04: Seat

5.8K 304 105
                                    

CHAPTER FOUR
Seat

Nagtagal pa ako ng ilang sandali doon para makipag-usap at makipaglaro kay Maxim sa tuwing pinapasok siya sa bahay ni Kervin. Sumisilip ako sa mga nangyayari minsan mula sa bintana pero kapag may napapatingin sa gawi ko ay agad na akong pumapasok sa loob para magtago.

"I think I can go go home now? Naibigay ko naman na ang regalo ko kay Maxim," wika ko. Napatingin ako sa wall clock nila, 9:30 na ng gabi.

Halos magkakapanabay na tumingin silang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. Pati si Maxim na nasa kandungan ko ay tumingala rin. Nasa sala kami nila Ken, Koby, Klea, Kervin at Devyn. Nag-uusap ng mga kung anu-anong bagay dahil patapos na rin ang kasiyahan na nangyayari sa labas. Nagsisiuwian na rin ang iba pa nilang kamag-anak at ang mga natitira na lang ay ang mga gustong mag-sleep over.

"Already?" I can hear disappointment in Kervin's voice.

"Kaya nga snow white," segunda naman ni Kuya Ken.

"Come on, people. Gabi na rin at patapos na rin ang party," natatawang sabi ko. "At kailangan niyo na ring magpahinga. Lalo ka na Kervin."

"She's right, bro," Devyn said kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ng lahat.

At gano'n na lang din ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko nang malingunan siyang nakatingin sa direksyon ko. Agad ba nag-iwas ako ng tingin upang muling maging malumanay ang pagtibok ng puso ko ngunit hindi pa rin mawala ang imahe ng pagkakatingin niya sa akin sa utak ko.

"Fine." Bumuntong hininga siya. "But you're not going home alone," sumusukong sabi niya. "Ipapahatid na lang kita kay Devyn."

"Puwede namang ako na lang," napatingin ako kay Ken. "Promise my dear snow white, hindi kita aasarin."

Itinaas niya pa ang kanang kamay na parang nanunumpa talaga. Maniwala ako sa kanya. Kislap pa lang ng mukha niya ay alam kong may kapilyuhan na namang tumatakbo sa isip niya.

"And besides, I know this place better."

That I agree though. Hindi din naman kasi ako komportable na makasama si Devyn kahit pa sabihin na nagkasama na kami ng isang beses. At mas nakakailang dahil sa kaninang hindi maipaliwanag na naramdaman ko kanina.

"I think tama si Kuya Ken," sa akin naman sila napatingin ngayon. "Tara?"

Isa-isa kaming nagsitayuan at nagpaalamanan. Isa-isa din lumapit sa akin si Koby at Klea para yumakap at humalik sa pisngi. Huli kong hinarap si Kervin na buhat na ngayon si Maxim.

"Bye baby. Happy birthday ulit." Hinalikan ko siya sa noo at . "Good night, Kervin. Good job ka today."

Masuyong ngumiti ako sa kaniya bago yumakap sa kanya ng hindi naiipit si Maxim.

"Good night, babe." Humalik muna siya sa pisngi ko bago seryosong humarap kay Kuya Ken. "Please lang kuya, huwag mo nang asarin si Audrey."

"Grabe talaga kayo sa akin. Mabait na ako, promise."

Natatawang sabi niya bago ako hinila palapit sa kaniya para akbayan. Ang malokong ngiti sa mga labi niya ay naroon pa rin ka hindi ko maiwasan na mapasimangot. Scammer pa nga.

Magkapanabay na ngumiwi lang kami ni Kervin sa sinabi niya dahil alam naman naming hindi talaga siya nagsasabi ng totoo. Malayong-malayo sa katotohanan na nakikita namin sa malokong ekspresyon ng mukha niya. Humarap ako kay Devyn na ramdam kong kanina pa nakatingin sa akin.

"Good night din sa'yo."

I gave him a really, really, small smile.

"Ikaw din," tipid ang ngiti na ganti niya.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon