August 24, 2019
Entry # 05Dear Diary,
Naalala ko lang si Nathan ngayong araw. Kita ko kasi sila nag jojogging. Bagong dating lang to. Balik bayan. Nag punta sya ng London. Sana all nakapunta ng imbang bansa. Haisst...kung dati close kami, ngayon wala na. Konting ngitian nalang talaga. Gumagwapo ang mokong. Nakakalungkot lang kasi yung friendship namin lumipad na.
"Raze love Pam" yan ang love team namin. Ewan ko kung bakit. Pero hinayaan ko lang. Okey lang yan siguro basta huwag lang makarating kila mama. Hinahayaan ko na lang kasi nabawasan na ang mga sumbungero. Si Kuya Gjay eh highschool na samantalang si Kuya Son eh nasa Grade 6 na. Medyo busy sya sa pagiging grade 6 kaya wala syang time sa chismis..
Nakaupo na kami. Kasama ko sila Pia, Layla, at Raiza. Kami yung masasabi ko sugurong medyo sikat? Kasi we are on the top of honor student nung Grade 2. Si Layla bilang Top 1, Si Pia bilang Top 2, Si Raze bilang Top 3, Si Nathan bilang 4 tapos ako bilang 5 then si Raiza sa 6th place.
May mga makukulit akong kaklase na minsan bully o kaya papansin. Isa na dun si Raze. Ewan ko kung bakit pero epal talaga sya. Pogi sya pero sobrang lakas ng hangin. Feeling ko lang ah. Kasi magaling sya kumanta tas nasa top kaya ganun. Same sila ni Pia. Syempre plastic friend na naman ako kasi minsan nung nag birthday si Pia ni hindi nya manlang ako nitawag. Bwisit sya.
Diba nga nakaupo kami. Kaming mga piling sikat. Pinaamasdan namin si Raze na ipinagmamalaki yung PSP nyang may camera. Hindi lingid sa aking kaalaman na ito tatlong babaeng kasama ko na nag ngangalang Layla,Pia at Raiza ay may crush kay Raze. Pero ako? Wala akong pake.
Pumihit palapit si Raze sa amin. Then biglang nag flash yung light dun sa may PSP nya. He capture as. Ayun they tease me again na ako daw talaga yung nipicture nya. Bwisit.
"Oyy delete mo yan ah" sabi ko dito. Pero imbes na gawin ayun nipakita nya yung white teeth nya pero may konting lihis yung ngipin nya.
Eew.
Mabilis na lumipas ang mga panahon. Grade 4 na ako. Magkakaklase parin kami nung mga classmate ko nung Grade 3 bukod kay Raze at Nathan na nag transfer. Hindi ko alam pero ayaw ata nila yung adviser namin.
Medyo nalungkot ako kasi wala si Nathan pero nagugulat rin ako dahil nalungkot ako dahil wala na si Raze na laging mahangin. Pero yung mga classmeyt ko niloloko parin ako kay Raze pero hinayaan ko na. Feeling ko nga din medyo may .05% na akong crush sa kanya.
Ewan pero yung buong Grade 4 experience ko medyo boring. Dito kasi lumabas na talaga totoong ugali ni Pia at Raiza. Lagi silang nambubully eh syempre diko matiis kaya sumasabat ako. Yun lang siguro yung medyo exiting.
Grade 5 na ako. First day of school. Unang pasok ko palang pinagkakaguluhan na nila si Nathan kasi nakabalik na sya. Dito na ulit sya magaaral.
"Nathan! " Sigaw ko dito.
"Pam!" Balik tugon nito. Umalis sya sa kumpulan ng tao tas ni hug nya ako.
So kilig....at putik...dapat so diri pala.
"Ieehh, Nathan alis na." Sabi ko dito.
Yun medyo na awkwardan ata kaya bumitiw na sya.
"Buti dito ka na uli?" Tanong ko dito.
"Syempre, miss na kita kaya dito na ulit ako mag aaral" sabi nito sabay ngiti. Sus pacharming lang to.
"Sinungaling....sige na nga balik ka na dun" sabi ko dito.
Akala ko si Nathan lang ang pinag kakagiluhan yun pala meron pa. May bagong transferee. Maganda sya tas matangkad.
"Sino yan?" Tanong ko kila Pia. Medyo bati na kami.
"Si Elle yan. Taga Bicol sya dati pero dito na ata sila titira." Sabi nito.
"Sus, malandi yan si Elle." Komento naman ni Raiza na sinangayunan naman ni Pia.Ewan pero feeling ko mabait naman sya. Nakita ko si Nathan na medyo napatitig kay Elle. Baka pati sya nagandahan.
"Ikaw si Elle?" Sabi ko dito ng minsang nakasabay ko ito pauwi. Same way rin pala yung daan namin.
"Oo. Ikaw ano name mo?" Tanong nito.
"Ako si Pam" sabi ko dito.
Ewan pero nung first time ko syang makausap eh naging magaan loob ko sa kanya. Mabait at Maganda. We became friends. As in kami nalang laging magkasama. Dati sila Pia at Layla at Raiza kasama ko pero ngayun si Elle na.
Balibalita rin sa Classroom na crush pala ni Elle si Nathan. Sinabi nya rin yun sa akin. Same lang naman kami ng dadaanan nila Nathan at Elle kaya kami laging magkakasama pauwi. Hindi ko rin naman masisisi si Elle kasi mabait at charming talaga si Nathan tulad ng pagkakakilala ko sa kanya.
One time, absent si Elle at kami lang ni Nathan ang magkasama pauwi.
"Bat absent si Elle?" Tanong ni Nathan sa akin.
"Eyyy...concern sya.." panloloko ko dito.
"Bat nga?" Sabi naman niyo medyo napapangiti din.
"Crush mo si Elle no?" Tanong ko dito.
Nabura yung ngiti nito. Nag seryoso bigla."Eh ano naman? " Sabi nito at nakatitig pa sa akin.
"E-Eh, wala naman. S-Support nga ako sa inyo eh. Bagay kayo" sabi ko dito.
"Talaga?" Taas kilay nitong sabi.
"Oo nga" sabi ko dito. Pinaresan ko pa ng thumbs up at malawak na pagkakangiti.
Nagstart na sya maglakad sa kabila ng paghinto namin kanina.
"Selos ka naman.." bulong nito na narinig ko.
"Hoy, hindi ah! Di naman kita crush noh" depensa ko dito.
"K-kilala mo naman yung crush ko eh, assuming ka naman."
"Oo na." Sabi nito sa akin. Kinawayan lang ako nito patalikod tas nag punta na sa bahay nila.
"Ewan ko sayo" bulong ko. Nag lakad nalang ulit ako pauwi. Ilang metro nalang naman.
Akala ko maiingit at magseselos ako kila Nathan at Elle pero hindi. Diko alam pero sinuportahan ko si Elle sa pagkakagusto nya kay Nathan.
Hindi rin naman nagtagal at medyo MU na sila.Dun nag start na parehas silang diko na nakakasama. Sad sya pero okey lang. Atleast yung mga kaibigan ko masaya.
PS. Follow, Vote, Comment and SHARE
BINABASA MO ANG
Diary ng Kakaiba
RandomNaranasan mo bang magsulat ng Diary mo? Yung ilalagay mo pa yung mga kilig moments nyo ng Crush mo tapos yung mga unforgettable experience na nangyari sayo. Kung isa ka rin sa mga nagsusulat ng Diary simula noon hanggang ngayon, pwes hindi ka nagiis...