CHAPTER 1

126 28 0
                                    

"WAAAAHHH!!! ANGEL!!!!!!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga matapos marinig ang malakas na pagsigaw na 'yon. Inaasahan ko na naman 'to lalo na't first day namin sa bago naming paaralan pero hindi ko inaasahang ganito kalakas ang magiging boses niya.

"OMG!!!!! EXCITED NAKOOOOO!!!!"

"Ayst. Bakit ka ba nandito?"

Tanong ko sa kanya dahil kadalasan ay naglalock naman ako ng kwarto at di siya nakakapasok.

"Duh. Di mo nilock ang room mo. Tsaka bangon na hoy."

Hinampas pa niya ako ng unan. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at talagang ganun nga siya kasabik dahil naka-uniform na siya samantalang alasais palang ng umaga.

"Bilis. Kilos na mahal na prinsesa. Breakfast is ready."

"Oo na. Labas na."

Wika ko at itinulak na siya palabas ng kwarto ko.

"Bilisan mo dyan, angel!"

Sigaw niya pang muli nang maisara ko na ang pintuan ng kwarto ko. Nagtungo na ako sa banyo upang gawin ang mga kailangan bago pumasok ng paaralan. Nasa 4th year high school na kami. Ito ang last year namin sa High School. Pero papasok kami sa bagong paaralan. Isang pribadong paaralan na tanging elites o mayayaman lamang ang nakakapasok. Well, may mga iba din namang di mayaman na nakakapasok doon gaya nalang namin. Pero sobrang taas ng kalidad ng paaralang iyon at kailangan mo munang maipasa ang entrance exam bago ka makapag-apply sa scholarship nila.

"Love Empire Academy."

Bigkas ko ng may ngiti sa labi matapos basahin ang pangalan ng logo na nakadikit sa school uniform namin. Noon pa mang bata ako, pangarap ko ng makapasok sa paaralang ito. Ngunit dahil walang sapat na pera ay sinubukan nalang namin ang scholarship application na isa sa mga requirements ay dapat na 95 lahat ng grades mo sa mga subjects. At nung 3rd year lang namin yun nagawa ni Krissha. Palibhasa'y kinaiinisan kami ng mga guro kaya noong 3rd year lang kami nagkaroon ng ganoong mga grado.

"Breakfast is ready. Here. Let's eat."

Wika ni Krissha. Si Krissha ay isang kaibigan mula pa pagkabata. Siya ang kasama ko sa bahay. Bahay NILA. Bata palang ako, namatay na ang nanay ko. Bestfriend naman ng nanay ko ang mama ni Krissha kaya sa kanya raw ako pinaampon. 3months palang daw ako nung iwan ako ng mama ko sa mama ni Krissha. Ganunpaman, hindi naman daw ako hinanap ng tunay kong tatay. Nasa Laguna daw kasi sina tita nung ibigay ako ng nanay ko at hindi na mabalikan. Ilang buwan matapos akong iwan sa kanila, nabalitaan naman nilang namatay si mama sa isang car accident. Basta ang alam daw ni Tita ay sa Love Empire Academy nagkakilala ang mga magulang ko. Kaya nga ako pumasok sa school na 'to.

"OMGGGG!!!! Here we go!!!!!!"

Syempre tili na naman 'yan ng kaibigan ko habang naglalakad na kami papasok ng academy. Jusko. Daig pa niya lagi ang megaphone sa kaingayan ng bibig niya. Nasanay nalang din ako at minsan ay nahahawa pa sa kadaldalan niya.

"Parang mas excited kapa kaysa sakin Krissh. Alam ko ako may pangarap neto a?"

Nangingiti kong wika sa kanya.

"Ano kaba Angel. Pangarap ko na din 'to duhhhh. Grabe. Imagine, para na tayong rich kids neto. hihihi."

"Ikaw, mayaman ka naman talaga e. Biruin mo, parehong nasa Japan ang parents mo."

"Duhhhh. Parents natin Angel. NATIN."

"Hahaha. Ano ko? Adopted child?"

"Ay ewan ko ba sayo."

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now