Kabanata 2

9 6 2
                                    

July 26, 2019
Entry #03

Dear Diary,

At the age of 4 I got my first crush. He was Kaizer. Ahead sya sa aking ng 3 years pero late sya nag school. Akala ko kaklase nya si Kuya Son pero hindi pala. They were just friend kasi friend yung both Mama nila.

He was my first crush yet He also become one of the reason why I got this believe.

"No landi kasi Bata pa"

Grade 1 na ako. Before dun ako sa Daycare. Malayo sa school nila kuya Gjay at Kuya Son pero ngayon dun na din ako nag school. Nalate ako ng paenroll kasi nagtry ako mag school sa private sa bayan eh nakakatakot pala. Iyak ako ng iyak kasi ayaw kong mawaglit si Mommy sa akin. So they decided na sa Barangay nalang namin. May elementary school naman dito kasi dun din nag aaral mga pinsan ko.

One week na akong late kaya imbes na first section eh napunta ako sa section B. Two section lang ang meton sa school na ito.

So there. Maayos naman kasi medyo kaklase ko din yung ibang schoolmates ko nung kinder. Medyo nakakatuwa. Naglalaro kami ng Pogs nung may mga lumapit sa amin. Yung mga makukulit kong kaklase na mahilig mambully. Kinuha nila yung laruan kong Pogs na madami tas tumakbo sila. Sa inis ko nakipaghabulan din ako. Nakakaasar.

Yung isang kaklase ko kinuhanan din ayun umiiyak. Susumbong daw sila sa Papa nya pero ako? Imbes na umiyak kahit medyo naiiyak nga ako eh hinabol ko talaga sila. Nung nahblot ko yung isa eh sinapak ko sa mukha kaya umiyak. Nakuha ko naman yung pogs ko. Kaso umiyak na ng umiyak yung nasapak ko. Mabilis akong tumakbo at baka pagalitan ako ng mga Titser ko kaya ilang beses na akong may nabangga kasi Recess time na. Yung ilang takbo nalang layo nung room namin saka naman ako nadapa.

"Ouchh" nasaktan ako. Nasugat yung tuhod ko. Dumudugo na ito kaya naiiyak na talaga ako.

"Okey kalang?" biglang may nagtanong sa harap ko.

Si Kaizer.

"Hi. Kaizer remember? Yung sa putikan? " nag nod naman ako dito.

"Okey kalang Pam-Pam? " Tanong nito. Inakay nya ako papuntang classroom.

"Huwag ka kasi tatakbo yan tuloy may sugat ka. Sabihin natin sa Titser mo para sya nalang mag gamot"

"O-okey lang ako. Mawawala rin yung hapdi nyan mamaya." Sabi ko dito.

Tinanguan lang ako nito tas may kinuha sya sa may bag nya. Yung baon nyang OK Laki tas hansel na biscuit.

"Share tayo" sabi nito. Syempre pagkain kaya wala ng hiya hiya. Pinagsaluhan namin yung baon nya.

Nag time na kaya umalis na ito. Grade 2 lang pala sya pero he was 3 years older than me. Tulad ng sabi ko kanina nalate pala sya ng pagschool.

Paikaika akong umuwi sa bahay. Konting lakad lang naman yun.
Kasabay ko din mga Pinsan ko pauwi.

Pagdating sa bahay eh binaba ko yung bag ko tas uminom ako ng tubig tas lalabas ulit kasi makikipaglaro ako kila Kuya Son mag bihis lang ako.

Masaya ako ngayon kasi ang bait ni Kaizer. So bait nya.

"Anyare sa tuhod mo Pam? " Tanong ni Mommy sa akin habang nagbibihis ako.

"Nadapa po ako kasi hinabol ko yung kumuha ng Pogs ko" sabi ko dito.

"Asan ba yang Pogs mo na yan? Akin na nga at susunugin ko? Dahil dyan ata mapapaway ka? "

"Ito naman si Mama. Maliit lang yan tsaka talo ako kaya ubos na Pogs ko."

"Hay nakong bata ka." Sabi nito sa akin

"Lub you Mommy" sabi ko dito then kiss sabay takbo.

Lumabas ako at nakipag laro kila kuya Son. Nag OnceUponATime sila kaya nakisali rin ako.

"One upon a time, is a valentine so anong pangalan ng first love mo?" Ayun sapol sa akin.

"First letter ng crush Pam." Sabi ni Ate G.

"K" sabi ko naman.

"A,B,C,D,.....J,K" ayun sapol ulit sa akin.

"Truth or dare" sabi naman nila kuya Son sa akin.

"Truth nalang" sabi ko naman.

"Sino crush mo? " Tanong naman nila.

Syempre bata pa ako kaya wala hiyahiya kong sinabing si
"Kaizer" sabi ko dito.

Ayun niloko ako nila kuya Son. Sobrang loko na umalis nalang ako sa laro tas umuwi. Syempre dun ko naramdaman yung hiya. Kaiinis. Kakahiya.

Ilang days din akong niloko nila kuya Son. Sa tuwing nasa School eh niloloko nila ako kay Kaizer kaya nahihiya na akong lumapit dito. Syempre baka alam na nya kaya nakakahiya. Iniwasan ko na talaga sya.

"Pam!" Sigaw ni Kaizer sa akin.

Pero imbes na lumapit ayun nagtatakbo ako. Narinig ko yung pagtawag nya pa sa akin pero tuloy tuloy lang ako.

Dina ako lumabas at nanuod nalang ng Tv. Rinig ko kila Mommy na may papasok na naman na Bagyo kaya imbes na matakot ayun natutuwa na naman ako. Kahit medyo inis ako kila kuya Son eh exited parin ako kasi lilikas ulit sila.

"Signal #3 Cagayan, Aurora, Isabela, Neuva Viscaya,...etc" yan ang naririnig ko sa TV.

Signal Number 3 kami. Ewan ko kung malakas ba yun o mahina eh number 3 lang naman. Baka parang sa electric fun.

"Ah basta..." Basta malamig at may bagyo.

Umakyat ako sa kwarto ko. Sinilip ko yung bintana. Unti unting lumalakas na nga ang bugso ng hangin. Tapos medyo umuulan pa.

Nakita kong papunta na sila Kuya Son dito sa bahay kaya dali dali akong bumaba.

"Kuya! " Sigaw ko sa mga ito.

"Pam" balik tugon nan ni ate G.

"Kaizer" bulong naman ni kuya Son.

Nagdila lang naman ako dito. Matapos mag ayos ng nilikas na gamit nila kuya Son eh diretso na kami sa sala.  Niloloko ako nila kuya Son kay Kaizer kaya imbes na mag stay sa sala eh pumunta nalang ako sa kitchen at nanuod kay Mommy sa pagluto nito ng hapunan.

Ramdam na sa palagid ang malakas na hangin at ang pagtunig ng mga nababaklas na yero. Lumalakas na rin ang ulan at may kasama pa itong kidlat at pagkulog.

"Hi Tita. Kuhanlang po ng tubig" Sabi ni kuya Son kay mommy.

Binelatan ko ito.

"Kaizer..." sabi naman nito...kahit kailan talaga ang childish ni kuya Son .

"Sino si Kaizer? " Tanong naman ni Mommy.

At dahil dakilang madaldal si Kuya son eh ayun nasabi nya.

"Crush po nitong si Pam-Pam. Iyon pong anak ng mga Almadovar." Sabi nito at mabilis tumakbo.

"Bwisit ka Kuya Son!" Sigaw ko dito.

Tinampal naman ni Mommy bunga-nga ko.

"Hoy Azalea Palmolive! Yan naba natututunan mo sa School? Ke bata bata mo pa ah?" Singhal ni Mommy sa akin.

Nahiya ako. Napayuko.

"At anong crush crush? Eh, ilang taon ka palang? Grade 1 palang tapos may crush na? Mag aral ka muna. Ni hindi mo pa nga alam hugasan ang pwet mo pag tumatae eh may crush ka na ha?!"
Pagsermon ni Mommy na naging kasabay ng malakas na kulog. Pakiramdam ko nabuhusan akong ng malamig na tubig. Hiyang hiya ako. Sobra .

Ayun na. Wala na. Sa maagang edad finish na. Yung kaisipang Crush? Ayun naging nakakahiya para sa akin. Nahiya ako ng sobra. Grabe yung puso ko nawasak, napiga, at durog na durog.

Kaya sa murang edad, natatak talaga sa kokote ko na aral muna bago crush at higit sa lahat

Gawin ito sikreto na bawal malaman ninoman.

PS. Dont forget to Follow, Vote, Comment and SHARE

sinong gusto mag padedicate just comment down and indicate your feedback about the chapter..Thankyou

Diary ng KakaibaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon