Astrid's POV.
(Alicia Elizabeth Astrid Hermansson)
"Anong itsura 'yan?" Si Babs.
"Maganda? Hindi pa ba halata?"
"Teka kailan ka pa nagpa-kulay ng blonde? Ang lakas ng tama mo hahaha sa mismong anit lang blonde?" Napa-tingin ako kay Babs. Humahaba na pala ulit buhok ko.
Ang buhok ko kay hanggang puwetan pinakulayan ko lang ng brown tapos ngayon humaba na pala ulit kaya lumalabas yung tunay na kulay ng buhok ko.
"Ah hahaha bagay ba?" Tanong ko na lang.
"Infairness nag-mukang may lahi ka" sagot ni Babs. Tumango na lang ako.
"Babs may yosi ka ba diyan? Init na init bunganga ko o. Gusto na ng yosi" bulong ko.
"Nako, Alicia huwag mo nga akong idamay sa kagaguhan mo" sabi niya lang at nag-sulat.
Banggitin ba naman ang first name ko? Haystt nakaka-tanda.
"Andrea" sabi ko nang sagutin niya ang tawag.
"You are in the middle of the class, Min dam. How can you use your phone?" Napa-irap na lang ako kay Andrea.
"Andrea we have a what we called 'recess'. So can you buy for me———"
"Your mamma and pappa knew about your smoking——"
"What? How———"
"Yhuenick" agad kong pinatay ang tawag. Ahh bullshit. Hindi ko naman alam na strikto pala yun e. Wala na'kong yosi. Broken hearted na'ko. Nakaka-inis.
"Oh mukang pinag-sakluban ang langit at lupa ang muka mo ha" si Babs.
"Malamang katabi kita e, langit ako at lupa ka" sabi ko na lang at yumuko.
———*———
Naglalakad ako pa room nang may bumangga sa'kin kaya nadapa ako.
"Sorry 'di ko sinasadya" kukunin niya sana yung kamay ko nang ilayo ko yun sa kaniya at kusang tumayo.
Matalim ko silang tinitigang dalawa.
"Binangga mo'ko at sinadya mo yun." Inis na sabi ko at tinitigan sila mula ulo hanggang paa.
"Miss nag-sorry na nga si Atasha e 'di ba?" Mataray na sabi nung kasama niya.
Ah ito pala si Atasha ang girlfriend ng boyfriend ko.
"Kung may nagagawa ang sorry bakit may kulungan pa?" Maka-hulugang sabi ko. Tinitigan ko si Atasha na binangga ako. "Kung babanggain mo'ko huwag ka nang umarte na hindi mo sinadya kasi baka kapag kumilos 'tong kamay ko bigla kang dalhin sa ospital tapos sasabihin ko e hindi ko naman sinasadya" sabi ko at binangga siya at umalis na.
Ano ba 'yan? Waley yung rebat ko nakakainis.
Nakakaurat siya ang lakas niya akong banggain. Anong akala niya mataas siya? Bakit isa ba siyang reyna? Punyeta siya.
"Hoy—"
"Tama na, Sharine" rinig kong awat ni Atasha sa kaibigan niya. Humarap ako sa kanila tapos pinaky* sila.
———*———
"Gaga ka, kalat na kalat yung ginawa mo kay Atasha. Pinaky* mo sila ni Sharine. Hindi ka naman daw binangga pero nakipag-away ka" syempre si Babs.
"Hindi naman nila naramdaman kaya huwag silang mag-salita" ako.
"Gaga isang sikat na model sa school si Atasha"
YOU ARE READING
Earnest Love
RandomYhuenick Helther a famous, handsome, sheepish, rugged and quiet man. Astrid Hermansson is a talkative, brash woman, often verbally abusive. The two are quite different. Will it be a hindrance to how they feel? Will they be happy when they are to...