CHAPTER 19

10 2 0
                                    

[Annika's POV]

Matapos ang isang oras ay natapos din akong ayusan. Kaya naman bumaba na ako para hintayin nalang sina Angel sa sala. Maingat akong umupo para hindi malukot ang red cocktaildress na suot ko.

"You're really pretty, iha."

Sabi ni Mommy Louie.

"Thanks to Mommy Rey."

Nakangiting baling ko naman kay Mommy Rey na siyang nag-ayos sa akin.

"Are they done?"

"Yes sweetie. Bababa na sila kasabay ni Angelo."

Ilang minuto pa akong naghintay nang magring ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita sa screen kung sino ang tumatawag.

"Hi, Zach."

"Hello, Nika."

"Hmm. Napatawag ka?"

"Ahh. Yes, would you mind if I'll pick you up?"

"Aww. That's so sweet of you Zach. Pero kasabay ko kasi sina Angel. Pinasabay siya sakin ni Lance."

"I see, let's meet at the party. I'm on my way."

"Okay, see you. Take care."

"Yeah. You too. Bye."

"Bye."

I love you. Yun lang at pinatay na niya ang tawag. Kalalaking tao, siya pa nag-end ng call.

"Here they are sweetie."

Sumulyap ako sa stairs at nakita ko si Krissha na pababa na ng hagdan. She's wearing a white maxi dress na nagpalitaw ng curve niya. While Angel is wearing a simple tube dress na above the knee sa harap habang mahaba naman ang sa likod na bumagay talaga sa kanya.

"You two look gorgeous."

Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Ang ganda mo din, Nika."

Sabi naman ni Krissha habang nanatiling nakayuko si Angel. Kaya naman nilapitan ko siya.

"Be confident, Angel."

Nakangiti kong sabi sa kanya. She's just wearing a 3 inches heel sandals. Binili namin ni Krissha sa department store ang mga damit namin nang iwan niya kami doon. Inalalayan kami nina mommies na sumakay sa kotse at nagkwentuhan pa kami habang nasa byahe.

"Are you excited to meet the birthday boy, Angel?"

Pang-aasar ko pa sa kanya.

"I'm sure he would dance with you."

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bahay nina Lance at sabay sabay kaming pumasok. Maganda ang set up ng party. Lalaking-lalaki ang dating ng party. It's really elegant.

"Annika, here."

Kumaway si Miguel sa amin kaya naman pumunta kami sa table nila.

"Hey. You look really pretty."

Sabi ni Zach sa akin kaya naman tumabi ako sa kanya.

"You look handsome too."

Nginitian niya naman ako at nagpatuloy pa ang kwentuhan namin. Wala pa sina Lance and Yen to complete our group. Imposible namang di dumating si Yen because it's his love's party for pete's sake.

"The party will start in 5 minutes. Enjoy your stay."

Sabi nung emcee sa mic.

"Bakit ba wala pa si Yen?"

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now