10: Reverie

3K 187 36
                                    

CHAPTER TEN
Reverie

"Matagal na talaga akong naaasiwa sa kulay mo, e," sinabi niya 'yon na halos idura na ang bawat salitang binibitawa. Disgusto ang nangingibabaw sa boses niya.

Awtomatikong nanginig ang katawan ko sa takot para sa kaniya. Hindi na rin matigil ang luha ko habang hinihintay ang susunod na gagawin niya. Natatakot ako. Pero wala akong mahingan ng tulong dahil lahat ng tao sa silid-aralan na 'yon ay nanonood lang, pare-parehong nasisiyahan sa nasasaksihan.

"Ta-tama n-na..." pakiusap ko. Mas isiniksik ko ang sarili ko sa pader na para bang kaya akong no'ng protektahan.

"Ayaw ko nga. Tsaka para rin naman sa'yo 'to." Tumawa siya sa nakakatakot na paraan. Naramdaman kong mas nanginig ang katawan ko sa takot na idinulot ng madilim na pagtawa niya. "Hindi ka ba nagsasawa r'yan sa kulay mo? Look at you! Masyado kang maputi, lahat sa'yo ay maputi. Mula sa buhok mo hanggang sa kilay mo kulay puti! Para kang bond paper na walang sulat!" Bakas ang iritasyon sa boses niya. Umupo siya at pinantayan ang mukha ko. "Kaya ako na lang ang magkukulay sayo."

Nangilabot ako nang ngumisi siya sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Nakakatakot ang itsura niya at walang takot na mababakas sa mukha ng babae sa maaaring maging mga konsekwensya nang ginagawa niya.

"P-please! Wala akong kasalanan sa'yo. Please..." Pagapang na lumapit ako palapit sa kaniya at yumuko sa paa mga niya, nagbabakasakaling maawa siya. "Spare me..."

"No," she said in a flat voice that was followed by a sarcastic laugh.

And everything was followed by faint voices that even though I know that was being said out loud by the people surrounding me, those sound still sounded far from my ears. Mas nangibabaw sa matinfing kirot at sakit na nanggagaling sa balikat ko na siya rin ang may dulot nang bigla na lang may malamig at matigas na bagay na humiwa sa balikat ko pababa sa braso ko.

Naging sunud-sunod ang pagkawala ko nang matinis na sigaw habang namimilipit sa sakit sapo ang balikat ko na hiniwa niya. Nararamdaman ko ang masaganang pag-agos ng mainit na likido mula roon na hindi na maampat sa kabila nang pagpipilit kog pigilan 'yon. Parang ibinulatlat ang balat ko dahil sa paghiwang ginawa niya. At wala pang minuto ang lumilipas ay kumalat na sa semento ang sarili kong dugo.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pilit siyang inaninag sa likod nang nanlalabo kong mga mata. Nahihilo na ako at unti-unti nang nauubos ang lakas at kamalayan ko. Nakita ko ang hawak niyang matalim na bagay na siyang humiwa sa balikat at braso ko kani-kanina lang.

"What did you do, Ruby?!" bulalas ng isa sa mga kasama niya na pinapanood lang siya sa ginagawa niya sa akin magmula pa kanina.

Scalpel. 'Yon ang bagay na humiwa sa balat ko. Nakita ko ang dugo ko mula sa bagay na 'yon na tumutulo pa sa patulis na dulo no'n. Nakakakilabot ang kakaibang ngisi na nakapaskil sa mukha niya na parang hindi siya apektado sa nagawa. Parang wala siya sa tamang katinuan at ang tanging nasa isip lang ay ang masaktan ako.

"Help! P-please! Tulungan niyo ako!" sigaw ko gamit ang nanghihinang boses.

Nagmamakaawa na tulungan ako ng mga kasama niya. Pero bigo ako. Nararamdaman ko ang matinding sakit ng balikat at braso ko dahil sa lalim ng sugat na ginawa ni Ruby sa akin. Pero nagkamali ako nang akalain kong tapos na siya.

Tumayo siya at hinila niya ako sa buhok at kinaladkad palabas ng kuwarto na iyon. Gusto kong sumigaw sa sakit para kahit papaano ay mabawasan ang doble-dobleng sakit na ipinararanas niya sa akin. Pakiramdam ko ay natatanggal ang buhok ko mula sa anit ko sa higpit nang pagkakasabunot niya. Pero kahit ang pagsigaw ay hindi ko na magawa dahil sa kawalan ng lakas.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon