Kabanata 11

1 0 0
                                    

February 14, 2021
Entry #12

Dear Diary,

Sabi nila masaya ang araw ng mga puso. Hindi nga iyon kasinungalingan. Para siguro sa mga bitter, pangit ang araw na ito, pero sa mga may lovelife at magkakaroon ng lovelife ay masaya. Baka best day pa nga. Kung nuon ay parang normal lang na araw pero ngayon, sa pag daan pala ng panahon ay mag-iiba ang pananaw ko dito.

Busy ang lahat. Bukod sa walang klase ay may gaganaping event sa gym dahil sa valentines day. Kita mo sa ningning ng mga mata ng bawat estudyante ang exitement. Kung noon ay bitter ako dito, ngayon ay hindi ko ittanggi na naeexite din ako.

"Pam, sama ka sa akin" Nina said as she grab my left arm and start walking. She was one of my classmates.

"Ha? Bakit? Anong meron?" Naguguluhan kong tanong dito. 

Dinala nya ako sa may mini stage na nasa gitna ng pathway. Ang mga ka block ko ay parang kinikilig at todo ang ngiti.

Iniwan ako ni Nina sa stage at kasabay ng pagalis nya ang paglabas naman ni Jake galing sa likod. May hawak itong palunpon ng bulaklak. Todo ngiti ito.

Malinaw at kumpleto ang sinabi ko sa kanyang tumigil na sya pero sobrang tigas ng ulo ni Jake. Napakakulit. Maybe kung sa iba mahuhulog talaga ang loob mo dahil hindi lang matalino, charming at confident si Jake. Hindi naman maipagkakailang magandang lalaki ito.

"Hi, Pam....flowers for you" binigay nito ang bulaklak. Ayaw ko sanang kunin dahil kapag kinuha ko ito ay iba ang iisipin nya pero hindi ko naman gustong mapahiya sya.

"Jake...please..itigil mo na ito" sabi ko ng kami lang ang nakakarinig. Natabunan ng hiyawan ang palagid ng inabot ko ang bulaklak.

Tinitigan ko sya na nagpapahiwatig na itigil na ito pero iniwas nya lang ang kanyang paningin. Alam kong alam nya ang aking pinapahiwatig pero tinutuloy parin nya dahil alam nyang hindi ko sya ipapahiya.

Lumuhod ito sa aking harapan. Mas lumakas naman ang hiyawan ng mga tao pero imbes na kiligin ay awa ang aking nararamdaman. Hindi na to sa kung ano ang nararamdaman ni Jake. Kaya hindi ko rin sya sinasagot ay dahil tungkol na ito sa natatapakan nyang ego. Alam ko na challenge lang ito kay Jake.

"Will you be my girlfriend Pam?" Pero imbes na sagutin ay hinila ko nalang ito malayo sa ibang tao. Alam kong nagbubulungan na sila dahil sa pagalis namin pero kung hindi ko sya isasama ay mas lalo lang syang mapapahiyam

Nang makalayo na kami ay humarap na ako sa kanya.

" Jake, sinabi ko na sayo...wala talaga."

"Hindi ako naniniwalang wala." May tono na ito ng pag kainis.

"Jake, kaibigan kita. Hindi ko gustong mapapahiya ka sa maraming tao kaya nga kita pinatititigil. Alam kong gagawin mo ito..."

"Bakit ba ayaw mo akong sagutin?"

"Jake, hindi nalang kasi ito tungkol sa kung mayroon kang nararamdaman sa akin. ....I know naman na meron pero hindi na ito tungkol duon..." napabuntong hininga ako." This is all about your ego. Alam kong lahat ng niligawan mo ay nagtagumpay kang maging girlfriend sila pero ako, you just take me as a challenge nalang..."

"Fuck. I can get what I want" galit na talaga ang tono nito. Tumalikod na ito sa akin at nagbabadya ng maglakad palayo.

"Kaya nga...but there will always be a first time....please stop all of this or else yung pagkakaibigan natin ang mawawala."

Hindi na sya nagsalita at umalis nalang. Gusto ko syang habulin pero kung gagawin ko yun ay magaasume lang sya.

Nafrafrustrate ako. Naglalakad nalang ako papuntang field at umupo sa isa sa mga bench duon.

"Oh, Valentines day ganyan na naman yung mukha mo?" Tumabi ito sa akin.

"Problema?"

It was Kaizer. Siguro close na kami. Lagi lang syang text ng text sa akin. Sinasagot ko yung iba pero dahil sobrang busy ay nakaliligtaan ko na.

"Wala naman. Masama lang ang pakiramdam"

"Sus, I know. Nakita ko kanina. Ang sweet naman." He said pero parang may pait ang pagbigkas nito.

"Chismoso ka talaga no?" Pagpapagaan ko sa atmospera.

"Okey lang basta updated...ako sayo" hindi ko narinig ang huling sinabi nito dahil naghiyawan na rin ang mga tao dahil mag iistart na ang event.

"Oy, nag start na...tara na dun"  tumayo na kami at sabay na kaming nag tungo sa gym.

Masaya yung event. Ang daming pakulo at nakakakilig na ipinakita. May mga intermission number din. May kumanta, sumayaw at tumula. Sobrang nakakawala ng stress sa school ang event kaya magaan sa pakiramdam. Tawa lang kami ng tawa..

"PAM!" Sigaw ni Kaizer sa akin...

"BAKIT?" Nilakasan ko na rin ang boses ko dahil hindi kami magkakarinigan sa lakas ng soundsytem na pumupuno sa gym at sa hiyawan ng estudyante.

"I LIKE YOU..." he said..

"Ano? PAKYU?..." sabi ko naman...medyo hindi ko na gaanong narrinig at naaaliw narin ako sa nag fifire dance.

"PAM!" Pagtawag nya ulit...

"Ha?" Hindi ko kasi sya gaanong madinig.

"LILIGAWAN KITA!"

"ANO?" hindi ko parin sya marinig.

"SABI KO I WILL COURT YOU.." Sigaw ulit nito.

"Anong court?" Naguguluhan kong tanong sa sarili ko. Hindi talaga kasi kami nagkakarinigan.

"ANO ULIT?" Pero imbes na sumigaw ulit ay lumapit na ito sa akin. Nang nakalapit ito ay hinila nya ako at bumulong sa tenga ko. Ramdam ko ang mainit na hininga nito na humahaplos sa aking balat.

"Gusto kita at liligawan kita.." he said.

Gusto nya akonat liligawan? Tama ba yun narinig ko? Napatigalgal ako. Imbes na i enjoy ang event at naigupo na ako sa malalim na pagiisip. Manliligaw si Kaizer? Seryoso ba sya? Katatapos lang nung hirap kong patigilin si Jake pero andyan na naman si Kaizer...

Velentines day is indeed a magical day. Siraulo ata si kupido kasi kung kanikanino sya pumapana. Hay nako...kulang sa breast milk si kupido kaya sya magulo.

Tama...si Kupido talaga may kasalanan..Grabe. Nako talaga.

Bigla ko nalang naiusal..

"St. Valentine, pray for us..."

....
Ps. Edi wow. Hahhahhah

Diary ng KakaibaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon