Kabanata 10

1 1 0
                                    

January 7, 2021
Entry #11

Dear Diary,

Second semester na. Tulad ng dati ay patuloy na humihirap ang bawat subjects namin. Pero tulad ng pag hirap na ito ay ang pagiging komplikado ng lovelife ko. Komplikado pa sa komplikado.

"Jake, tara na...hayaan mo na yan" pag pigil ko dito. Kung hindi ko sya pipigilan ay makikipag away talaga ito.

" Gago to eh! " Namumula na ito sa galit.

"Okey lang naman ako...hindi naman ako nasaktan"

"Paano kung nasaktan ka? Hihintayin ko pa ba yun? " Hindi na nito napigilan ang pag taas ng boses.

Okey lang sana kung nag amok ng suntok ang kaaway nito ang kaso natamaan lang kasi ako ng bola ng soccer. Hindi naman masakit pero ang OA kasi nya.

"Bahala ka nga..." binalingan ko ang kawawang player." Pasensya na a? OA kasi itong kasama ko. Hindi naman ako nasaktan kaya okey lang" I said. Tumango lang ito at yun na yung hudyat at umalis na ako. Iniwan ko si Jake duon.

"The fuck Pam? OA? Pinahiya mo ako duon..." he angrily said.

Mas binilisan ko lang ang lakad ko.

"Ikaw na nga pinagtatanggol aarte ka pa."  Nagpanting ang tenga ko.

"Eh, siraulo ka pala eh, sinabi ko bang ipagtanggol mo ako? Alam mo kung ganyan ka lang rin magrereact sa lahat ng bagay ay mabuti ng huwag mo nalang akong samahan." Hindi ko na talaga na pigilan.

Nanliligaw pa lang sya pero kung umasta ito ay parang paga-ari na nya ako. Hindi lang ito ang una naming away. Nasasakal kasi ako. Nakakasakal na rin.

" Pasenya na Jake, pero please itigil mo na. Noon pa man ay nilinaw ko ng wala talaga." I said as I start walking out. Hindi nya ako sinundan at mas mabuti na yun kaysa magusap ulit kami.

Yes, maybe it was really my fault. Hindi siguro naging sapat at pagpapatigil ko dito. Maybe he think na hinahayaan ko lang sya. Oo at hinahayaan ko lang sya since I know deep inside ay itinuring ko na syang kaibigan and I dont want to lose a friend again. Pero sa kabila ng lahat, alam kong umasa sya at kasalanan ko iyon.

Lulugo-lugo akong umupo sa pinakamalapit na lilim ng puno malapit sa field. Malalim na buntong hininga ang tanging naiuusal ko habang pinagmamasdan ang mga naglalaro sa buong oval.

"Mukhang malalim ang problema natin ah" agad naman akong napalingon sa nag salita.

"K-kaizer?"

"Ako nga, batang putik.." he gladly said.

"Siraulo."

"So, bakit mukhang pinagbagsakan ka ng langit?" Nagtatakang tanong nito kasabay ng pagupo nya sa aking tabi.

"Wala. Pagod lang." Pagsisinungaling ko dito. " Ikaw? Dito ka na nag-aaral?"

Dati kasi ay sa isang private university ito nag aaral. Ngayon ngayon ko na nga lang sya nakita ulit.

"Oo, nagtransfer ako dahil bukod sa mahal ang tuition ay wala naman akong napapala duon"

Naging mahaba ang usapan namin. Tulad noon ay makulit at madaldal parin ito. Hindi mawawala ang pagngiti nito palagi. Ilang interaksyon lang ang nagawa namin noon subalit parang may malaking koneksyon parin sa amin... Hay, naalala ko tuloy yung noong crush ko pa sya na naging epic fail.

"Sige, mauna na ako dahil may klase pang susunod." Pag papaalam ko dito.

"Sige...ahm, kita nalang tayo sa susunod"

"Sige." Naglalakad na ako ng tinawag ako nito.

"Palmolive!" Lumingon ako dito habang patakbo naman itong lumapit sa akin.

"A, ano kasi..." hinawakan nya ang batok nito at medyo hindi makatingin sa akin. "Ano...pede ko bang hingin number mo? "

"Sus, yun lang pala...sige sige....akin na phone mo at itype ko nalang" binigay naman nito ang phone nya. I just save my number and we just bid goodbye at umalis na ako.

Pagkarating ko sa room ay nabungaran ko si Jake na nakakunot ang noo sa akin.

"San ka galing? Kanina pa kita hinahanap."

"Dyan lang sa tabi tabi." Walang gana kong sagot. Medyo nawala ang pagkakairita nito ng makitang mas nabwibwisit ako sa kanya.

" Sorry na Pam..alam mo namang nag aalala lang ako eh" he said.

"Just, please Jake..next time ilugar mo naman." I said kasabay ng buntong hininga." Dati ko pa sayong sinabi, hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko." Dumating na ang prof namin kaya malungkot itong bumalik sa upuan nya.

Maybe I really need to say that para matigil na sya. The more na magpatuloy ito ay alam kong masasaktan lang sya. My heart is belong to someone at hindi si Jake iyon. Kaya habang maaga ay kailangan ko nang ipaintindi yun.
.......

Ps. Eyyy baka nemen, i tap mo naman yung star button tas comment ka na rin bebe...salaamt ng marami.

Follow, Votes, comment and Share

Diary ng KakaibaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon