Prologue

15.2K 687 269
                                    

A/N: This version of the story has been edited already way back in January. But as I began editing it again, I've noticed the presence of numerous errors. I'm apologizing in advance. Tao lang po, palaging lutang. :<

PROLOGUE

Naglalakad ako pauwi sa bahay namin dahil tapos na ang klase ko para sa hapon na iyon. Nag-taxi lang kasi ako at hindi ko na pinatuloy pa sa loob ng subdivision. At isa pa, malapit lang din naman kasi ang mismong bahay namin sa bukana ng subdivision kaya okay lang kung lalakarin ko na lang.

"Hoy Alien!" sigaw ng kung sino mula sa kung saan.

Hindi ko nilingon ang boses na 'yon kahit na alam kong ako ang tinatawag niya. Mas pinili ko ang magpatuloy sa paglalakad sa kabila nang kaalaman na maaaring sinusundan na nila ako ngayon. Katulad ng mga makailang beses nang nauwi kami sa ganitong tagpo.

"Alien! Bakit hindi ka humaharap?" sabi ng bagong tinig.

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso para ipaharap sa kanila at bumungad sa akin ang mga pamilyar na mukha ng dalawang babae na kaedaran ko lang. Ang mga nakakaloko at patuyang ngisi ay nakapaskil sa mga labi nila habang ang mga mata ay pumapasada sa kabuuan ko sa mapanlait na paraan. Mula sa mga mukha nila ay bumaba ang paningin ko sa mga kamay nila na kapuwa may mga hawak na balde. Ang balde na hawak ng isa ay may lamang pintura habang ang sa isa naman ay may laman na lobo na nasisiguro kong may laman ang loob.

Kilala ko silang dalawa sa mukha dahil palagi kong nadadaanan ang mga bahay nila rito sa subdivision na tinitirhan namin. Palagi rin nila akong sinasabihan ng kung anu-anong mga pangit na salita bilang pang-aasar pero mas pinipili ko na lang na lampasan sila para wala ng gulo.

It is something that I'm good at. Pretending to be deaf and ignoring their harsh words. And acting like a solid rock whenever they hurt me physically as if what they were doing doesn't bother me. Wala akong ibang pagpipiliian bukod sa magbingi-bingihan para magawa ko pa ring maipagpatuloy ang buhay.

"Alam mo, masyado kang maputi. Bagay sa'yo ang gawing canvas. Like this oh!" Binuhos niya sa katawan ko ang kulay berde na pintura na laman ng balde na hawak niya.

"Ang galing mo, Charm! Pero naiinggit ako, e!" Sarkastiko siyang tumawa bago humarap sa direksyon ko.

Biglang itinapon ng isa pa sa direksyon ko ang lobo na may laman palang pintura na kulay asul. Dahil sa lakas nang pagkakabato niya ay sumabog iyon sa akin at kumalat ang pintura sa katawan ko.

"Perfect! Oh, diba may kulay ka na! Dapat pala pula, 'no, Queennie? Para mukha na siyang Christmas tree," sabi ng babae na naunang nag-buhos ng pintura sa akin.

Nagtawanan silang dalawa at nag-apir pa. Mukhang sayang saya sa ginawa nila. Samantalang ako, nanlalapot na sa lagkit ng pintura. Tatawa-tawa na umalis sila sa harapan ko kaya naglakad na lang ako pauwi habang tumutulo na ang pintura mula sa katawan ko.

Sanay na ako, e. Sanay na ako na nakakatanggap ng mga ganitong klase nang pagtrato na halos araw-araw kong nararanasan. Senior high school na ako pero nakararanas pa rin ako ng mga ganitong klase ng tagpo. Akala ko nga since high school na ay mas mature na ang mga makakasalamuha ko. Pero mali pala ako, kasi mas naging malala lang sila. Naging mas mapanakit sila.

"Jusko Bliss! Anong nangyari sa iyo?!" Napatingin ako kay Yaya Rita na natataranta at hindi alam ang gagawin nang makita ang ayos ko habang papasok sa gate ng bahay namin.

Mabilis na lumabas na rin sila Mom and Dad pati na ang iba pa naming kasama sa bahay marahil ay narinig ang histerya ni Yaya Rita. Lahat sila ay nakatingin sa akin and they have the same look in their eyes. Pity.

"Anong nangyari?" Lumapit sa akin si Dad at iginaya ako papunta sa backyard. "Pakikuha nga ako ng towel, Nida."

Agad namang sumunod si Ate Nida sa utos ni Daddy. Nakasunod sa si Mom na naiiyak na nakatingin sa akin.

"What happened, baby? Tell it to daddy," masuyong tanong niya. Kumuha siya ng hose na gamit sa pandilig at ginamit iyon para tanggalin ang pintura sa katawan ko. Mabuti na lang at madaling natanggal ni Daddy ang pintura.

"Sorry anak, ha? Kasalanan namin ito, e. Sorry if you have to go through this. Sorry if you have to suffer like this," Mom shedding tears and I looked away.

Nasasaktan na naman siya ng dahil sa akin. Nasaktan ko na naman silang dalawa. "Okay lang naman ako, Mom. Hindi niyo po kailangan sisihin ang sarili ninyo. Sadiyang may mga tao lang po talaga na hindi pa kayang tanggapin ang mga katulad ko." Nang matapos si Dad ay sakto naman na dumating si Ate Nida dala ang towel ko. "Sige po. Akyat lang po ako sa kwarto."

Hindi ko na sila hinintay na sumagot pa at nagpunta na agad sa kwarto ko. Isang lugar kung saan kaya kong pakawalan ang mga sariling nararamdaman nang hindi inaalala na makakasakit ako ng iba. Lugar saan puwede akong maging ako na nasasaktan at hindi nagtatapang-tapangan.

Agad na tinuno ko ang sariling banyo at doon ipinagpatuloy ang paglilinis ng sarili. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at simpleng ngumiti. Ang mga naiwang bakas ng pintura ay naroon pa rin sa ilang bahagi ng katawan at buhok ko. Muli ay sumilay ang isang mapait na ngiti sa mga labi ko.

Okay lang ako.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon