December 31, 2020
Entry #10Dear Diary,
Ilang buwan ko din palang hindi ako na kapag sulat. Sobrang busy kasi ng college. Alam mo yung may kailangang iretain na grade kaya bawal ang tatamad-tamad. Kung hindi pa ako nag general cleaning dito sa kwarto ko ay baka next year pa ako makakapag sulat. Grabeng maka next year eh ilang oras nalang naman bago new year.
Pero hindi lang ang college ang nag pa buang sa akin. My goodness, ang complicated pala maligawan. Nakaka stress... Mamayang new year talaga tatalon ako ng mataas tapos iwawasiwas ko lahat ng malas.
"Class don't forget to review. Midterm na so you need to work hard."
Paulit-ulit na bilin yan ng mga prof namin. Sobrang pressure na kami sa school. As an accountancy students sobrang taas ng standard. Bukod sa sobrang hirap na mga major subjects na dinagdagan pa ng minor subjects ay meron pang retention grade. Kapag bumaba duon ay makikick kami sa course na to. Hindi ko na nga alam kung paano ko pagsasabayin lahat.
"Pam, nagugutom ka na? Tara na kain." yaya ni Jake.
Kakatapos lang ng klase namin at mamayang after lunch pa ang next. Bukod sa sobrang nakakapagod na klase, isa pang nagpapagulo sa akin si Jake. Simula ng college ay nag start na syang manligaw sa akin. Nuong sinabi nya ito ay akala ko joke time lang kaya hindi ako naniniwala pero nung nag start na syang laging nakabuntot sa akin ay totoo na nga. Sabi ko pa nga, baka magalit si Feona kaya todo iwas at pag tanggi ko sa kanya pero sobrang tigas ng ulo nya.
"Pwede ba Jake, sinabi ko na sayong walang pag-asa, hindi tayo talo" Paulit ulit lang ang sinasabi ko dito.
"Just let me," he said. Ayaw ko nang mas lalong istress ang sarili kaya hinayaan ko na. Alam din ni Feona na nanliligaw si Jake pero okey lang naman. Feona is no longer head over heels to Jake. May boyfriend na rin ito.
Sabay kaming kumain at sabay na rin kaming nag punta ng library. Siguro kaya hinahayaan ko nalang sya ay dahil nasanay na rin ako sa presensya nito. Nagtutulungan rin kami sa lesson namin sa mga major namin dahil same naman kami ng course.
...
Tapos na yung klase ngayong araw. Sobrang tagal ng oras kapag na sa loob ng room pero kapag uwian na sobrang bilis ng oras. Haisst.
"Hatid na kita Pam,"
"Jake, sobrang layo ng amin sa inyo. Magsasayang kalang ng gas."
"Pero paulan na oh...baka wala kang masakyan pauwi. Hatid na kita." Pagpilit nito.
"Jake, tara na!" Sigaw ng mga barkada nito.
"Wait lang..."
"Pam, tara na... "
"Punta ka na, tinatawag ka na nila Toni. Alam kong ngayon yung meeting nyo sa Contempt kaya punta ka na."
Gusto nya parin akong ihatid pero hindi talaga ako sumuko.
"Tss...okey then...text mo ako ah..kapag nakauwi ka na." He said in defeat.
Umalis na ang mga ito. Medyo kumukulimlim na nga at nagbabadya na ang ulan kaya dagsaan ang mga estudyante sa pag uwi. Sobrang tumal pa ng tricycle sa building dahil karamihan ay naglalakad kaya inabot na ako ng dilim na wala pang masakyan.
"Bwisit naman oh.." frustrated na talaga ako. Nakakatakot na kasi madilim na tas sobrang lumalakas na yung hangin tapos pumapatak na yung ulan. Takot pa mandin ako sa multo. Nabwibwisit na talaga ako. Baka mamaya eh yakapin ako ng multo.
Kaya nung nakakita ako ng kotse na parating ay walang pagdadalawang isip na hinarang ko na ito. Kahit magmukha akong tanga. Kung prof man ito o what so ever bahala na. Sana huwag lang akong mapahamak.
"Para po...para" huminto ito. Lumapit ako dito at kumatok ng walang tigil sa bintana nito. Lumalakas na ang pagpatak ng ulan kaya unti unti na akkng nababasa.
Nag slow mo ang pagbaba ng bintana nito. Yung mga mata nyang sobrang lalim kung tumingin....His pointed nose and his jawline..
" Get in.." he said. Walang mababahid na emosyon dito. Just a small smirk on his sexy lips at kaunting pagdikit ng maganda nitong kilay.
"Thankyou..." I hurriedly open his car pero ayaw bumukas nung pinto sa likod.
"Dito ka." He said as he point his other side. Hindi sa likod.
Mabilis akong tumakbo dito at pumasok.
"Sorry sa abala at pasensya ka na kasi medyo basa na itong sit mo." I said pagkaupong-pagkaupo ko palang sa upuan ng kotse. I felt so cold kasi medyo basa na yung shirt ko at tumatama pa sa akin ang aircon ng kotse.
"It's okey."
Pinaandar nya na yung kotse na at umusad na kami.
"S-sa ba-baan nalang a-ko. Duon sa paradahan ng t-ricy..." shit...bat ba ako nauutal.
Tumango lang ito sa akin. Hininaan nito ang aircon. Gumalaw ito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko...
Gumalaw pala ito dahil may kinuha sya sa likod ng kotse nya.
"Here.." he said as he give me a gray sweat shirt.
"O-okey lang ako....nakakahiya kasi baka mabasa y-yan.."
"Just wear it."
I dont have choice but to wear it. Baka sabihin nya maarte ako at nagmamagandang loob na nga sya pero choosy pa ako.
Medyo maluwag ito dahil alam kong well toned ang katawan nito but then thanks sa sweat shirt nito at naibsan ang panlalamig ko.
Grabe. Sobrang gwapo talaga nya. Way back when we are in the last year ng senior high ay pinagkakaguluhan na sya. Ewan ko kung sila pa ni Shia kasi kahit kailan hindi na kami nagkaroon ng interaksyon bukod sa acquintance noon at sa pag add friend nya sa akin sa facebook na inignore ko. Sobrang takang taka ako noon kung bakit pero inisip ko nalang baka na mali sya ng pindot o kaya dummy account lang yun. Wala kasing gaanong post doon bukod sa profile nya na may maraming likes and reaction at sa cover photo nitong nakatalikod. He and Shia became the couple of the year noon. Shia is beautiful also kaya bagay na bagay talaga sila.
Nakalabas na kami sa gate ng school at malapit na kami sa paradahan ng tricy.
"D-dyan nalang ako.."
Nang nakarating kami duon ay intinabi nya yung kotse nya.
"T-thankyou...ahm.. ibalik ko nalang itong shirt kapag nagkita tayo..."
"Its okey. Sayo na yan." Matigas nitong sabi.
Alam ko ng sobrang sungit nito pero hindi ko parin maiwasang mapaismid. Grabe, napilitan lang siguro talaga ito. Diring diri na siguro ito sa akin. Hindi manlang nakuha yung dapat na katangian ng pangalan nya. Sobrang kabaliktaran sya.
"Ahm...okey... i-ingat ka sa byahe..t-thankyou again... Angelo..." I said as I open the door at mabilis na akong nagtatakbo sa silong ng paradahan.
Tinignan ko ang kotse nito pero hindi nya parin pinaandar ito. Ilang minuto lang ang itinagal ng pila kung kayat paalis na kami't lahat lahat ay sa ka palang rin gumalaw ang kotse nito. Narinig ko nalang ang busina nito at mabilis na pagharurot paalis.

BINABASA MO ANG
Diary ng Kakaiba
RandomNaranasan mo bang magsulat ng Diary mo? Yung ilalagay mo pa yung mga kilig moments nyo ng Crush mo tapos yung mga unforgettable experience na nangyari sayo. Kung isa ka rin sa mga nagsusulat ng Diary simula noon hanggang ngayon, pwes hindi ka nagiis...