CHAPTER 8

33 18 0
                                    

[Angel's POV]

Pagkauwi ko sa bahay ay lalo kong naramdaman ang pananakit ng mga paa ko. Sinalubong ako ni Krissha na panay ang pagtatanong pero imbis na sagutin siya ay nagpahinga ako saglit matapos ay tumuloy sa trabaho.

Habang nagtatrabaho, hindi ko maiwasang maramdaman ang pananakit ng paa ko lalo na at kabilaang pagseserve ang kinailangan kong gawin dahil marami na naman ang customers. Kailangan kong pagbutihin ang trabaho para makapag-advance ako kay kuya drake ng kahit na magkano para sa librong kailangan kong bayaran.

Nang matapos ang shift ko ay kinausap ko si Kuya Drake sa labas. Hindi kasi kami maaaring pumasok sa office niya kaya naman sa labas ko nalang siya naisip na kausapin.

"Kuya."

Pagsisimula ko. Tinatawag siya hindi sa kanyang propesyon kundi bilang malapit na kaibigan.

"Kuya, pwede ba akong... mag-ano.. hmm.."

Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng kapal ng mukha para dere-deretsong masabi ang gusto ko. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

"Hmmm... ano kasi kuya..."

"Iaadvance kita ng 3,000 sige."

Siya ang kusang nagsalita. Ngunit hindi ko magawang matuwa dahil kung tutuusin ay napakababa noon. Nais ko sanang i-advance ang isang buwan na sahod ko at magdagdag nalang ng mga araw ng pagpasok para makakita pa ng extra. Pero sa kawalang pag-asa na dadagdagan niya ang offer niya ay napayuko nalang ako.

"Papasok na ako. Ingat ka sa pag-uwi Angel. Kita ulit tayo sa Huwebes."

Tinap niya pa ang ulo ko at pumasok na sa loob. 6,000 lang naman ang sahod ko kay Kuya Drake, hindi na masama para sa 20 days na araw ng trabaho. Hindi gaya ng iba, pwede akong pumasok kahit anong oras basta makumpleto ang 20 days na 'yon. Ang perang naipon ko ay naipambili ko na ng school supplies at uniform ko. May natira kahit papano pero hindi sapat para mapunan ang 15k na kailangan ko. Napabuntong hininga nalang ako at bago umuwi ay nagpahinga muna ako. Sumandal ako sa puno at naghintay na may dumaang jeep, o kaya tricycle.

"Late na. Bakit nakatambay kapa dyan?"

Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses at hindi nga ako nagkamali, si Lance na naman. Hindi ko nalang siya sinagot dahil ramdam ko pa rin ang pananakit ng mga paa ko. Lumapit siya sa akin at tumabi sa pagkakasandal ko.

"I'm.. I'm sorry."

Gusto kong lingunin siya pero hindi ko ginawa dahil para sa akin, hindi sapat ang sorry niya. Kung gusto niyang magsorry, dapat kanina niya pa ginawa.

"Mauuna na ako."

Tinalikuran ko siya at balak ko nang maglakad pero hinawakan niyang muli ang kamay ko.

"I'm sorry. Hindi ko alam na naglakad ka just to go home."

"Yeah. Ofcourse you don't know."

"That's why I'm saying sorry."

"Sorry mo mukha mo. Uuwi na ako."

"Maglalakad ka na naman?"

"Obviously."

Tipid kong sagot at binawi ang kamay kong hawak niya. Pero hindi ko inaasahang susundan pa niya ako at muling hahawakan.

"Sakay."

Nilingon ko ang paligid pero wala naman akong nakita na sasakyan niya.

"Wala kang dalang kotse?"

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now