August 8, 2020
Entry #09Dear Diary,
College na ako. May gaganaping aquaintance party. Tulad ng dati ay ayaw kong dumalo sa ganoon pero kailangan ngayon dahil required. Naalala ko tuloy yung aquintance party noon. Ewan but that aquintance party is something. Hindi ko parin makakalimutan yung pakiramdam.
Last grade na ng senior high. May gaganaping acquaintance party para sa year level namin since kakasimula pa palang ng pasukan. Maraming transferee ngayon sa buong Grade 12. Yan ang naririnig ko.
"May poging transferee"
"Oo nga, pero yung isa may Jowa na ata. Jowa nya si Shia. Pero yung isa ewan ko."
Hindi sinasadyang narinig ko ang usapan ng mga ka batch ko. Pinatawag kasi kami sa gym upang mag practice sa isang intermission number ng buong batch.
Nakita ko ang pag tigil at paglipat ng mga mata sa bagong parating. Hindi ko maiwasang humanga. Alam mo yung literal na perfect? Thick brows, pointed nose, thin lips, well defined jaw line and lastly his eyes. Strong and serious.
"Ang pogi...grabe!" Naisatinig nila ang nais kong sabihin. I know na lahat naman kami ay yun ang naiisip.
Nag tama ang mga mata namin. Parang nag slow-mo lahat. It was like yung 1 second na pagtama ng mga mata namin ay animo'y isang oras.
Ngunit bumalik ako sa dati ng may humigit dito.Si Shia. Her rumored girlfriend pero sa tingin ko ay sila talaga. Nuon pa man ang marami ng taga hanga kay Shia. She was really beautiful. Sya yung nanalo sa Intrams at sya din yung nakakuha ng Queen of the night nuong JS prom.
Umupo na ang mga ito sa pyesto nila Shia. Sinundan ko ng tingin ito at bigla akong napaiwas kasi napatingin din ito sa akin. Mabuti nalang at may pumasok na namang isa sa loob ng gym kung kayat napawi ang kaba ko dahil sa dumating.
"Pam?" Tanong nito.
"Raze?"
"Hi Pam...long time no see" sagot nito.
Rinig ko ang bulungan ng iba dahil nakita nila ang paglapit ni Raze sa akin. Raze is good looking as ever kaya makaagaw pansin din ito. Natigil lang ang lahat ng dumating na yung instructor namin para sa sayaw.
"Okey, Good morning guys." Panimula nito." So lets start this by picking your own partners. Girls and boys okey....NOW!1...2...3..."
Mabilis namang gumalaw ang mga estudyante. Naging maingay ang buong gym dahil sa pag hahanap ng kanikanilang partner.
"Pam, dalawa nalang tayo." Pag aya ni Raze.
"Sige."
Ng nakahanap na lahat ng partners ay nag start na yung practice. Nuong una ay medyo sway lang ng kaunti.
We hold hands keeping a small distance with each other as we sway. Meron pa yung mag papalit kami ng partners to the other couple at our left side. Pero hindi ko inaasahan na yung nasa left side pala namin ay sila Shia.
Nag palit kami ng partner. Sya kay Raze while ako naman sa kanyang boyfriend. Yes, legit boyfriend nya na ata talaga ito.
Tulad kanina ay parang nag slow mo na naman. I feel like nakalutang. Tulad ng moves namin kanina ay ganun din ang moves nagagawin namin. Hindi ako makatingin dito dahil bigla akong kinabahan...at na shock.
Naramdaman kong kinuha nito ang kamay ko while his other hand landed on the side of my waist. He gently push me toward him not totally closing our distance. Parang tumigil na naman ang oras. Pakiramdam ko bumagal talaga. Kamuntikan pa akong natuod sa pyesto namin kung hindi sya nag salita.
"Move." He whisper behind my ear. Matangkad ito kung kayat naramdaman ko ang medyo pag yuko nito.
His whisper gives shiver in to my spine. Yun ang nagpagising sa akin upabg gumalaw. Hini ko alam kung paano at ano ang ginawa ko but nagising nalang ako sa malawak na pagiisip nuong na ipasa na ako kay Raze.
"Okey ka lang? " Tanong nito sa akin.
Tinanguan ko lang ito. Kung nuon, mga time na nagka gusto ako kay Raze ay masasabi kong ni wala akong naramdaman na ganito. Maybe because bata pa ako nuon but still, this was new. Very new.
Natapos ang practice ng hindi ko namamalayan. Nagpadala nalang ako sa agos ng studyante patungong Canteen. Sinabayan ako ni Raze. Sobrang lutang ko. Kinakausap ako nito pero tamang tango lang ang naisasagot ko dito.
Dumating ako sa bahay na iniisip parin iyon. Kaya hindi ko namalayan na may bisita pala sa bahay.
"O, Pam andyan ka na pala...kanina pa itong si Nathan na naghihintay sayo." Iminwestra ni Mommy si Nathan na nakaupo sa sofa.
"Iwan ko na muna kayo" she said. Alam naman ni Mommy na kaibigan ko si Nathan kaya okey lang sa kanya na may bisita akong lalaki.
"Hi."
"Hello."
"Pam...sorry." he said.
"Para saan naman ? " umupo ako sa tabi nito.
"Sa lahat. "
"Luh...okey lang yun. Kasalanan ko naman talaga."
"Still, I know i judge are friendship to much. " He sincerely said.
"Babakik na ako ng London." Napatitig ako dito dahil sa gulat. Iniwas nya ang titig nito sa akin. He just look in to the floor.
"Babalik din naman ako pero baka matagalan, but then gusto ko lang magkaayos tayo before akong umalis."
Tahimik lang ako. Alam kong masaya ako dahil okey na kami pero napawi rin yung saya na yun dahil aalis naman sya.
"S-sana oll makakapunta ng ibang bansa..." Pagpapagaan ko sa usapan namin. Tumayo ako at nag punta sa may terrace namin. Ramdam kong sinundan nya ako. Bumungad sa akin ang lamig ng simoy ng hangin. Ngunit napawi iyon ng kamay nya humablot sa akin upang akoy maiharap.
"Pam, huwag ka na magtampo...pag balik ko babawi ako sayo. Promise. " He hug me.
"Pag balik ko may sekretong malupit akong sasabihin sayo. Hintayin mo ako ah" he said as he tightened our hug.
Ewan ko pero parang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Slowly, tears are building up in the corner of my eyes.
"P-pag hinintay ba kita malalaman ko na yang sikretong m-malupit mo? " I said as my tears are covering my eyes.
Napahalak-hak ito sa akin. "Oo naman.."
"Sabi mo yan ah"
We just hug together that night. Animoy parang mapapawi ng yakap ang lahat. Ngayon palang ay parang may nararamdaman na akong kakaiba. Noon hanggang ngayon meron na ito. Hindi ko man maamin pero bukang bibig na ito ng puso ko nuon pa man.
"Wait for me..." he said as he kiss my forehead.

BINABASA MO ANG
Diary ng Kakaiba
RandomNaranasan mo bang magsulat ng Diary mo? Yung ilalagay mo pa yung mga kilig moments nyo ng Crush mo tapos yung mga unforgettable experience na nangyari sayo. Kung isa ka rin sa mga nagsusulat ng Diary simula noon hanggang ngayon, pwes hindi ka nagiis...