14: Lost

2.4K 170 16
                                    

CHAPTER FOURTEEN
Lost

Sa kabila nang pagpipilit ko na ituon ang buong atensyon sa ginagawang pag-eensayo nang paged-deliver ko ng piece ko kaso ay kusang natutuon ang paningin ko kay Isa na tahimik lang na nanonood sa batuhan ng linya nina Lucy at Riva. Si Riva ang gaganap bilang kontrabida sa palabas namin. Seryoso lang si Isa na pinapanood ang dalawa katabi ang director ng org namin na si Wilson. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nakitang reaksyon ng babae kanina nang makasalubong namin siya ni Devyn.

I saw pain and longing in her eyes and that bothered me. At nakokonsensya ako sa kaalaman na dati silang may relasyon ni Devyn at nagawa kong makipag-hawakan ng kamay gayong kaibigan ko siya. Pero nababagabag ako sa guilt na siyang nangingibabaw na emosyon sa mga mata niya.

Hindi ko tuloy maiwasan na sisihin ang sarili ko nang makita ko kung gaano kaapektado si Isa. Kahit kasi nakikita ko siya ngayon na seryosong nagmomonitor para sa play ay alam kong may dinaramdam siya. She may act tough in front of everyone because she is Isadora Morin. A woman who is tough and strong. But that doesn't exempt her from pain. At nakakainis lang kasi wala akong magawa para matulungan siya katulad ng mga ginagawa niya sa akin sa tuwing kailangan ko siya. Imbes ay mas nakadagdag lang ako sa pinagdadaanan niya.

"Hi Bliss." Nawala ang tingin ko kay Isa nang humarang ang nakangiting mukha ni Kuya Gio sa harapan ng mukha ko.

"Bakit Kuya?" tanong ko bago kusang umatras ang mukha ko dahil nakakilang ang maliit na distansya naming dalawa.

"Alam mo, wala naman akong nakahahawang sakit pero kung makaiwas ka grabe," natatawang sabi niya na nginiwian ko.

"Hindi lang kasi talaga ako komportable, Kuya," nakangiwing tugon ko. Kahit kasi lagpas sa isang taon ko na siyang kilala ay naiilang pa rin talaga ako sa tuwing nalalapit siya sa akin, o kahit na sinong lalaki na hindi ako komportableng nakasasama sa maliit na distansya.

Bakit kay Devyn malapit ka samantalang halos isang buwan mo pa lang siyang nakikilala? Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan ng sagot sa sinasabi ng isang bahagi ng utak ko.

"Right." Nakita ko ang malokong ngiti na sumilay sa mukha ni Kuya Gio kaya napailing na lang ako. Siguro ay parehas lang kami ng iniisip. "Pakihanap naman si Devyn. Hindi pa kasi bumabalik, e, ang sabi magpapalit lang daw ng damit."

"Bakit ako kuya?" Napakamot ako ng ulo. Wala na sana sa intensyon ko na pansinin pa ang lalaki matapos ang nangyari kanina sa labas ng gym. Sumenyas siya sa akin na tumingin ako sa buong gym kaya agad akong tumalima, at nakita kong lahat ng tao roon ay busy sa kani-kaniyang task na naka atas sa kanila. "Sabi ko nga ako ang maghahanap e."

Hindi ko alam kung saan ako magsusimulang maghanap kay Devyn sa lawak ng CIU. Pabuntong hininga na nagsimula akong maglakad kahit na walang eksaktong destinasyon. Ilang minuto na ang lumilipas ngunit maski ni anino ng lalaki ay hindi ko pa nakikita. Hanggang sa mapadpad ako sa parte ng university na tinatawag ng marami na 'beach' dahil na rin sa beach vibe ng lugar.

Mabuhangin kasi ang parte na 'yon at nahaharangan ng malalaking bato ang paligid para hindi kumalat ang buhangin palabas. May mga sementong lemesa at upuan din doon na kulay maroon, at sa gitna ng bawat lamesa ay may payong na nagsisilbing proteksyon sa araw. Malayo ang beach sa mga building kaya tahimik ang paligid. Nasa may dulong part kasi siya ng university kung saan puro puno na lang ang makikita. Mabuti na lang talaga at maraming ilaw na nakasindi kaya maliwanag pa rin kahit papaano at hindi nakakatakot na maglakad ng mag-isa.

Pilit na inaninag ko ang lugar gamit ang naniningkit kong mga mata sa pagbabakasakaling makita na roon ang taong pakay ko. Parang nabunutan ako ng tingin nang may makitang pigura na nakaupo sa isa sa mga sementong upuan habang may nakaaipit na sigarilyo sa daliri ng isang kamay. Devyn.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon