33: Exposed

1.5K 90 9
                                    

A/N: Thank you sa lahat ng suporta at pagmamahal na ibinibigay niyo sa istorya na ito. I really appreciate each and everyone of you! Sobrang pinapasaya niyo ang puso ko! <3

CHAPTER THIRTY-THREE
Exposed

Tahimik na nakikinig lang ako sa usapan nila Isa, Kervin at Devyn. Inabot na kami ng gabi sa "bonding" daw namin. Gising na rin si Maxim at kasalukuyang nakaupo sa kandungan ng ama niya habang kumakain ng saging.

Katabi ni Kervin si Isa na may hawak na lata ng beer. Sa nakikita kong estado niya ngayon ay hindi malabong naapektuhan siya sa naging pag-usap namin kanina. Ako nga na wala naman sa sitwasyon nila, ako na hindi naman alam ang nararamdaman nila ay apektadong-apektado. Sila pa kaya? But she's really good in handling her emotions. Nagagawa niya pa rin kasing makipag-asaran kay Kervin na para bang wala siyang kinikimkim.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Devyn sa akin mula sa likod ko. Nakaupo ako sa pagitan ng mga hita niya habang prenteng nakasandal sa katawan niya. Siya naman ay nakayakap sa akin mula sa likod at nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

Devyn had a few drinks pero alam ko na hindi pa siya lasing. "I love you, Bliss Audrey," he whispered and planted a kiss on that sensitive part of my neck.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Pinuno ng kakaibang pakiramdam ang katawan ko dahil sa ginawa niya. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko ngunit mas nangingibabaw ang kakaibang kiliti na idinulot no'n sa tiyan ko.

He never did that to me before, ngayon pa lang. We never even kissed on the lips. Hindi sa gusto ko. Hindi rin sa ayaw ko. It's just that, it never crossed my mind. I guess, gano'n din sa kaniya.

"As I love you, Devyn," I answered as I finally got my voice again.

"I think I love you more than you love me," he rebutted.

Napangiti ako dahil alam ko sa sarili ko na tama siya. He really does loves me more than the love I feel for him. But it doesn't mean my love for him is weak and shallow. It's just that, his love for me is greater and way more deeper than the love I have for him.

He should find it unfair on his side, pero hindi. Hindi siya naghangad ng mas higit pa sa ibinibigay ko. He is even more happy knowing that he loves me more.

Naputol ang sasabihin ko sana sa pag-vibrate ng cellphone niyang nasa bulsa ng pantalon niya. Without taking his one arm away from me, he freed his one hand to reach for his phone inside of his pocket. Inilagay niya iyon sa tainga niya at muli na namang sumubsob sa leeg ko. And that made me hear the voice coming out from the other line.

It was a woman.

"Devyn," the woman said as if she is spitting the word out of her mouth.

Naramdaman kong natigilan si Devyn. Kumilos siya at akmang aalisin niya ang mga braso niya na nakapulupot sa akin nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan sa gagawing pagkilos. Nakita kong napatingin sa amin sila Kervin at Isa. Marahil ay maging sila ay nararamdaman din ang pagbabago ng timpla ni Devyn.

"Mom," Devyn whispered.

"Unfortunately." I felt a sudden pain hit me that made my heart weakened as I heard the tone that Devyn's Mom used. It feels like her being his mother is a disgusting truth.

Ako naman ngayon ang natigilan. Tinangka muling kumalas ni Devyn ngunit sa pangawalang pagkakataon ay pinigilan ko siya. Kinuha ko ang isang kamay niya ay hinawakan ng mahigpit. Siguro sa ganitong paraan, kahit sa ganitong paraan lang, ay maiparamdam ko sa kaniya na hindi siya nagiisa.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon