Kabanata 14

0 0 0
                                    

May 8, 2021
Entry #14

Dear Diary,

Dapat magiging masaya ang araw na ito dahil balak ko ng sagutin si Kaizer pero I didn't expect this to happen and it ruined everything.

Kaizer has a child already. Okey lang naman sa akin pero iniipit ng magulang ng babae si Kaizee kaya kailangan nyang magpakasal. So I guess, naudlot na naman ang lub layp ko pero kahit ganon I am not that broken dahil I choose to step back para sa bata dahil hindi ko gustong hindi buo ang pamilya nito.

"Mom, Daddy, una na po ako." Paalam ko dito.

Naghihintay na si Kaizer sa labas at kailangan ko ng lumabas dahil may exam pa yun at hindi ko gustong makaistorbo.

"Tarana.." salubong ko dito.

Sumakay na kami ng motor nito.

"Pam naman, kapit ka at baka mahulog ka.." bilin nito sa akin.

"Hindi ako mahuhulog no" tinaasan ko ito ng kilay pero alam kong hindi naman nya makikita dahil nakahelmet na ito at nakaandar na ang motor.

"Sabagay, andito naman ako...sasalohin kita kapag nahulog ka.." umarangkada na ang motor.

"Chosera ka, di kita sasagutin nito.." imbes na magalit o masaktan ay tumawa lang ito.

Pero sa katotohanan. I know deep inside ay gusto ko na si Kaizer. Ilang buwan na rin ang nakalipas ng manligaw ito. Today, I am planning to tell him what I felt dahil gusto ko namang malaman nyang naaapreciate ko sya and hindi ko na itatanggi na sasagutin ko na sya.

Siguro ay mamaya ko nalang sabihin kapag uwian na.

Hinatid nya ako sa klase at umalis narin ito dahil may exam pa sya.
Naging abala rin ako sa mga lesson dahil halos hindi ko masundan ang lesson about Debt instrument at financial Instrument na lesson namin sa Intermediate Accounting.

Nagkaroon din kami ng quiz sa Managerial science kaya imbes na lalabas kami ni Kaizer para kumain ay nagtungo nalang kami sa field para mag review.

"Tapos na exam nyo? Nahirapan ka?"

"Tapos na...basic lang naman yun.." sagot naman nito.

"Wow, ikaw na magaling.." ang hangin talaga ng ugok. Feelingero.

"Ikaw ay? May quiz kayo?" Kasalukuyan na kaming kumakain ng take out lunch namin.

"Mamaya...Mangerial Science." Nagkwentuhan lang kami about lessons tapos nag review na ako na hinayaan nya lang.

Busy ito kaka ML kaya kanya kanya muna kami ngayon. Mamayang uwian talaga sasabihin ko na sa kanya.

"Ay pota..nag Lord na! Mga duwag!" gigil itong naglalaro.

"Hoy! Baka nakalimutan mong nag rereview ako?"

"Ay..hehe sorry Pam..mga cancer kasi.." tumawa ito ng pilit "sige...ano mag review ka na...di na ako magsasalita."

Imbes na maasar na natawa nalang ako. Tinuloy ko ang pagrereview ko hanggang sa malapit na ang next na klase ko.

"Una na ako..."

"Wait...matatapos na to...hatid na kita..." tumayo na ito pero ang atensyon ay nasa Cp parin.

"Ugok ka...malelate ako kaka ML mo....huwag mo na akong ihatid...walang cignal dun...dyan ka nalang.." umalis na ako ng hindi na ito tinitignan.

Pero sumunod parin sya sa akin.

"Ay...tampurorot si Pam.." tumawa ito at inasar lang ako hanggang sa room. Feeling ko tuloy nakalimutan ko laaht ng formula na kinabisa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng KakaibaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon