CHAPTER 15

12 2 0
                                    

[Annika's POV]

Nandito ako ngayon sa clubhouse nina Lance kasama si Zach. Well, nagpasama ako sa kanya para dalhin ang mga kailangan ni Lance dito.

"Do you think he's serious about Angel?"

Abala ako sa pagiscroll sa instagram nang bigla ay itanong ni Zach yon kaya napalingon ako sa kanya.

"I don't know."

Napapabuntong hininga kong sagot.

"Kaibigan ko na si Angel."

Tinignan ko din siya tsaka nagpatuloy.

"Ayokong masaktan siya kay Lance."

"Sa tingin mo, anong plano ni Lance bakit niya 'to ginagawa?"

Napaisip din ako sa puntong 'yon. To think of it, hindi ganun si Lance. Never siyang nagstick sa isang babae dahil kabi-kabilaan ang mga flings niya. Flings lang lahat yun according to him and still, no girlfriend since birth daw siya. Daw.

"Kung may plano man si Lance na hindi maganda kay Angel, ako mismo ang makakalaban niya."

Wika ko. Alam ko at nahahalata ko ang namumuong feelings ni Angel para kay Lance at kung sakaling hindi seryoso si Lance sa lahat ng mga pinapakita niya ay hindi ko na alam kung kakayanin ko pa siyang kaibiganin. Honestly, naiinis ako sa ganoong ugali niya. Ako man, naguguluhan sa pinapakita niya kay Angel. Hindi ko maipaliwanag kung ano at para saan lahat ng ginagawa niya.

"We will see the result after ng Tagaytay tour nila."

Wika ko nang nakangiti, iniiwasan ang tingin niya. Ilang saglit lang ay dumating na sina Lance at Angel. Sinalubong ko si Angel ng yakap at agad siyang kinausap habang nag-aayos ng ilang damit niya sa kwarto.

"Eto Angel. Magpalit kana."

Ibinigay ko ang isang simpleng dress na nakita ko sa mga pinamili nila at isinuggest agad na 'yun ang isuot niya.

"Nice. It suits you."

Nakangiti kong wika nang lumabas siya. Ipinasuot ko sa kanya ang isang pares ng flat sandals na babagay sa suot niya. Niyakap ko pa muna siya bago kami lumabas.

"Angel, please, as much as possible, wag na wag kang mahuhulog kay Lance."

"H-huh?"

"He's not good for your heart trust me. Siguraduhin mo muna na siya ang unang magmamahal bago ikaw."

"B-bakit mo 'to sinasabi sakin Annika? D-di ba mas matagal mo na siyang kaibigan?"

"Matagal ko na siyang kaibigan pero hanggang ngayon, pakiramdam ko di ko pa siya sobrang kilala. May mga nalalaman ako sa pamilya niya pero hindi yun sapat para masagot ang mga katanungan ko pa."

Hindi ko kasi talaga alam kung paano kikilalanin si Lance. May mga pagkakataong napakinggan ko ang mga magulang ko na pinag-uusapan sila pero hindi ko naman maintindihan.

*Flashback*

Pagkababa ko sa kotse ay dumeretso ako sa kwarto ng parents ko. Gusto ko sanang makita sila dahil pagod ako galing sa cafe.

"Aureus, hindi ba natin ikakasama kung susundin natin ang utos ni Liam?"

Boses 'yun ni mommy na kausap si daddy. Hindi ko gustong makinig sana sa kanila pero nanatili ako sa labas ng pinto.

"Kung di natin susundin si Liam, mapipilitan ang anak natin na magpanggap din sa katauhang di naman niya gugustuhin."

Pilit kong inuunawa ang lahat ng sinasabi ni Daddy pero hindi ko magawang intindihin.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now