CHAPTER 34

12 3 0
                                    

[Lance' POV]

Gaya ng plano naming magpulong ng sabado, narito na kami ngayon at sama-sama sa VMG Grounds.

"Good evening everyone. Are we still waiting for others?"

Panimulang tanong ko dahil may iilan pang wala.

"May misyon si Andrea kaya hindi siya makakarating."

"Aside from Andrea, we're complete. So let us begin. Alam niyo naman na siguro ang nangyari sa amin ngayong linggo? Ang pagkakaharap namin sa isang nilalang na matagal nagtago. Ako at si Jeremy ay nagkaroon ng pagkakataon makaharap si Seitan. Ang babaeng nagtago sa grupo sa matagal na panahon. Grupo nila ang may gawa ng pagkakasaksak ni Jeremy. Hindi namin inasahang makikilala nila kami. Kaya naman nais kong gumawa na tayo ng mga hakbang o plano para mahanap sila at nais kong maghanda ang lahat dahil alam kong sa ano mang pagkakataon, maaari silang dumating na hindi natin nalalaman."

Wika ko. Sa pulong na ito ay nais kong masimulan ang pagiging isang lider. Alam kong hindi pa sapat ang kakayahan na meron ako pero ayoko ng may mapahamak pa.

"Tech, nais kong alamin mo ang lahat tungkol kay Seitan. Yuki, nais kong umpisahan mo ang pagtuturo ng iba't ibang uri ng paggamit ng mga baril na mayroon tayo sa mga kaedad namin. Jeremy, binibigyan kita ng sapat na oras para magpahinga pero sa oras na bumalik ka sa iyong lakas ay nais kong simulan mo ang paggawa ng mga bomba na itatanim natin sa sarili nating kuta."

"Teka, anong dito Joaquin?"

Tanong ni Tito Aureus.

"Kung kilala na tayo ni Seitan, siguradong babalik siya dito sa lugar ninyo at magsisimula siyang gumanti. Hindi ko alam ang tunay na dahilan ng galit niya pero poprotektahan natin ang lahat ng nandito. Kaya napagdesisyunan kong lilipat tayo ng grounds. Sa isang lugar na hindi niya malalaman."

"Sang-ayon ako kay Joaquin."

Tinanguan ko lang sila matapos ay nagpatuloy ako.

"Tataniman natin ng bomba ang grounds na ito at si Arthur naman ang maglalagay ng CCTV na matatrack ko at ni Luke."

Tinignan ko si Sir Luke na nakikinig lang at nakatingin sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko alam paano siyang nasali dito. Hindi ganoon karami ang bilang namin dahil halos tauhan at kami lang na mga anak ng magkakaibigang mga magulang namin ang nandito.

"Sa oras na may dumating na sa kumpirmasyon ko ay pangkat nina Seitan, ikaw Luke, ang pipindot ng isang button na siyang magpapasabog sa lahat ng bomba na itatanim dito. Maliwanag ba?"

Wala akong narinig na pagtutol ninuman kaya nagsimula na akong tumanggap ng reports sa kung ano ang mga naganap sa misyon nila. May mga misyon pa din kasi na tumutulong talaga sa gobyerno dahil hindi nila kayang lutasin ay grupo namin ang kumikitil ng mga buhay ng mga taong hindi kayang hulihin ng mga pulis.

"Kung wala na kayong mga katanungan at nais sabihin, malaya ko ng tinatapos ang pagpupulong na ito. Tech, Luke, maiwan kayo at pareho ko kayong nais na makausap."

Utos ko pa bago sila nagsitayuan para umalis. Mabuti naman at hindi tumutol ang aking ama sa aking mga plano. Yun lang naman ang makakaya kong gawin sa ngayon. Pag-uusapan pa namin ni Miguel at Jerome kung saan pwedeng lumipat ng grounds. Tutal ay may ensayo pa ako kay Tito Aureus, sa kanya nalang din ako hihingi ng suhestyon.

"Boss, bakit mo kami gustong makausap?"

"Umupo kayo."

"Tech, gusto kong hanapin mo lahat ang tungkol sa babaeng 'to."

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now