CHAPTER 4

45 28 0
                                    

[Lance' POV]

Nanatili kaming parehong tahimik sa byahe. Ewan ko ba at nakokonsensya nga akong mas pinagod ko lang siya. Gusto ko lang naman marinig niya akong kumanta. Syempre para ipagmalaki ang maganda kong boses. Yun lang at wala ng ibang kahulugan pa. Ang nakakainis lang ay nakita ko kung gaano siyang kapagod sa trabaho. Hindi man lang siya pinagpahinga ng boss niya. Ni hindi man nga niya napansin na umalis na kami ni Yen.

Yen isn't my girlfriend. She's just a friend. Sadyang head over heels lang siya sakin. Di ko rin alam bakit but she's not my type. I told you, ayoko sa mga babaeng hinahabol-habol ako.

"Dyan nalang sa labas ng Village."

"Pwede kitang ihatid hanggang sa tapat niyo."

Pagpiprisinta ko.

"No, you can't."

"Why? Di naman yan private village."

Wala na siyang nagawa nang ipasok ko ang kotse ko sa village nila. Tsk. Para namang may gagawin ako sa bahay nila. Iba din mag-isip.

"Dito na. Dyan nalang sa gate na gray."

Nauna na siyang bumaba. Wala rin naman akong planong pagbuksan siya ng pinto. That's not my thing.

"Salamat sa paghatid. Pati sa pagkain. Ingat ka."

Pagkatapos non ay pumasok na siya sa gate nila. Hinintay ko pa muna siyang tuluyang makapasok bago ako umalis. Umuwi na ako matapos non imbis na dumaan pa sa hotel dahil di pa tapos ang performance namin. Tuwing hindi kami busy ay nagpeperform kami doon para malibang ang mga customers namin.

"Sir Lance, kanina pa kayo hinihintay ng kapatid ninyo."

"Sige po manang. Salamat."

Himala na sa isang taon ang hanapin ako ng ate ko kahit isang beses. Kahit kailan ay hindi ko nakasundo ang ate ko sa hindi ko malamang dahilan. Palagi siyang masungit sa akin. Palagi siyang ganoon.

"Bakit ang aga mo ata?"

"Gusto ko ng pahinga."

Sabi ko sa kanya nang di siya tinitignan.

"Anyway, I have a favor to ask."

"Ano yun?"

"Mom and Dad will be here soon."

"Then?"

"Ayokong makarating sa kanila lahat ng katarantaduhan mo. So better stop your creepy acts like kissing girls anytime you would want."

Yun lang at umakyat na siya. Napaupo ako sa sofa para makapagpahinga kahit sandali bago tuluyang maligo at matulog.

"Kringggg. Kringggg."

Walang anu-ano ay sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang caller.

"Sino 'to?"

"Gago ka pre. Miguel 'to. Nasan kana?"

"I forgot to tell. Umuwi na ako. I need rest."

"Ofcourse my dear friend. Nag-abang kalang naman sa labas ng restaurant na pinagtatrabauhan ni Angel for 3 fucking hours at nag-ala driver pa na sumundo sa kanya."

"Shut up Miguel."

"Iba na yan pre. Hahaha. Baka in--"

Pinutol ko na ang linya kahit di pa tapos ang sinasabi niya. Masyadong madaldal ang isang yun at kahit ano ay sinasabi kahit wala namang katuturan.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now