March 7, 2021
Entry #13Dear Diary,
Akala ko hindi nag e-exist si Rapunzel. Pero ako pala yung living proof. Malandi mang pakinggan pero...GANON kasi yun. Nabuang na talaga ako. Hindi ito compliment but rather a curse. Hindi ako natutuwa sa atensyong nakukuha ko. I will always choose friendship.
Ganun pala yun no? Nakakaistress din pala ang Pag-ibig. But regardless of anything else, we still need to consider others feeling even if we didn't really want it. Always remember that closure means Peace of Mind. Not just for you but also to others.
Simula ng magtapat si Kaizer na gusto nya ako ay nagsimula na rin syang manligaw. Sa katunayan ay pinipigilan ko sya, pero tulad ng kay Jake, matigas din ang ulo nito.
Siraulo ako kung sasabihin kong hindi ako natutuwa kay Kaizer. Sobrang kulit nya at mas madaldal pa sya sa akin. Kung ugali ko pa siguro ang batang si Pam, ay matutuwa ako dahil lumalapit ang crush ko sa akin, pero I know, deep inside ay nag mature na ako at tanging pagkakaibigan lang talaga ang maibibigay ko.
Ang mga nakalipas na buwan ay hindi naging madali sa akin. Jake was really mad at me dahil nanliligaw si Kaizer sa akin. Ewan ko kay Jake pero ginagawa nya nalang na trophy ang pagpapasagot sa akin kaya, blessing in disguise na rin siguro si Kaizer dahil nung nagstart na syang manligaw ay nabawasan na rin ang paglapit ni Jake.
"Bulaklak ka ba?" out of knowhere na sabi nito. Tulad ng dati ay nasa may field kami, malapit sa Oval . Sumisilong sa malalaking puno sa gilid.
Napatampal nalang ako sa noo ko. Ayan na naman ang mga banat ni Kaizer na walley pero dahil sa pagiging walley ay matatawa ka nalang.
" Hay nakoo Kaizer, tinotopak ka na naman.."
"sagutin mo nalang..." natatawang usal nito.
"Hay...BAKIT?" natatawa na rin ako..in-emphasize ko talaga yung bakit.
"Kasi ang bango mo..." he said. Tumayo ito at nag simula ng magsayaw.
"Ang bango bango, ang bango bango ng bulaklak, pag inaamoy, pag inaamoy anong sarap, ang bango aw!"
Gumiling pa ito. Tawa tuloy ako ng tawa. Hindi na rin masamang si Kaizer ang kasama. Masasabi kong wala talagang dull moments dito.
"Siraulo....diko po kilala yan.." natatawang sabi ko ng naglingunan sa banda namin ang ibang estudyante.
Tawa parin kami ng tawa. Marami baon na mga lines ang animal. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa kakatawa kaya nagmamadali tuloy kaming dalawa dahil sa late na ako sa klase ko.
"Bwisit ka...late na tuloy ako.." I said as we continue running. Kasama sya dahil ihahatid daw nya ako.
"Sus, sabihin mo aliw na aliw ka..." confident na sabi nito. "Ang pogi ko kasi.." he chuckled.
"Ay...lakas ng hangin oh! Signal number 4"
Nakarating kami sa room ko ng hinihingal. Mabuti nalang dahil nakasabay ko lang ang prof namin sa pagdating.
"Good afternoon ma'am " sabay pa kaming bumati. Tumango lang ito.
"Chupi ka na...papasok na ako.." pagpapaalam ko dito. He just bid his goodbye at umalis na. Pagpasok ko ay nahigip ng mata ko si Jake na umiwas lang ng tingin. Hinayaan ko nalang ito.
BINABASA MO ANG
Diary ng Kakaiba
NezařaditelnéNaranasan mo bang magsulat ng Diary mo? Yung ilalagay mo pa yung mga kilig moments nyo ng Crush mo tapos yung mga unforgettable experience na nangyari sayo. Kung isa ka rin sa mga nagsusulat ng Diary simula noon hanggang ngayon, pwes hindi ka nagiis...