Kabanata 5

6 4 0
                                    

September 4 , 2019
Entry #05

Dear Diary,

Naglilinis ako tas nakita ko yung Graduation book namin nung Elem kaya binuklat ko to. Ayun, nakita ko yung Grade 6 self ko. Kung paano ko narealize na minsan masakit din pala. Minsan assumming at trying hard ako at higit sa lahat, Expect the unexpected talaga. Ewan peron yun yung nafefeel ko today.

Grade 6 na kami. Medyo busy na at lalong naging compicated. Pasukan at nahagip talaga ng mata ko yung kulay red na bag. Ewan pero napansin ko takaga ito.

Nagstart na yung klase kaya yung mga klasmeyt ko eh nagtakbuhan na papasok sa room. Noong mga nakalipas na Grade ay mapapansin na talaga sa akin ang pagiging medyo boyish. Ayaw ko na talaga kasing magkaroon ng crush at may mag ka crush sa akin. Ewan ko kung anong dahilan pero basta, nagising nalang ako na mas bet ko yung ganon. Feeling ko mas astig ako.

"Hi, Pam" biglang may tumabi sa akin. Ngitingngiti ito. Wala na yung lihis na ngipim nito. Kasi may braces na sya na mas lalong nagpapogi sa kanya. Shit..

"Hello. Dito ka na pala ulit" tanong ko dito.

"Oo nga. May namiss ako eh kaya dito nalang ulit" sabi nya.

Sus. Sinungaling. Nagpakasaya ka nga daw dun sa dati mong school eh. Kala mo diko alam ah. Hep..hep ...hep...wait, at bakit medyo nakakainis yung tono ng isip ko dun? Hoy hoy hoy,,,,dont tell me Pam crush mo na si Raze ngayun?

Ewan ko pero napaka tabil talaga ng bunganga ng utak ko. Ang daming naiisip.

Nag start na yung klase. Kaklase ko parin si Nathan pero si Elle eh nag transfer ulit. Ewan ko pero since then medyo naging distant ng mga 2% si Nathan sa akin. Kasi ayaw nya pagusapan si Elle eh pag tinatanong ko.

Samantalang si Raze naman, ayun feeling pogi. Alam ko namang pogi talaga sya pero minsan may dalang bagyo. Kaya nga kapag may bagyo kahit anong pangalan ibigay nila eh laging Bagyong Raze naiisil ko.

"Class gusto kong mamili kayo ng partners nyo sa gardening. Boy and girl dapat ah" bilin ng titser namin.

"Pam, tayong dalawa nalang." Sabi ni Natham sa akin.

"Sige." Nilista nya yung name naming dalawa sa 1/4sheet tas pinasa nya kay Sir.

"Agapito-Balmaceda,Babaran-Cabayan,....."start na nag announce si sir ng mga magkakagrupong partners.
Medyo bumagal yung pag salita ni sir. Parang naguluhan ata sya.

"May naulit na names kaya ako na mismo yung magrupo dito." Sabi nito.

"Raze Deontelle at Pam Samonte"  at "Pia Maransan at Nathan Lorenzo, yan na yung mga partners nyo. Start na kayo Now!" Sabi ni sir...

Nanlulumo naman ako kasi kung minamalas ka nga naman. Okey na ako kay Nathan eh kaso si Raze pa yung naging partner ko.

Ilang weeks din naming inaalagaan yung mga garden namin. Dito ko napatunayan na kahit papaano eh masipag si Raze. Hindi nya ako pinagtrabaho ng sobra. Laging sya yung gumagawa.

"Pam, kain ka muna" aya ni Raze sa akin. Sabado ngayong araw pero kailangan parin naming icheck yung garden namin. Kailangan madiligan ng mga ito kaya naririto kami.

"Busog pa ako eh" sabi ko dito. Tinuloy ko ang pagtanggal ng damo sa paligid ng tanim namin.

Hindi ko namalayan ang paghigit ni Raze sa kamay ko.

"O-oyy"

"Kakain tayo. Kanina ka pa dyan" sabi nito.

Dinala nya ako sa kubo tas nakita ko duon yung mga baong nakalatag.

"Nagbaon ka? " Tanong ko dito.

"Obvious ba?" Pangaasar nito.

"Che!" I hissed to him.

Nagstart na kaming kumain. Masarap yung baon ni Raze. Kaya naparami kain ko. Tapos na akong kumain ng pigilan ako ni Raze.

"Wait. ..." lumapit sya sa akin. Pinantay nya yung ulo nya sa mukha ko. Kitang kita ko ang medyo nakakunot nyang noo. Nagasalubong ang mga kilay nito na tumititig sa akin. Biglang bumilis yung pintig ng puso ko. Parang namanhid ako.

"B-bakit?" Alanganing tanong ko rito.

"Sabi ko kasi sayo,ako na gagawa eh" pagalit na sabi nito.

Kinuha nya yung panyo nya at maingat na pinupunasan yung baba ng ilong ko. Nag nosebleed pala ako dahil sa init.

"Anong nararamdaman mo?" Nagaalalang tanong nito.

"W-wala naman"

"Tss...yan kasi eh"

Ewan ko pero imbes na magalit ako sa kanya kasi nagsusungit at pinagagalitan nya ako eh mas nanaig yung kiliti sa tyan ko.

Ewan pero bigla nalang pumasok sa kokote ko...

Ang caring pala ni Raze. Dati inis ako sa kanya pero ngayon parang nawala lahat yun at napalitan ng paghanga.

Haisst...sa tingin ko ....

Crush ko na si Raze Deontelle.

Diary ng KakaibaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon