CHAPTER 22

19 2 0
                                    

[Lance' POV]

Pagka-uwi ko ay sinalubong ako nina Annika at Yen na parehong may mga tanong pero iniwan ko lang din. Sinabi ko lang sa kanila na pauwi na rin si Angel para hindi na sila mag-alala. Pagkarating ko ay tapos na din ang party kaya nagtuloy tuloy na ako sa loob. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang alalahanin kung paano kong nakilala si Angel at kung paano siyang napalapit sa akin.

* Flashback *

Pagkapasok sa school ay wala pa rin akong ganang mag-aral. Hehe. Tinatamad pa kasi ako at gusto ko pa ng mas mahabang bakasyon. Kabi-kabilaang tilian na naman ang sumalubong sa amin hanggang may lumapit sa aking babae. Nag-aabot na naman ng regalo pero hindi ko tinanggap. Magtutuloy tuloy na sana ako sa paglalakad pero nakita ko kung gaano kasama ang tingin ng isang babae sa akin. Kaya naman nilapitan ko siya at eksaktong kami ata ang pinag-uusapan nila.

"Gwapo nga, pangit naman ugali."

Bigkas ng babae sa harapan ko kaya naman bahagya pa akong ngumisi.

"Tsk. Ang bitter mo girl."

"Totoo naman. Napakabasura ng ugali."

"A-angel."

"Tsk. Sana hindi natin sila makasalamuha. Napakayayabang."

Ngunit pagkatalikod niya ay eksakto namang nabangga niya ako.

"What the hell did you just call us, woman?"

Deretso kong tanong na bahagya pa siyang pinanliitan ng mata. Pero ganun na lang ang inis ko nang mas nginisihan niya pa ako.

"Did you just overheard our conversation?

Mataray pang sagot niya.

"Did you just call us boastful?"

I asked her back.

"Yes. So?"

Sabi niya at nang tatalikod na siya ay hinigit ko ang kamay niya at hinalikan ang labi niya.

Napakalambot ng labi niya.

"Lance, tama na yan."

Suway naman sa akin ni Jerome at doon ko lang napagtantong hinalikan ko talaga siya kaya mabilis ko siyang binitawan kaya napaupo siya.

"OMG. Angel, ayus kalang?"

Tanong nung kasama niya sa kanya pero hindi ko nalang pinansin. At para hindi mapansin ng mga kasama kong concern ako sa babaeng 'to ay sinagot ko pa ulit siya.

"That's what you get from calling us 'mayabang'."

Tumalikod na kami at naglakad palayo pero ganun nalang ang inis ko nang may tumama sa aking matigas na bagay at ramdam kong may malagkit pang dumaloy sa batok ko. Nang mahawakan ko iyon ay nainis ako kaya naman hinarap ko pa siya. Pero hindi na ako nakasagot dahil nagsalita na siya sa harapan ko.

"Hoy! Lalaking pangit ang ugali at walang respeto sa babae, FUCK YOU!!!!!"

Tinalikuran niya kami at umalis. Sa huli ay tatawa-tawa akong nginisihan ng mga kaibigan ko.

* End of Flashback *

Ibang klaseng babae. Kung ang iba ay nagkakandarapa para sa halik ko, siya ay talagang binato pa ko. Tsk.

Ngayon namang umamin na siyang mahal niya ako, hindi ko magawang mahalin siya ng buo.

Matapos kong maligo ay nahiga na ako sa kama. Ilang saglit lang habang malalim akong nag-iisip ay pumasok si ate kaya naman napabalikwas pa ako ng upo.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now