinanap ko pa si Lance sa veranda, kusina, at sa sala pero wala siya. Maging sa cr ay wala siya. Kaya ba niya ko niyaya dito para ma-absent sa klase? Ano na naman bang trip niya? Sinubukan kong buksan ang pinto para sana makauwi na pero mas lalo akong pinanghinaan ng di ko yun mabuksan para makalabas. Kailangan pa ng pincode bago mabuksan.

Hindi pa ako nag-absent kahit kelan. Importante sakin ang pag-aaral at naiinis ako sa ginawa niyang 'to. Pumunta ako sa sala at binuksan nalang ang TV. Wala ng pag-asang makapasok ako. Sana ay ginising niya ako. Hindi ko alam na ito pa ang igaganti niya matapos ng mabuting pagpapatuloy ko sa kanya sa bahay noon. Nang mabored ako sa panonood ay naghanap ako ng shirt sa closet niya. Gusto ko ng magpalit dahil nanlalagkit na ako. Naligo ako at pinatuyo ang undergarments ko sa veranda na hindi naman matatanaw ng mga nasa labas. Mamaya pa matatapos ang klase kaya siguradong mamaya pa yun babalik. Naghanap ako ng t-shirt na mahaba sa closet ni Lance at nakakita naman ako. Mabuti nalang.

Dumaan ang lunch at nakaramdam ako ng gutom kaya nakialam na ako sa mga pagkain sa ref niya. Nagluto lang ako ng pancake dahil kaunti lang ang laman ng ref niya. Wala man lang pork o chicken. O kaya frozen foods.   Puro alak at chocolates. May cereals din pero ayoko naman nun. Kumakain na ako nang biglang lumitaw si Lance sa kusina.

"I brought lunch for you."

Wika niya pero inirapan ko lang siya. Paano niya akong nagawang iwanan basta dito? Akala ko pa naman nagbabago na talaga siya lalo na ngayong nagugustuhan ko na siya.

"Hi Angel."

Napatingin lang ulit ako sa labas ng kusina nang marinig si Annika.

"Yuhoooo."

Boses ni Miguel yun. Siya ang pumapangalawa sa ingay ni Krissha.

"Angeeeeeel."

Pagsigaw ni Krissha at akmang lalapit na sa akin pero pinigilan siya ni Miguel.

"B-Bakit nandito kayo?"

Nanatili silang nakatayo sa may sala at nagsiupuan doon matapos buksan ni Jerome ang TV.

"Aww. Nagtatampo na ako sayo Angel. Gusto mo bang masolo ang baby Lance ko kaya ayaw mo kaming kasama?"

Nagtonong sarcastic si Yen sa pagkakasabi niya ron. Gusto ko tuloy makumpirma kung may relasyon talaga sila ni Lance.

"Yen."

Pagsuway ni Lance sa kanya. Lumapit siya sa akin at inilapag sa table ang jollibee na binili niya. May wall na naghahati lang kasi sa sala at kitchen. May maliit yung pintuan na kalahati lang para magkarinigan at magkakitaan pa rin ang nasa sala at nasa kusina.

"I brought you this. Sorry, nalate ako. Nakikulit pa kasi silang sumama."

Pabulong niya lang yung sinabi nang tuluyan siyang makalapit sa kusina.

"What the fuck are you wearing?!"

Doon ko lang naalala na suot ko lang ang black tshirt niya at wala ni bra o panty na suot.

"Shit."

Tatayo na sana ako pero pinanatili niya akong nakaupo.

"I'll prepare lunch for us."

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now