Kabanata 6

5 4 0
                                    

September 21, 2019
Entry #06

Dear Diary,

Feasta na namin. May mga rides sa may community center. Syempre pupunta ako doon dahil may paevent ang barangay. May pageant na nagaganap. Nagstart na yung pageant.  Doon nakita ko si Nathan. Kasama pala sya sa pageant. Namiss ko tuloy yung friendship namin. Sayang talaga. Bukod kay Nathan eh nakita ko parin sya. Si Kaizer ayun, may nakalingkis na babae sa kamay nya. Tulad ng dati, hanggang tango at kaunting ngiti lang ang ginagawad namin sa isat isa. Maraming tao sa buong court, pero sa dami ng tao ay nakita ko parin si Raze. Si Raze na naging malaking part ng kung sino ako. Hindi naman sobrang laki ah...mga 5% lang.

Malapit na ang graduation. Ilang linggo nalang. Ngunit sa ilang linggo na yun ramdam ko ng may kakaiba. Noon sanay akong laging kasama si Raze kasi lagi syang nakabuntot sa akin pero sa nakalipas na mga araw ay kay Layla na ito sumasama. Okey lang naman sa akin pero kahit ganun ay medyo nalulungkot ako kasi kung kailan naamin ko na na crush ko sya eh saka naman ata nag kagusto sya sa iba. Dati gustong gusto nya pumunta sa bahay. Umaga palang nag bibike na sya sa harap ng bahay namin. Kahit malayo bahay nila dumadayo sya. Syempre kinikilig ako. Pero ngayon wala na. Dun sa Garden namin hindi na nya ako tinutulungan. Hinahayaan nya nalang ako kasi mas inuuna nya si Layla. Kaya nabwibwisit talaga ako sa kanya.

"Problema mo?" Biglang tanong ni Nathan sa akin.

"Wala. Nakakaasar lang si Raze kasi hindi sya tumutulong sa Garden. Mas inuna nya pa yung makipag laro kay Layla." 

"Sus, selos ka?"

"Hindi ah!"

"Huwag ka na magselos" sabi nito.

"Andito naman ako" bulong nito pero hindi ko naintindihan.

Uwian na namin. Syempre kasabay ko si Nathan sa paguwi. Nagkasabayan din kami ni Raze pero hindi ko sya pinansin.

Nakarating na kami sa bahay nila Nathan kaya nagpaalam na ito. Ako, tuloy lang ang lakad ko pero ramdam ko si Raze na nakasunod sa akin.

'Anong problema nito' hindi naman dito yung way nya sa bahay nila. Kapag dito sya dumaan ay mas malayo yung lalakarin nya.

"Pam.." rinig kong tawag nito. Pero di ko sya pinansin. Pake ko sayo. Mas dinalian nitong maglakad hanggang sa pumantay na sya sa akin.

"Pam, sandali. "

"Problema mo?"

"Wala. Galit ka ba sa akin?" Nagtatakang tanong nito.

Watdapak. Hay,,,assumming nga ata ako. Busit sya. Baka di nya talaga ako crush kaya ganito.

"Hindi, bat naman ako magagalit?"

"Wala lang. May hihingin sana akong pabor. Si Layla, matagal ko na syang gusto. Pinagseselos ko nga sya eh. " 

Lintik. Ayan . Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala lumalapit at hinahayaan nya lang yung mga panloloko sa aming dalawa kasi gusto nyang pagselosin si Layla. Watdapak talaga.

"O,tapos?" Nabwibwisit na sagot ko dito.

"Gusto ko sanang ilakad mo ako. Diba kaibigan mo naman si Layla."

My gosh. Nawindang ako. Oo medyo close na kami ni Layla ngayon. Yung puso ko. Dinudurog. Hindi ko naman naramdaman ito kay Kaizer or Nathan nun. Bwisit talaga itong bagyong to.

"Sige. ...yun lang ba? Kung yun lang eh uuwi na ako. Marami pa akong gagawin" sabi ko dito. Umalis na ako sa harapan nya. Mabilis ang mga lakad ko paalis.

Diary ng KakaibaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon