August 3, 2019
Entry #04Dear Diary,
Birthday ng kaklase ko. Wala lang, hindi naman ako inimbitahan kasi medyo may tampo sya sa akin. Matagal narin kaming magkakasama since elementary Days pero ngayon stranger na kami. Ewan ko kung sino may kasalan, ako ba? O sya? Kasalan ko bang mas pinili kong isipin na ayaw kong nalilink ako? Baka kasi mapahiya sya pag narinig nya yung sinasabi ng iba. Ewan ko kung ano pero nagtampo sya kasi feeling nya nagmamagaling na ako. Napasali na sa linya ng mga First section na mayabang. Nakakalungkot kasi sila talaga yung kaibigan ko pero ayun, dahil mas pinili ko atang isipin ang sasabihin ng iba kaya namisinterpret nya..
Ewan ko na talaga....
Grade 2 na ako. Naging first section na. Medyo naging boyish na galawan ko ewan ko kung bakit. Ayaw ko na kasi nagkakaroon ako ng crush o may roong nag kakacrush sa akin kasi nabwibwisit na ako. Tumatak ata talaga yung mga salita ni Mommy. I know strict sya sometimes...ay mali all the time pala pero kahit ganun love ko yun. Mother knows best ika nga nila. Yun yung nakita kong kasabihan na nakadikit sa pader eh. Kasama yung Honesty is the best Policy.
Dito sa Grade 2 marami na akong nakilala at naging kaibigan. Mga kaklase ko rin sila nung kinder pero nahiwalay kasi Section B ako nun.
"May naka upo?" Tanong sa akin ng batang lalaki. Ang alam ko kaklase ata ito ni Kaizer dati pero hindi ako sure.
"Wala. " Sabi ko dito. Nagtataka ako kasi asa room na kami pero sya andito nakaupo. Repeater ba sya?
"Good morning Maam Amy Tab-le" pagbati namin ng pumasok ang teacher namin.
"Goodmorning . You may now sit."
Nagpakilala kami. Yung iba kilala ko pero yung iba hindi. Tulad nitong katabi ko. Sya pala Si Nathan. Repeater sya kasi kaedad namin sya. Yung ang sabi ni maam. Pagkatapos naming mag pakilala eh nag recess na. Ayaw kong may recess kaya nag paiwan ako. Niyaya ako nung mga kaibigan ko pero ayaw ko. Ewan ,maiipon ako. Gusto kong bumili nung kwintas na pantaboy sa mangkukulam. Ewan ko kung totoo pero ang ganda kasi kaya bibili ako nun.
Tulad ko rin pala ay hindi rin umalis sa upuan si Nathan. Lumingon ito sa akin. Syempre nginitian ko sya. Ewan ko pero medyo feeling close aya kaya inilapit nya yung seat nya sa akin.
"Hi. Ako si Nathan."
"Azalea Palmolive pero Pam-Pam nalang."
"Dika mag rerecess Pam? " Tanong nito.
"hindi...nagiipon kasi ako." Sabi ko dito.
"Ano ba bibilin mo?" Tanong nito sa akin.
"Ano, yung pantaboy mangkukulam. Alam mo yung maliit na bote na may glitters sa loob? Gusto nun. Bibili ako bukas." Sabi ko dito.Ngumiti lang ito sa akin.
Natapos ang buong araw. Pauwi na kami. Nakasabay ko si Nathan. Dun lang pala yung bahay nila. Nadadaanan ko pauwi. Natandaan ko rin na yung pinsan ko na si Arien eh si Nathan nga ata pala yung crush nun. Pero diko na sinabi.
Umaga na. Papasok na naman. Ilang linggo narin ang nakalipas. Nagkaroon na ng kaibigan si Nathan kaya medyo di na sya sumasama sa akin pero tingin ko ako lang ang medyo close nya sa babae. Tinanong ko din minsan si Kaizer sa kanya. Kinukwentuhan nya ako tungkol sa kanya minsan pero ewan ko, nainis na ata dahil palaging si Kaizer ang pinagkwekwentuhan namin kaya minsan tamad na syang makipag usap.
Si Kaizer naman ay hindi na lumalapit. Pero minsan kapag nakikita ko sya kumakaway sya sa akin o kaya tinatanguan nya ako. Hanggang duon nalang. Dahil ata sa hindi ko na paglapit gaano ay nawala narin medyo yung pagkakacrush ko sa kanya.
Hapon na. Malapit na uwian namin. Ilang minuto nalang. Wala yung Titser namin kasi nag meryenda sya. Nagpasulat yung pinagawa nya eh mabilis ako magsulat kaya natapos ko agad. Naghihintay nalang akong tumunog ang bell.
"Psst.." sitsit sa akin.
Si Nathan pala yun. Diko napansin na kanina pa din pala sya tapos.
"Bakit?" Tanong ko dito.
"Tapos ka na? " Tanong nito.
"Oo" sagot ko naman.
Nag ring na yung bell. Naaayos na ako ng gamit ng may ilapag si Nathan sa harap ko. Yung gusto kong kwintas.
"Sayo na." Sabi nito tas umalis na.
Napatanga ako. Seryoso? Bibili na nga dapat ako ngayon kaso may aso dun sa tindahan kaya hindi nalang muna at mag papasama nalang ako sa mga pinsan ko pero ayun binigyan nya ako.
"Thankyouuu!" Sigaw ko dito.
Umuwi akong suot suot yung kwintas. Yes , meron na ako. Ang cute nito sobra.
Kinabukasan ay nag pasama nga ako kila kuya Gjay at Son bumili ng Kwintas. Sabi nga nila sa akin eh bakit daw bibili pa ako eh meron naman na ako. Syempre sabi ko gusto ko lang. Kaya dina sila nagtanong.
Bumili ako. Kulay blue. Yung akin Pink. Yun yung binigay ni Nathan. Kaya Blue yung pinili ko kasi bibilhan ko rin sya.
"Nathan!" Sigaw ko dito.
Naglalaro sila ng Text.
"Bakit?" Sabi nito.
"Ito. Para sa iyo" sabi ko dito.
Narinig ata ng mga kaklase namin kaya niloko nila kami. Natrauma na nga ata ako kay Mama kaya imbes na manahimik nalang kasi loko loko lang naman yun eh talagang nag defend ako.
"Anong crush? Hindi kaya. Pinabibigay sa akin yo ni Arien...tama, Si Arien, bigay nya to." Depensa ko.
Okey lang kahit hindi nila malaman na sa akin talaga yun basta huwag lang akong lokohin na may crush ako at baka malaman ni Mommy. Baka makarating kila kuya Son eh daldalera pamandin yung dalawang yun.
Grade 3 na kami. Kung noon eh sobrang close kami ni Nathan, sa paglipas ng panahon eh medyo binawasan ko na yung pagdikit dikit ko sa kanya.
May transferee kaming kaklase. Raze yung pangalan. Sobrang pogi. As in. Kilala na sya dati ng mga kaklase ko pero ako hindi pa.
Ewan ko kung anong pumasok sa kokote ko pero mas pinili kong isipin ng mga kaklase ko na crush ko si Raze para hindi na ako malink kay Nathan.
Si Raze. Si Raze. Si Raze.
Putspa landi.
BINABASA MO ANG
Diary ng Kakaiba
RandomNaranasan mo bang magsulat ng Diary mo? Yung ilalagay mo pa yung mga kilig moments nyo ng Crush mo tapos yung mga unforgettable experience na nangyari sayo. Kung isa ka rin sa mga nagsusulat ng Diary simula noon hanggang ngayon, pwes hindi ka nagiis...