45: The Comeback

1.9K 106 5
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE
The Comeback


Napangiti ako sa malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Ang payapang huni ng mga ibon na bumubuo ng isang malamyos na musika ay naghahatid ng kapayapaan sa puso ko at insalis ang mga masalimuot na ala-ala na hanggang ngayon ay buhay sa isipan ko. Ang tuwa at lungkot ay sabay kong naramdaman sa reyalisasyon na iyon. Sa buong buhay ko ay ngayon ko pa lang ata totoong naramdaman ang ibig sabihin ng salitang kapayapaan.

Kapayapaan.

Masarap pala talaga sa pakiramdam na mabuhay sa isang lugar na wala kang inaaala na mga bagay. Na wala kang inaalalang mga bagay na puwedeng ibato sa'yo ng iba. 'Yong malaya ka na gawin ang mga bagay na gusto mo na hindi iniintindi ang tingin ng mga tao. Masarap pala talaga na mabuhay ng malaya at payapa.

Ang puting kapaligaran ay nagbibigay laya sa akin na makaramdam ng seguridad na hindi na ako mahihirapan kailanman. At hindi na ako masasaktan ng sinuman.

Napakapayapa.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase na kuluwalhatian sa buong buhay ko. Na hindi na ako matatakot sa mga puwedeng ibato sa akin ng bukas dahil alam kong sa lugar na ito ay wala ng makakapanakit sa akin. Na sa lugar na ito ay purong saya na lang ang mararamdaman ko. Na sa lugar na ito ay hindi ko kailangan na hanapan ng lugar ang sarili ko. Dahil alam ko na ano mang kulay ng balat ko ay matatanggap ako rito.

Sa muling pag-ihip ng hangin ay tuluyan na akong nakaramdam ng laya. Paglaya mula sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko na hihilingin na balikan pa. Laya mula sa gapos na pumipigil sa akin na makaramdam ng tunay na ligaya. At least sa ngayon, makukuha ko nang maging masaya, na walang sakit na dinadala. Walang mga pang-iinsulto mula sa mga tao at walang mga nanunuyang tingin na nakalapat sa akin. At least, sa lugar na 'to, pantay ang lahat ng tao.

"Masaya ka ba sa pananatili mo rito?" tanong ng isang malamyos na tinig na humahaplos sa puso ko at tumutunaw sa takot na matagal nanirahan doon.

"Opo!" magiliw na sagot ko. "Ngayon lang po ako nakaramdam ng ganitong klase ng kaligayahan. Ng ganitong klase ng kalayaan. 'Yong parang nakawala ka sa kulungan na matagal mong kinakasadlakan. At ngayon nga po ay nandito na ako sa isang paraiso kung saan pantay-pantay lang ang lahat," mahabang lintaya ko habang ang mga mata ay sinusundan ng tingin ang mga taong malayang nakikihalubilo sa iba.

Mga taong magkakaiba man ng pinanggalingan. Mga taong magkakaiba man ng antas sa buhay. Mga taong magkakaiba man ng kulay ang balat ay hindi nakitaan ng panghuhusga para sa mga taong kaharap.

Napangiti akong muli at kinawayan ang isang batang nakaputi na animo isang manika na nagliliwanag ang buong katawan sa sobrang payapa ng buhay na nararanasan niya sa lugar na ito. Patalon-talon siyang naglakad palayo sa direksyon ko habang nakasunod sa pila ng mga tao na tinatahak ang daan patungo sa dulo ng liwanag.

"Susunod ka ba sa kanila? Sa amin?" tanong ng tinig na 'yon.

Nahati ang puso ko, hindi makahanap ng eksaktong sagot sa tanong niya. "Kapag ho ba sumama ako sa inyo, may pag-asa pa po ba na makabalik ako?" tanong ko pabalik bagaman hindi ko siya nakikita mula sa kinatatayuan ko.

"Hindi na," sagot niya na walang bahid ng lungkot bagaman ang sagot niya ay nagpakurba sa isang maliit na ngiti sa mga labi ko sa malungkot na paraan.

"Hindi na lang ho muna siguro. May ibang pagkakataon pa naman po siguro para rito," nakangiting tugon ko. "Sa ngayon ho ay mas pipiliin ko muna na harapin ang mundong walang kasiguraduhan para makasama ang mga taong mahal ko."

Hindi ko man nakikita ang sariling mga mata ngunit alam kong iba ang naging kinang no'n sa labis na kasiyahan nang lumitaw ang imahe ng mga taong importante sa akin ngayon. Mga taong sa kabila ng mga sakit na hindi sinasadyang naidulot sa akin ay mahal ko pa rin. Mga taong sa kabila ng ilang ulit kong pagtataboy ay mas pinili na paulit-ulit na umintindi at humingi ng tawad sa mga pagkakamaling nagawa.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon